023 | Against Evil

1.1K 49 2
                                    

Dedicated to: -Cathrinarina- <3



Chapter 23: Against Evil

HAILEY

• • •

"GUYS GISING!!"

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko nang maramdaman na may yumugyog sa katawan ko.


Sh*t naman oh! Bakit ngayong kalagitnaan pa ng gabi? Ano bang meron?


Agad akong napatayo at nakita ko silang lahat na gising din, nandito 'yung mga boys sa kwarto namin at nabakas ko sa mga mukha nila ang pag-aalala. Wait, can someone enlighten me what's going on? Anong problema nila? 



"They're spying on us." mahinang wika ni Skull at marahan na isinarado ang pinto.



Putakte naman oh! Kahit isang gabi lang naman, patulugin mo kami Mayor Suarez!!



Agad akong nakarinig ng mga yabag ng paa sa labas, mabuti na lang at locked na ni Skull ang pinto dito sa kwarto. Ngayon ay kumpirmado ko nang may pumasok nga dito sa bahay namin.


Medyo hindi na kami kinabahan dahil hindi naman bago at kabigla-bigla ang nangyayari ngayon, alam na namin kung paano karumi kumilos si Mayor Suarez.


We're not totally threatened dahil mas malakas kami kumpara sa mga bugok na tauhan niya, subukan lang nila kumilos ng masama at lalabas sila ng bahay na 'to na nagmamakaawa na huwag naming silang patayin.

Lucky them, we're not killers like their boss.



"I think it's not their only intention" bulong ni Wyatt habang nakikiramdam kaming lahat sa labas.

Ilang segundo ang lumipas ay nakaamoy ng nakahihilong gas, agad nagprocess sa utak ko ang maari nilang gawin!




"They're going to burn this house" wika ko at napatingin sa 'kin ang lahat. Napahawak naman sa 'kin si mama dahil sa pag-aalala, naalimpungatan din siya dahil ginising siya ni Tori kanina.




Naglakas loob akong lumabas ng kwarto para harapin yung mga lumuob dito sa headquarters.



They're going to regret that they stepped their foot in our territory.



Nang makalabas ako ay agad kong nakita 'yung mga nakaitim na lalaki na nagbubuhos ng gasolina sa iba't ibang parte ng bahay pero bigla silang natigilan nang mapansin ang presensya ko. Naramdaman ko na nasa tabi ko na sila Skull, Wyatt at ang lahat ng miyembro.



Itinigil nila ang pagbuhos ng mga gasolina sa iba't ibang parte ng bahay at agad tumakbo, pumiltik ang kamay ni Tori para pahintuin ang oras pero hindi sila tumitigil sa pagkilos. Anong nangyayari? Bakit hindi gumagana ang ability ni Tori?




Hinabol namin sila hanggang sa balcony, napahinto sila nang marating nila ang dulo.

Yep, they are trapped now!


Napansin kong seryosong tumingin sa 'min 'yung nasa gitna nila na sa tingin ko ay lider nila. Nasa lima sila, tatlong lalaki at dalawa namang babae. Sa isang iglap ay biglang may sumabog sa likod namin. Agad kaming napatingin dito at biglang sumiklab ang apoy.





Ginamit nila ang pagkakataong iyon para tumakas, isa-isa silang nagsitalunan sa balcony, nanlaki ang mga mata ko nang lumapag sila sa mga puno.  Hindi ko alam kung anong klaseng mga tao sila dahil nakukuha nilang tumalon nang sobrang taas at sa ilang segundo lamang ay tuluyan na silang nakalayo, para bang mga ninja.



GENIUS IN A GANG (Defying Trilogy #1)Where stories live. Discover now