027 | Final Battle 4

1.2K 59 2
                                    

Chapter 27: Final Battle 3

HAILEY
:

Tinulungan ako ni Wyatt makatayo, kahit na medyo masakit na ang katawan ko ay pinipilit ko paring lumaban. Hindi ako pwedeng sumuko. Sa tuwing nakikita ko ang mga kaibigan kong nag-aagaw buhay at nahihirapan, hindi ko mapigilan ang sarili kong mas mag-alab at ipaghiganti sila.

Agad sinugod nila Caleb at Gayle si Victor Suarez pero maliksi siyang kumilos, bawat baril nilang dalawa ay naiilagan lang niya. Kainis! Agad akong nag-teleport papunta sa likod niya pero agad may lumabas na bolang apoy dun sa likod niya kaya agad akong napatalon para hindi tamaan. Tsk! Halos lahat yata ng parte ng katawan niya ay equipped ng mga bala at sword. Kainis!

Tumalon ako nang mataas at binaril siya habang nakalutang sa ere pero pinatama niya lang iyon sa kamao niya at isa-isang bumalik sakin. Nakita ko namang sinugod din siya ni Wyatt gamit ang patulis na bakal na hawak niya, ginamit niya iyon para itusok sana sa katawan ng kalaban pero bumaliko lamang ang bakal ng itarak niya ito kay Victor Suarez.

Sinusubukan namang kontrolin ni Skull ang utak ni Victor Suarez pero napapansin kong hindi man lang siya nagtatagumpay dahil nakatuon ang atensyon ng kalaban kay Caleb at Gayle. Kinakailangan kasi ang connection between two minds sa hypnotism kaya siguro hindi niya napapasok ang utak ni Victor Suarez.

Ipinikit ko ang mga mata ko at biglang lumitaw ang isang ilusyon ng isa higanteng robot. Agad napansin ni Victor Suarez ang ilusyon na ginawa ko, at seryoso niya itong tiningnan. Magaling! kailangan niya lang kumagat sa plano at boom! Maari namin siyang mapabagsak.

Kinontrol ko ang ilusyon at agad itong sumugod kay Victor Suarez, ngunit hindi siya natinag dito, kinalaban niya ito kahit malaki ang distansya ng size nilang dalawa. Pinatamaan niya ito ng bolang apoy galing sa dibdib niya kaya naglaho ang ilusyon na ginawa ko. Kainis!

Agad sumugod si Wyatt sa likod niya at sinubukang barilin si Victor Suarez ng baril na ibinigay sa amin ni Dr. Ruiz. Pero ang lahat ng bala ay nalaglag lamang sa lapag matapos tumama sa likod niya. Dumampot si Gayle ng patulis na bakal sa lapag at agad siyang tumalon sa ere papunta sa kalaban pero agad siya nitong itinaboy sa pamamagitan ng kamao nitong bakal at tumalsik sa pader. Pinuntahan siya ni Victor Suarez at muli siyang ibinalibag papunta sa isang poste. Napatakbo kaming lahat sa kinaroroonan ni Gayle, dumudugo ang ulo niya at nakikita ko sa mukha niya na nahihirapan na siya. Agad kong hinarap si Victor Suarez at napasigaw ako dahil sa galit na muling namuo sa loob ko.

Naramdaman ko na naman ang kakaibang enerhiyang gustong kumawala sa katawan ko, hindi ko na makontrol ang galit na nararamdaman ko, maya-maya ay naramdaman ko nalang na yumayanig na ang paligid, isa-isang nagbagsakan yung mga semento at mga posteng naririto sa loob ng anandonadong factory.

Kinontrol ko ang lahat ng mga natipak na semento at bumulusok iyon papunta sa kanya, sa tindi ng pwersa ay agad siyang natumba dahil sa atake ko at nadaganan siya ng mga malalaking semento.

Agad kumilos si Skull at nagteleport papunta sa kinaroroonan ni Victor Suarez, tiningnan niya ito sa mata habang may malaking sementong nakadagan sa katawan nito. Nagtagumpay siya sa pag-hypnotize kay Victor Suarez at agad itong tumayo. Sumugod naman si Wyatt at binaril si Victor Suarez sa ulo, nang gawin niya iyon ay muling nagkamalay ang kalaban, nawala ang pagkontrol sa kanya ni Skull at muli siyang naging marahas. Kainis!

Nahagip ng mga mata ko ang isang wire na pumutok sa itaas dahil sa pagyanig ng lupa kanina. Kaagad nag-process sa utak ko ang isang ideyang maaring kahinaaan ng kalaban.

GENIUS IN A GANG (Defying Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon