012 | Tension

1K 59 4
                                    

Chapter 12: Tension

HAILEY

• • •


Kapansin-pansin ang pagbabago sa samahan simula nang malaman namin mula sa tatay ni Caleb na isa sa amin ay ang anak ni Mayor Suarez.



Siyempre, alam ko sa sarili ko na hindi ako 'yun dahil malinaw sa 'kin na si Lenard Delgado ang ama ko. Maaring napag-tripan lang akong unahin ni Mayor Suarez dahil sa 'kin napunta ang ability na gustong-gusto niyang mapasakamay. Pero hinding hindi niya ako magiging anak.





Pero ngayon na alam na namin na isa nga sa 'min ay anak nung demonyong 'yon, malaking tanong pa rin ng bawat isa kung sino ang nawawalang anak niya.





Muli akong nagduda sa bawat isa sa kanila, muli kong naramdaman na marami pa akong hindi nalalaman sa bawat isa sa 'min. Sino nga ba ang dapat kong pagdudahan, maari kayang sumali lang ang anak niyang iyon sa gang na ito para maging spy sa mga ikinikilos namin?






In all of us, ako, si Tori at si Caleb lang ang hindi na maaring maging anak ni Mayor Suarez dahil kilala na namin ang aming mga magulang. Ibig sabihin, anim na miyembro ng aming gang ang prime choices. And that includes: Skull, Wyatt, Benj, Kira, Ash and Gayle.

Pero sino sa kanila?





"Umamin na kung sino man sa atin ang anak ni Victor Suarez!" sigaw ni Caleb at napahampas ito sa lamesa, siya ang nagpatawag nang pagpupulong na ito dahil nais niya nang malaman ang totoo. Nandito kaming lahat ngayon sa headquarters para magkaharap-harap na.







"Not me, Deborah Quizon is my real mother. She's part of their cirlce of friends before, But she pursue Journalism instead of being a Scientist, but she's gone 8 years ago. Nasabi ko naman na inyo yun guys dati." wika ni Gayle na siniguradong hindi siya ang anak ni Victor Suarez. I have recalled it. Naalala ko ang lahat ng sinabi niyang iyan noong nagpakilala silang lahat sa 'kin noon.






"Lalong hindi ako, Si Dad ay isang I.T personnel dati. Pero nung nagsimula siyang makilahok sa mga aktibista noon at gamitin ang kaalaman niya sa pangha-hack ng mga system dati, ipinapatay din siya nung demonyong Suarez na'yon!" wika ni Benj na napahampas sa noo niya. Naalala ko rin ang kwento niyang iyon.






I have this feeling na alam na ni Caleb kung sino samin ang anak ni Mayor Suarez dahil nakakabasa siya ng isip. Sa tingin ko ay inaantay niya lang na may magtangkang umamin.






"I already make myself clear, I am Wyatt Peterson, son of an activist. Ang tatay ko ang naghikayat sa tatay ni Benj na lumaban kay Mayor Suarez pero pareho silang ipinapatay nito, sa tingin ko ay hindi na kailangan pang pahabain dahil pigain ninyo man ang utak ko ngayon, lalabas at lalabas lang na nagsasabi ako ng totoo." wika ni Wyatt na mukhang iritado na sa nangyayari, siguro naman normal lang ang nararamdaman niya lalo na't ngayon ay pinaghihinalaan namin silang lahat.






Sumunod namang magsalita si Kira. "Nagsimula ang paghihiganti ko noong mawala ang nag-iisang kapatid ko. Dahil ipinangako ko sa mga magulang ko na poprotektahan ko siya kahit kanino. They entered military and mold us to be strong enable us to protect ourselves. Pero hindi ko 'yun nagawa. But guys, I am sure that Victor Suarez and I were not related." wika ni Kira na muling naging malungkot sa mga alaalang binalikan niya.







GENIUS IN A GANG (Defying Trilogy #1)Where stories live. Discover now