Chapter 1

76 11 1
                                    

NASA loob ako ng kotse at naipit sa gitna ng traffic ng tumunog ang aking cellphone.

"Hello?"

"Nasaan ka na?"bungad sa akin ng nasa kabilang linya, ang papa ko.

"At the middle of traffic, bakit po papa?"sagot at tanong ko sa kaniya.

"Well,i'm already here at your office. Tanghali na bakit wala ka pa dito. My God Franco your the CEO of the company. Why don't you acted as one?" Sermon agad? Agang aga pa eh.

Napabuntong hininga na lang ako. Heto na naman po kami ng aking ama. Alam naman ko ang mga sinasabi niya,hindi ko nga lang talaga maiwas-iwasan ang mga kalokohan kong taglay.

Hindi naman sa pag-aangat ng sariling bangko pero magaling akong leader at business man. Sumasablay lang talaga ako kapag nakakakita ng magagandang babae. Nawawala ako sa focus.haisst! Kung baga hindi kompleto ang buhay ko kung walang mga babae. Walang thrill ang buhay ko at boring. I'm sure, I am not the only one na nakakaramdam ng ganito. Pero malalagot ako sa mama ko kapag nalaman niyang ganito ang anak niya. Ang mga paniniwala ko patungkol sa mga babae.

Ginagalang ko naman lahat ng babae pero yung maayos naman. Iyong mabait,maganda,sexy,at matalino. Kaya nga kapag nagha-hired ng secretary ko gusto kong ako ang in-charge sa interview para masala ko ng maigi. Pero porket maganda at sexy ka iha-hire na kita basta Basta,no! Of course you have to be smart and witty. Ayoko ng aanga-anga,at mabagal pimick-up. Metikoloso ako pagdating sa trabaho kahit na minsan ay nahahaluan ko iyon ng kalukohan.

Anong magagawa eh, binata pa naman ako. Pero sa edad kong thirty, hindi pa talaga ako nagkaroon ng matagal at matinong relasyon,dahil narin iyon sa paniniwala ko siguro.

Hindi ako mag-aasawa kung hindi lang naman kagaya ng mama ang babae. Iyong habang nakatingin siya kay papa ay punong puno ng pagmamahal. Hindi kumukopas,hindi nagsasawa at walang kataposan. Pang habang buhay. Gusto ko iyon,hindi lang halata. certified hopeless romantic din naman ako.

"Look papa i'm sorry,sobrang traffic talaga dito,sa edsa. At alam niyo naman po na galing pa ako sa cavite,madami din ang traffic na pagdadaanan doon bago pa aq mkarating diyan sa opisina." Pagdadahilan ko pa.

Sa Cavite kasi ang bahay namin. Doon pa din naman ako umuuwi kahit matanda na ako, minsan. Mas komportable ako matulog sa bahay namin kesa sa condo ko na ang lungkot-lungkot.

Ang condo ko naman ay malapit lang sa company. Ilang minuto lang na drive ay nandoon na agad sa office agad. Kaso ang totoo sa Pasay lang ako galing. Sa hotel na rin ako nakatulog pagkatapos namin mag-inoman ng mga kaibagan ko kagabi sa bar. At syempre my take-out akong nakasama ko magdamag. Hindi maiwasan,eh. Kung baga sa kasabihan ng matatanda,palay na nga ang lumalapit, tatanggi pa ba ako?

"I have something to tell you so come straight to my office when you arrived." Wika ni papa.

Napaisip tuloy ako bigla sa sinabi ng papa.

"About what?"di ko na napigilang magtanong.

"Bilisan mo makarating nang malaman mo." He said and hang up the phone.

"Pa---" habol ko sa kaniya para Hindi Niya ako babaan ng tawag, kaso busy tone na last ang narinig ko. haissst! Ang papa niya talaga minsan unpredictable.

Sakto rin naman naka-go na ang street light kya binitawan ko na ng tuloyan ang cellphone ko at nagdrive.

Higit kumulang sampong minuto ay nandoon na ako sa opisina. Dumaan muna ako sa aking opisina bago pumunta sa office ng aking papa para mailapag ko ang dala dala.

Nagtaka ako ng madaanan ang table nang aking secretary. Wala pa siya doon at mukhang pati gamit niya ay wala rin sa lamesa. Ang alam ko ay hindi niya nagawang malate kahit kailan magmula ng mahired siya dito. At hindi niya gawain ang omabsent ng hindi nagpapaalam ng maaga o kahit malalate ay nagsasabi pa rin siya sa akin. Lagi siyang naga-update,hmmm! Maya ko na lang siya tatawagan after ng meeting ko kay papa.

Nagtataka man ay tumuloy na akong pumasok sa aking opisina.
Nilapag ko lang sa mesa ang brief case ko at lumabas. Pagkakita sa bakanteng silya ng secretarya ko ay napaisip ako ulit kung bakit nga ba talaga wala pa siya,nagaalala na din ako bigla kaya talagang tatawagan ko siya after makipag-usap kay papa. Nagmadali na akong maglakad papuntang elevator. Nasa 20th floor pa kasi ang office ng ama ko samantalang ang sa akin ay nasa 19th floor lang din Ang office ko.

Retail company ang negosyo namin. Ang Morales Retail Group or MRG. Ang lolo ko na ama ng aking ama ang nagtayo nitong kompaniya. Hanggang sa ipinasa ito sa aking ama ang pamamalakad at pamumuno. Magmula pa noong bumalik ang ama ko galing sa pagmamasteral sa amerika. At ngayon nga ay malapit na din sa akin iwanan ang kompaniya. Kaya marahil ay iyon ang dahilan kung bakit ako gustong kausapin ng aking papa ngayon.

Nag say "hi" muna ako sa secretary ng papa bago ako na mismo ang kumatok ng tatlong beses sa pinto niya.

"Pumasok ka na Franco." Narinig kong sabi ni papa sa kabilang pinto. Napangisi ako,kilala na nito kung paano ako kumatok.

"Okay," sabay tango sa secretary ni papa, "pasok na daw ako". Nakangiti din na tumango sa akin ang babae at nag thumbs up pa.

Pagkapasok ko sa kwarto ay napansin ko agad ang babaeng nakaupo sa couch habang nagbabasa ng news paper. Mukhang busing busy siya sa binabasa at walang paki-alam sa paligid. Kahit na alam niya naman siguro na may pumasok sa opisina ay hindi pa din siya natinag sa ginagawa. Naamuse ako ng lihim at the same time nagtaka kung sino siya at kung bakit nandoon siya sa opisina ng aking papa.

"Good morning papa,mukhang may bisita ka ata." Bungad ko habang wala pa rin tinag ang babae sa upuan.

"Ah,siya si May Montero. Your new secretary", walang kaabog abog na anunsyo ng aking ama.

Bigla ang lingon ko sa tinutukoy niya na noon ay nakaangat na ang ulo at nakatingin na din pala sa akin.

"What?" Mahinahon pero may diin na tanong ko sa kaniya.

"I said she's your new secretary." Ulit pa niya.

What the hell?napamura talaga ako sa isip.


My Unexpected SecretaryWhere stories live. Discover now