012 | Enlightened

1.7K 79 11
                                    

Chapter 12: Enlightened
HAILEY

• • •

"Guys we're here!" Gayle said in a singsong voice.




Bumukas ang pinto ng headquarters at iniluwa nito ang imahe ni Gayle at Caleb, may mga bitbit silang plastic bags na may mga lamang delata, noodles at iba pang pagkain na pinamili nila sa bayan.






"Wow! Tara kain na tayo guys!" wika ni Benj dahil sa tuwa nang makita ang mga pinamili nila Gayle at Caleb. "Kahapon pa ako gutom eh!" dagdag niya at tumingin sa 'kin ng nakakaloko.







Sinisisi niya ba ang nangyari sa 'kin kahapon kaya hindi kami nakakain kagabi? Hindi ko naman kasalanan na lapitin ako ng disgrasya eh!






"Oh sige na, ihanda na natin 'yan sa kusina" wika ni Skull. Agad kaming nagpunta sa kusina at dumating naman si mama.







"Iho, marunong ka pala magluto?" 'di makapaniwalang wika ni mama nang makita si Skull na nag-aasikaso sa kusina.





Skull let out light smile. "Fast learner po kasi ako tita." proud nitong wika. Pinaupo naman ni Wyatt sa mama sa upuang katabi ko.









Bukod sa niluluto ni Skull may naaamoy na talaga akong kakaiba sa mga ikinikilos nila.





They treated me strangely special. Si mama naman talagang inaalagaan nila. Are they trying to impress me?





Oh my god! Napasampal ako sa pisngi ko nang ma-realize ang mga kabaliwan na tumatakbo sa isip ko. Sh*t!





Hindi ako aware na nagiging ilusyonada na pala ako. Malay ko ba kung mabait lang talaga sila sa 'kin.






"Bakit?" tanong ni mama nang mapansin niya ang ginawa ko.






"Ah, eh wala po yun ma." pagtatanggi ko kahit kita ko sa mga mata ni mama na hindi siya kumbinsido. Kung mas may nakakakilala man sa 'kin dito ng lubusan, si mama 'yon.







"Ang tagal naman niyan Skull!" reklamo ni Tori kaya nalipat ang atensyon naming lahat sa kanya.









"Oo nga ang tagal!" dagdag ko pa para hindi na magawang magtanong pa ni mama.








Binigyan kami ni Wyatt ng tag-iisang plato, inilipat naman ni Skull sa isang bowl ang niluto niyang noodles. Natawa ako nang maalala ko ang sinabi niyang fast learner daw siya.






Noodles lang? pinag-aralan niya pa kung paano lutuin? Galing naman pala.









Inilapag na ni Skull sa lamesa yung niluto niyang noodles at scrambled egg. Inilapag din ni Wyatt sa lamesa yung ginawa niyang sandwich kanina na may palaman na ham.







Wow! Biglang kumulo yung tiyan ko nang makita ang mga inihain nila.









"Kape guys?" tanong ni Skull nang makaupo siya sa upuan. Biglang nagpantig yung tenga ko sa sinabi niya.







"Me!!" biglang sagot ko with matching taas pa ng kamay. Napatingin silang lahat sa 'kin kaya naman unti-unti ko ring ibinaba.



Nakakahiya! Nagtanong si Skull eh! Addict pa naman ako sa kape.



GENIUS IN A GANG (Defying Trilogy #1)Where stories live. Discover now