010 | Lost Girls

1.7K 80 4
                                    

Chapter 10: Lost Girls
SKULL

• • •

"I need some source of signal," wika ni Ash habang nakatingin sa aming lahat.



Anong signal? We're so clueless on how she will going to find Hailey. Pero as a leader of this gang I need to trust her.






Actually, this is the first time na ipapakita niya sa 'min ang ability niya. Sana makatulong iyon. Kailangan na naming mahanap si Hailey sa lalong mas madaling panahon.






"What do you mean?" tanong ko para malinawan sa kung ano ang kailangan niya.







"Radio, t.v or kahit anong medium basta sumasagap ng signal" sagot niya kaya agad kumilos ang katawan ko para maghanap ng radyo. Wala naman kasing TV dito sa headquarters. Sinubukan kong hanapin ang radyong nakaimbak sa cabinet dito sa headquarters pero wala dito.






Hindi ko mahanap! Asan na ba'yon? Hinalughog ko na ang buong headquarters pero wala kaming nakita. Kainis! Bakit sa oras na kailangan mo ang isang bagay do'n mo pa hindi makita? Sh*t naman oh!








"Cellphone, pwede?" wika ni Gayle kaya lahat ng atensyon namin ay napunta sa kanya.







"Yes, actually mas convenient 'yon" sagot naman ni Ash. Agad inilabas ni Gayle ang cellphone niya na nakaipit sa bulsa niya.





Tsk! Bakit ngayon niya lang kasi sinabi na pwede pala ang cellphone? Naghanap pa 'ko.







Inilapag ni Gayle sa lamesa ang cellphone niya at itinapat kay Ash. Tsk! Sana lang gumana kung ano ang gagawin niya. Ang dami na naming nasayang na oras.







Pumikit si Ash sa puntong mailapag ni Gayle ang cellphone, nag concentrate siya habang nakasarado ang mga mata, tumahimik kaming lahat para antayin kung ano ang mangyayari.







Biglang tumunog ang cellphone, nabuhay ang screen at nakita naming lahat na may tumatawag dito. Nilapitan ito ni Gayle at sinagot ang hindi pamilyar na numerong tumatawag sa cellphone niya.








Lumikha ang cellphone niya ng malalabong tunog. Hindi namin maintindihan kung ano ang sinasabi ng nasa kabilang linya. Napatingin kami kay Ash, natata-track niya na kaya ang location ng mga dumukot kay Hailey?






Masinsinan naming pinakinggan ang mga indistinct na tunog hanggang sa luminaw ito.



Biglang may nagsalita sa kabilang linya. "Please, wag niyo kong sasaktan, ayoko pang mamatay!" pagmamakaawa ng isang pamilyar na boses sa cellphone.






Si Hailey 'yon! Sh*t! Nasaan siya?






Huwag lang nila siyang sasaktan dahil sa puntong magkamali sila ng galaw, gagawin ko ang lahat para ubusin ang lahi nila.







"Hailey! Hailey? Naririnig mo ba kami?" wika ni Kira at tila kinausap si Hailey sa kabilang linya ng telepono.





Hindi siya sumagot, isa lang ang ibig sabihin no'n, naririnig namin sila pero hindi nila kami naririnig. One sided conversation.







"Hindi ba sinabi na namin sa 'yo miss, hindi ka namin sasaktan" sagot nung lalaking dumukot sa kanya sa kabilang linya.






GENIUS IN A GANG (Defying Trilogy #1)Where stories live. Discover now