024 | Final Battle 1

1K 54 1
                                    

Chapter 24: Final Battle 1

HAILEY

-

Agad kaming nagtungo sa equipment room ng Innovation Lab. Kumuha kami ng mga upgraded guns at mga bombang invented ni Dr. Ruiz. I wonder kung anong nagagawa ng mga ito, pero syempre expected na ang quality ng isang gamit kapag henyo ang gumawa.


"Bilisan niyo," wika ni Doc. Ruiz ng makita niyang manghang-mangha kami sa mga iba pang gamit na nandito sa equipment room.


Lumabas na kami ng equipment room at mabilis na nagtungo sa exit ng lab. Nagulat kaming lahat nang hindi pa kami tuluyang nakakaabot sa pinto ay bigla itong nasira ito. Ngayon ay nakabukas na ang Innovation Lab, at nakikita namin mula sa labas ang haharapin naming mga kalaban.




Natitiyak kong high technology ang ginamit para ma-ensure ang security dito sa loob ng lab pero tha fact na nabuksan ito ng mga kalaban sa labas, ay patunay lamang na malakas din sila.




"We have no choice but to face them," wika ni Dr. Ruiz habang napahawak naman ako nang mahigpit sa baril na hawak ko. I have this slight uneasiness and fear, pero nacocover ang lahat ng 'yon kapag iniisip ko ang mga kasama ko.

We need to win this fight.

Lumabas na kaming lahat sa nasirang pinto ng lab, inilibot ko ang tingin sa lahat ng mga kalaban na nasa harap namin.


Nakahanay ang mga ito ilang distansya katapat namin. Marami sila, sa bilang ko ay nasa tatlumpong katao at lahat ng mga ito ay naka black outfit.


They look like a ninja, malamang ilan din sa mga taong ito ay ang parehong mga ninjas na lumoob at nagsunog sa headquarters namin.





"It's been a long time Harrison," wika ni Mayor Suarez na nasa harap. Sa wakas ay hinarap niya na rin kami.





Matagal-tagal naming hinintay ang pagkakataong ito, ang oras na mapapabagsak namin siya at matapos na ang paghahari harian niya dito sa lungsod ng Voidezzare.




Nakangiti ang demonyo sa 'min at nakikita ko sa mukha niya ang hindi magandang aura. Kahit naka-polo at napaka-desente ng pananamit niya ngayon ay kusang lumalabas ang bulok niyang pagkatao.









"Well Victor, it's not good too see you then," sarcastic na sagot ni Dr. Ruiz habang pinagmamasdan ang mga kalaban.






"Aba! Ang bilis mo naman yatang nakalimot? Parang hindi tayo naging magkaibigan niyan ah," wika ni Victor Suarez at hinubad ang kanyang polo. Tsk! Ano nanamang paandar ang gagawin niya?







"Stop mentioning those stupid times Victor, natauhan na ako sa mga kagag*han mo!" sigaw ni Dr. Ruiz, natuon ang atensyon ko sa paghubad ni Mayor Suarez ng kanyang polo, nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang katawan niyang gawa sa bakal, ang mga braso niya ay parang isang machine na kontrolado ng utak niya, sh*t! Is this for real? Ang buong katawan ni Victor Suarez ay makina?




Omogod! He's a cyborg!!




A cyborg is a person who has mechanical and electronic body parts, para siyang robot pero sarili niyang utak ang kumokontrol sa buong katawan niya. Hindi ko alam na ang mayor pala ng lungsod na ito ay isang cyborg.



Kaya naman pala ang lakas niya, now I know why he's abilities and capacities are beyond human's range. Grabe, ang tagal niyang itinago ang katauhan niyang iyan.




GENIUS IN A GANG (Defying Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon