003 | Reason

3K 134 5
                                    

Chapter 3: Reason
HAILEY

• • •


Pagpasok pa lang namin sa Headquarters ay agad kaming inutusan ni Skull na ilabas ang mga perang nakuha namin. Inilatag naman ito ni Skull sa lamesa habang tinitingnan lang namin siya.


"Ilan ang commission natin?" tanong ni Ash na nasa tabi ko. Nakaupo kami ngayon sa isang couch. Magkakatabi ang mga girls at ang mga boys naman ang magkakatabi sa isa pang couch.


"10 percent" kalmadong sagot ni Skull habang binibilang ang pera.


Teka? 10 percent lang? Saan mapupunta ang 90 percent ng pera?


"Someone's confused here" sabat ni Caleb habang nakatingin sa 'kin. What did he just said? Binabasa niya ba ang iniisip ko?


"I can hear thoughts, so beware" muling wika ni Caleb pero this time ay sa utak ko na. Oh my god! kinausap niya ako sa isip ko? nababaliw na ba ako?

"10 percent lang ang makukuha na 'tin, ang matitira ay ido-donate natin sa mga mahihirap dito sa lungsod" pagpapaliwanag ni Skull dahil napansin niya ang naguguluhan kong reaksyon. Oh, so parang charity program. Pero ang pinagkaiba lang ay sa nakaw galing ang pera.


"So magkano na lahat?" Tanong ni Tori habang seryosong nakatingin kay Skull na hanggang nayon ay binibilang parin ang pera.


"Sh*tt! Ang ingay niyo! Nawala na tuloy ako! Magkano na nga ulit?" desperadong bulyaw ni Skull at napasabunot sa buhok niya. Gumuhit ang ngiti sa labi ko, hindi naman pala siya sobrang seryoso. Nakakatawa lang ang naging reaksyon niya.

"So, kasalanan pa namin?" bulyaw din ni Tori sa kanya. Aba! Hindi rin pala nagpapatalo itong babaeng ito.


Ngayon na-realize kong marami pa akong hindi alam sa kanilang lahat. As far as I remember:

Skull can hypnotize,

Wyatt can do telekineses,

Caleb can hear every thoughts,

Benj is expert with bombs and hacking.

Eh anong kayang gawin nila Ash, Kira, Gayle at Tori? I'm so excited to know it.

Napansin ko kasi, halos mga boys ang kumilos sa mission namin kanina, sana naman mabigyan ang mga girls ng pagkakataon para kumilos para sa tagumpay ng grupo.

"Ehem! Nandito lang ako guys" wika ni Kira habang pinapaikot ang buhok niya sa kanyang daliri.

Tsk! Anong pinagsasabi niya? May maitutulong ba siya kay Skull para mabilang muli ang pera?

Agad tumayo si Kira at pumunta sa lamesa. Tiningnan lang siya ni Skull habang seryosong kinikilatis ang mga perang nasa ibabaw ng lamesa.


"Oo nga pala!" wika ni Benj habang nakatingin din sa direksyon ni Kira. Tsk! Ano ba kasing ginagawa niya?


"8,500,900.00" wika ni Kira at bumalik na sa upuan niya. Teka nanghula lang ba siya?


"Wow! Naka-8.5 Million tayo? Ang galing naten!" sigaw ni Caleb at nakipag-apir sa katabi niyang si Wyatt.


WHAT? 8.5 mil? Sh*t! That's a lot!



Pero teka, paano sila nakakasiguradong tama ang sinabing value ni Kira? Eh hindi niya nga 'yon binilang eh! Tiningnan niya lang guys! Tiningnan niya lang!


"Huwag kang mag-alala Hailey, nagsasabi siya ng totoo, subok na ang speculation skills niya" wika sakin ni Tori at inakbayan ako.

Si Kira, kayang sabihin ang exact value ng isang bagay kahit hindi niya bilangin? Cool! Parang human detector pala siya.



Naramdaman kong inakbayan din ako ni Ash tulad ni Tori. Somehow I feel cared, unti-unti kong nararamdaman na hindi ako nag-iisa. Kapag kasama ko sila, hindi ko na naiisip na malayo si mama sakin. Hindi lang ako napabilang sa isang gang, sa tingin ko nagkaroon din ako ng maituturing kong pamilya.


"So Hailey, ilan ang mapupunta sa 'tin?" tanong ni Skull nang malaman niya na ang exact na value ng pera.

Napabalikwas ako at bumalik ang ulirat ko sa tunay na mundo. Iba talaga kung magsalita sa itong si Skull, talagang nakakatawag ng pansin.

Agad nag-process sa utak ko ang itinanong sa'kin ni Skull at sinagot ko ito agad. Remember, I am Hailey Delgado: The Master-Mind of this gang.


"850,090.00 pesos in total" Sagot ko at kinidatan si Skull, agad naman akong nakatanggap ng ngiti sa kanya.


"Nice Hailey!" puri sakin ni Benj dahil sa ginawa ko, Tsk! Simple math lang naman 'yon eh.

"Sige na guys, alas onse na ng gabi, matulog na kayo, may aasikasuhin pa tayo bukas," Utos ni Skull sa lahat at biglang nagsitayuan ang lahat sa couch. Iniligpit na ni Skull ang mga pera at itinabi sa isang bag ang commission namin.


Agad na kaming umakyat sa second floor ng headquarters at nakita ko ang dalawang kwartong nakahiwalay sa isa't isa. Siguro ang isang kwarto ay para sa mga babae at ang isa naman ay para sa mga lalaki.


"Tara dito tayo" wika ni Gayle at hinila ako papasok sa kwartong nasa kaliwang bahagi ng second floor. Namasdan ko sa loob ang isang malaking kama na sa tingin ko ay sapat na para sa sampung tao. Ang laki ng kama para sa aming lima. Pero ok na rin para hindi masikip.


Agad nabuwal sa kama ang mga kasama ko, napagod yata sila sa misyon namin kanina. Kawawa naman. Bigla akong natawa nang maisip ko na wala naman silang masyadong ginawa kanina.

Nang mapansin ko na agad na nakatulog ang mga kasama ko, agad akong lumabas ng silid. Nagawi ako sa balcony ng second floor at natanaw ang mga puno na nakapaligid sa headquarters, talagang liblib ang lokasyon nitong headquarters namin para hindi kami kaagad matutunton ng mga otoridad dahil paniguradong wanted na kami ngayong lahat dahil sa pagnanakaw namin kanina sa bangko ng mga malalaking tao dito sa lungsod.


"Parang ang lalim yata ng iniisip mo" napabalikwas ako ng makarinig ako ng boses sa likod ko.


Nilingon ko kung sino ito at nakita ko si Wyatt. Nakapamulsa ito na naglakad patungo sa kinaroroonan ko.

Ibinalik ko ang tingin sa mga puno na pumapaligid sa headquarters, hindi ko pinansin ang presensya ng lalaking nasa tabi ko ngayon.

"Kamusta na siya?" wika ni Wyatt na bumasag ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. Alam kong si mama ang tinutukoy niya.

"Hindi ko pa rin alam" matipid kong sagot habang pinipigilan ang mga luhang nagbabadyang tumulo mula sa mga mata ko.

"Huwag kang mag-alala, maipaghihiganti din natin sila" wika ni Wyatt para pakalmahin ang pakiramdam ko. Naramdaman kong tinapik niya ang likod ko na labis na nakatulong para mawala ang bigat na nararamdaman ko.


"Sisiguraduhin kong magbabayad ang kung sinumang nasa likod ng pagpapasunog sa bahay namin" napakuyom ako ng aking palad dahil sa galit na nararamdaman ko. Hinding hindi ako papayag na hindi ko mabibigyan ng hustisya ang nangyari samin ni mama.

"Kaya ka nga na 'min ni-recruit sa gang na 'to, bukod kasi sa alam naming malaki ang maitutulong mo sa grupo, Alam din namin ang pakiramdam nang nasa kalagayan mo, gusto ka din naming tulungan Hailey" wika niya habang seryosong nakatingin sa malayo.

Hindi ko alam kung anong mangyayari sa bukas ko, marami pa akong pagdadaanan para lang makamit ang hustisyang inaasam ko, pero ang mas nagpapasiklab ng damdamin ko ay ang malaman na kahit paano ay hindi ako nag-iisa sa laban na 'to.

I have them. I have this gang.

Isang Gang na kinabibilangan ng mga kabataang hangad ang hustisya at pagbabago sa lungsod.

Grupo na kinabibilangan ng mga taong may mga pambihirang kakayahan katulad ko.

-
Don't forget to vote and leave a comment for your feedbacks. ;) labyu.

GENIUS IN A GANG (Defying Trilogy #1)Where stories live. Discover now