013 | Wyatt's Move

1.6K 61 3
                                    

Chapter 13: Wyatt's Move

HAILEY

• • •

"I'm not forcing you to like me back Hailey, as long as nasabi ko na sayo kung ano ang nararamdaman ko, ok na muna ako do'n" wika ni Skull habang direktang nakatingin ang mga mata niya sakin. His face screams sincerity. Nakikita ko sa mga mata niya na totoo lahat ng sinasabi niya.



Mabuting tao si Skull kaya alam ko na ire-respeto nito kung anuman ang magiging desisyon ko, medyo marami pang mga bagay ang gumugulo sa isip ko ngayon kaya ayokong gumawa ng isang bagay na sa huli ay pagsisisihan ko.





Ngayon ay nakaupo na kaming dalawa sa isang bato habang pinapanuod namin ang pagbagsak ng tubig mula sa falls. Rinig na rinig rin ang mga ibon na humuhuni dito sa gubat na tila musika sa pandinig ko. Hindi ko alam na mayroon palang nakatagong paraiso sa liblib na gubat na ito.




Katahimikan ang namayani sa 'ming dalawa, walang nagtangkang basagin ang katahimikang bumabalot sa amin. Hanggang sa naglakas loob na akong magsalita.





"Skull. Uhm maybe I need time to process this-" I trailed as I am trying to look straight in his dark brown eyes.




"Ayokong gumawa ng isang desisyon na makakasakit sa 'tin sa dulo. But this is not a rejection. Ayoko lang maapektuhan ang mga susunod pa nating plano dahil sa nalaman ko." sagot ko sa kanya at lumikha ng isang ngiti.







This is the first time na may umamin sakin ng feelings, so this a big decision for me to make. At ayoko ring masaktan sa unang pagkakataon.

I'm so futuristic. Iniisip pa lang ng isang ordinaryong tao, kalkulado na ng isip ko kung ano ang kakalabasan nito. Siguro nga takot din ako, takot akong masaktan, I have a photographic memory, hindi ako nakakalimot. Kaya ako ang talo kung magdedesisyon ako ngayon ng pabigla-bigla.






"I understand Hailey, I am willing to wait for the right time. Siguro nga hindi pa ngayon ang perpektong oras para sa ganito. Pero wala eh, gusto talaga kita, at ayokong maunahan pa ng iba. Marami na akong mga pinagsisihan sa buhay ko, at ayokong magsisi sa dulo kapag hindi mo nalaman ang nararamdaman ko para sayo." wika niya at hinawakan ang kamay ko.



"As like what I said earlier, hindi kita pipiliting magustuhan mo rin ako. As long as alam mo na may nararamdaman ako sayo, kaya kong antayin yung oras na magkaroon din ako ng lugar diyan sa puso mo." dagdag niya kaya naman napangiti ako sa sinabi niya.






He's so nice. Bibihira ka nalang makakahanap ng katulad niya sa panahon ngayon, isang lalaking naiintindihan ka, isang lalaking kayang antayin yung tamang panahon kung kailan handa ka na.







"Thank you Skull." wika ko at niyakap siya, hindi ko naman tinatanggal ang isang katotohanan sa isip ko na maari din akong mahulog sa kanya, hindi mahirap mahalin si Skull. Nasa kanya na ang lahat ng hinahanap ng isang babae sa isang lalaki. Pero gusto ko munang kilalanin siya nang lubusan.






"I really like you Hailey." wika niya habang magkayakap kaming dalawa. Nanatili kami sa ganoong posisyon hanggang sa napagdesisyunan naming umuwi na.


• • •

Wala kaming masyadong ginawa ngayong araw dahil napag-desisyunan naming ipahinga ang mga sarili namin. Nakauwi na kami ni Skull at dumiretso ako sa kwarto naming mga girls para magpahinga na rin, ayoko munang mag-isip ngayon tungkol sa sinabi sakin ni Skull. Gusto ko munang ipahinga ang sarili ko mula sa lahat ng bagay na nangyari sakin nitong mga nakaraang araw.








GENIUS IN A GANG (Defying Trilogy #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora