007 | Savage

2.1K 85 1
                                    

Chapter 7: Savage
KIRA

• • •



Napatingin ako sa mga kasama ko na sa kasalukuyan ay nakikipaglaban pa rin sa ibang mga miyembro ng Vitiator Gang.




Nakita kong pinalutang ni Wyatt ang mga bubog na nagkalat sa sahig at bigla na lang itong tumusok sa dibdib ng lalaking susugod sana sa kanya, agad itong natumba at umagos sa dibdib nito ang dugo.



Anim nalang silang natitirang buhay dahil nabawasan na sila ng dalawa. Hinarap naman ni Skull ang leader ng Vitiator. Pero agad siyang napatingin sa 'kin. Nagbigay siya ng tango sa'kin at alam ko na ang ibig niyang sabihin.



Ibinigay niya sakin ang lider ng Vitiator Gang, he know I really wanted to take a revenge on him. Napatingin sakin ang leader ng kalaban at parang nakilala niya ako.





"Ikaw?!" pasigaw niyang tanong habang lumalapit ako sa kanya. Alam kong kinakabahan na siya ngayon dahil alam niya na ang maari sapitin niya sa mga kamay ko.







"Oo ako nga! Naaalala mo ba ako?" seryoso kong tanong sa kanya habang paatras ng paatras ang mga hakbang niya.






"Oo naman! Ikaw ang kapatid ng batang napagtripan namin noon diba?" sagot niya habang humahalakhak, ewan ko lang kung magawa niya pang tumawa kapag binaril ko siya ngayon sa sentido niya.



Pero syempre hindi ko gagawin 'yon. Gusto kong mas maramdaman niya ang galit ko habang unti-unti ko siyang pinapatay.




"Sige na! Patayin mo na ako! Ipinaghihiganti mo siya diba?" wika nung leader ng gang at bigla kong binaril ang kaliwang tuhod niya kaya napaupo siya. Napansin kong napatingin ang mga ka-grupo ko sa direksyon ko.





Huwag kayong mag-alala guys, hindi ko pa siya papatayin- Sa ngayon.

-

HAILEY

• • •

Napatingin kaming lahat kay Kira nang barilin niya sa tuhod ang lider ng Vitiator Gang.


Parang hindi ko na siya kilala dahil sa itim na awrang bumabalot sa kanya, iba talaga ang nagagawa ng galit.





"Watch out Hailey!" sigaw ni Wyatt at napatingin ako sa harap ko, nakalutang ang isang bala sa ere na dapat ay tatama sa'kin. Oh god! Muntik na ako do'n ah! Bakit ba kasi kung saan-saan ako tumitingin?






Hinarap ni Skull ang bumaril sa 'kin at tiningnan niya ito sa mata. Nagsalita siya ng mga salitang hindi ko naintindihan at sa isang iglap ay biglang itinapat ng lalaki ang baril sa ulo niya.






Napatakip ako ng bibig ko. He's going to kill himself!

Biglang pumutok ang baril at tumagos sa kabilang parte ng ulo niya ang bala. Agad siyang natumba at umagos mula sa ulo niya ang pulang likido. Sh*t! Ang brutal!!





Inilipat ko ang tingin ko sa kanila Caleb, Gayle at Ash. Sa puntong ito ay pawis na pawis sila dahil napatumba na ng mga ito ang mga kinalaban nila kanina.





Parang ako lang ata ang walang nagawa ngayon, tsk hindi ko talaga kayang pumatay. I'm not that kind of person. Hindi ko man lang nagamit ang baril na ibinigay sa 'kin ni Tori.




GENIUS IN A GANG (Defying Trilogy #1)Where stories live. Discover now