005 | Gang Rivalry

2.6K 103 2
                                    

Chapter 5: Gang Rivalry
HAILEY


• • •

Kinaumagahan nagising kaming lahat dahil sa amoy na nanggagaling sa kusina. Agad kaming napabangon at nakita si mama na nagluluto.



"Ma! Bakit ka nagluluto? Kumusta na ang pakiramdam mo?" bungad ko sa kanya nang makarating ako sa loob ng kusina.




Hindi niya ako nilingon dahil nakatuon ang kanyang atensyon sa niluluto niya. Naka-apron pa ito na akala mo chef dahil sa husay ng ginagawa niya. Bigla tuloy kumulo ang tiyan ko.




"Ayos na ako anak. Huwag mo 'kong alalahanin" sagot nito habang hinahalo ang niluluto niya.



Corned beef yata ang niluluto niya, hindi ako pamilyar, wala akong talent sa pagluluto eh.



"Hayaan mo na ang mama mo Hailey. Tutal wala namang marunong magluto sa 'tin eh" dagdag ni Skull dahil narinig niya ang usapan namin ni mama. Naka-pajama pa siya at loose shirt, ang gulo ng buhok niya dahil kagigising niya palang.





"Oo nga, nagugutom na din kami eh" singit naman ni Wyatt habang naghihilamos sa sink.




Natapos si mama magluto kaya nagtipon na kaming lahat sa lamesa. Mabuti nalang at malaki itong dining table, nagkasya kaming sampo kasama si mama.




"Oh kain na" wika ni mama sa amin nang makaupo na ang lahat, agad namang kumilos ang bawat isa para kumuha ng pagkain. Nilagyan naman ako ni mama ng corned beef, egg sunny side up at fried rice sa plato ko.



"Mama naman eh! Parang ang dami naman yata!" reklamo ko dahil konti lang talaga ako kumain, kaya hindi rin ako tumataba. Katamtaman lang ang hubog ng katawan ko.



Agad akong nakatanggap ng sapok kay mama kaya nagtawanan ang mga kasama namin.




"Kumain ka nang kumain! 'tong batang 'to! kaya hindi ka tumataba eh!" sabi niya sakin, napansin kong nabilaukan si Wyatt dahil sa sinabi ni mama.




"Patay ka Hailey" wika ni Skull habang nakatingin sa'kin.




"Kumain lang kayo ha, kailangan ninyong makabawi ng lakas" wika ni Mama sa kanila at agad naman silang napatango.



Napansin ko si Benj na lumolobo na ang pisngi dahil sa bilis niyang kumain, gutom na gutom lang Benj?




Natapos kaming kumain at nagbihis na kami para ihanda ang sarili namin. Ngayon ay nagtipon-tipon kaming muli sa headquarters para pag-usapan ang susunod naming plano. Naiwan naman si mama sa main house para maglinis sa bahay, hindi ko nga sana papayagan, pero talagang mapilit eh. Wala naman daw siyang ginagawa.




"Asan si Gayle?" tanong ni Caleb dahil napansin niyang hindi pa dumadating si Gayle dito sa headquarters. Ano bang meron sa kanila? I smell something fishy on them.





"Guys! Tara sa labas!" biglang bumukas ang pinto ng headquarters at iniluwa nito ang hinihingal na si Gayle.




Teka? Saan ba siya galing at anong meron sa labas?




Agad kaming nagtungo sa labas at sinundan si Gayle. Ano ba kasing meron?




Paglabas namin ay nakita ko ang isang itim na flag na nakatayo sa harap ng headquarters. Ano 'yan?




"Oh my god!" wika ni Ash at nakita ko ang reaksyon niya, kinakabahan siya sa nakita niya. Tsk! Flag lang eh?





May ibig sabihin ba yan? Bakit parang halos lahat yata sila naging seryoso nang makita ang flag na 'yon?





GENIUS IN A GANG (Defying Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon