020 | Alliance

1.1K 54 0
                                    

Chapter 20: Alliance

HAILEY

• • •

Tulad ng inaasahan, ang pagkamatay ni Alfonso Reyes at nung part-timer do'n sa Cafeteria na si Chelle Sandro ay nagdulot ng alingawngaw sa buong Thylomac High. Kahit sa iba't ibang mga pahayagan dito sa lungsod ay pangalan nila ang mainit na pinag-uusapan. 



Hindi alam ng mga otoridad kung sino talaga ang ang may kagagawan ng karumal-dumal na pagpatay sa kanila, O pwede rin namang binayaran lang din ni Mayor Suarez yung mga nag-iimbistiga para panatilihing lihim ang kademonyohan niya.




Alam kong kaya niyang pa-ikutin ang batas sa mga kamay niya at subok nang matinik 'yang si Mayor Suarez pagdating sa mga madudumi niyang kilos, Kaya hindi na nakakapag-taka ang hindi pa rin makamit-kamit na hustisya para sa mga ipinapatay niya hanggang ngayon.





"Paano na ngayon, wala na tayong ibedensya laban kay Mayor Suarez" wika ni Ash habang nakasakay kami sa van, pauwi na kami ngayon sa headquarters galing sa school.





"Don't worry we will not stop finding holes in his crimes." sagot ni Tori na nasa tabi niya.





Nasa driver's seat kami ni Skull habang nasa likod silang pito. Napatingin ako sa kanila at nagsalita.



"Wala namang sikretong hindi nabubunyag," wika ko para kahit papaano ay hindi na sila mag-alala pa.





"Tama si Hailey, pero sa ngayon ay kailangan muna nating mag-ingat at maging handa sa mga susunod niyang plano," wika ni Skull at hinawakan ang kaliwang kamay ko habang nagmamaneho, nakatitig lang ako sa kanya habang seryoso siyang nakatingin sa dinadaan namin.






"Hinay-hinay lang Hailey, baka matunaw." pang-aasar ni Benj nang mahuli niya akong nakatitig lang kay Skull. Lumingon ako sa kanya at binigyan siya ng pang asar na reaksyon. Palibhasa wala pang girlfriend 'tong kolokoy na'to kaya ganito ka-bitter eh!





Ibinalik ko ang tingin ko sa daan nang biglang may may humarang na isang puting van sa harap namin kaya biglang huminto ang sinasakyan namin. Nakarinig ako ng reklamo mula kay Kira ng mauntog siya dahil sa lakas ng impact.





Tsk! Sino ba 'tong mga humarang sa daan? Mga hindi marunong sumunod sa batas trapiko! Ilang beses binusinahan ni Skull yung van na nasa harap namin pero hindi ito umalis kaya napilitan kaming bumaba para kausapin yung driver.





Nang makababa kaming lahat ng sasakyan namin ay biglang bumukas yung bintana ng kabilang van. Agad naming nakita ang isang lalaki sa loob nito at may biglang itinapon na kung alin sa harap namin.







Napatingin ako sa kung anong inihagis niya at agad nag-process sa utak ko kung ano ito.





"It's a tear gas guys!" sigaw ko pero huli na ang lahat. Agad na nagkalat ang usok sa paligid namin kaya wala kaming makita. Maya-maya ay bigla akong nakarinig ng mga pagbagsak sa lapag, shit! Hindi lang siya isang normal na tear gas, dahil meron itong halong lason.






Maya-maya ay hindi ko na rin kinaya, nandilim ang paningin ko at nakaramdam ako ng hilo. Hindi ko nalang namalayan na nawalan narin ako ng malay.



• • •


"Hailey! Hailey!" unti-unti kong iminulat ang mga mata ko nang may marinig akong tumatawag sa pangalan ko.





GENIUS IN A GANG (Defying Trilogy #1)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें