"Cada vez que te llamo Natalia. Esa noche cuando me llamaste mi apodo, Simong. Y ayer."

Every time I call you Natalia. That night when you called me by my nickname, Simong. And yesterday.

"Eres Simong?"

You're Simong?

Tumango naman ako sa kaniya. Kumunot na naman ang kaniyang noo, at tiningnan ako ng madiin.

"No te ves como él."

You don't look like him.

Sabi niya sa akin. Mayroon pa siyang sinabi ng pabulong, ngunit hindi ito nasagip ng aking pandinig kung kaya't ngumiti na lang ako sa kaniya.

"Isagani cortó mi cabello cuando estábamos en carga. Lo mantendí desde entonces. ¿Te gusta?"

Isagani cut my hair when we were on cargo. I maintained it ever since. Do you like it?

Inayos ko naman ang aking maiksi na buhok, at ngumiti. Sa katunayan ay hindi naman gaanong kaiksi ang aking buhok sapagkat umaabot pa din ito sa aking noo. Mas napatitig pa si Isabella ng madiin sa akin ngunit kaagad naman itong nagbuntong-hinga, at umayos sa kaniyang pagkakaupo.

"Eres raro."

You're weird.

Tiningnan ko naman siya diretso sa kaniyang kayumangging mga mata, at bahagyang ngumiti. "Am I, Natalia?" Marahang tugon ko sa kaniya.

Napalunok naman si Isabella, ngunit hindi ito umiwas sa aking titig. Ang kaniyang maamong mukha na aking unang nakita sa gilid ni Isagani na walang emosyon ay ngayon napupuno na ng sari-saring mga damdamin. Kaagad naman siyang naistatuwa sa kaniyang kinauupuan nang inabot ko ang kaniyang kamay na nakapatong sa ibabaw ng mesa. "Don't shut me out again. I can't take it anymore. I longed for you for days and months, Natalia. I thought you were dead. Don't shut me out, please."

Kinuha ko ang kaniyang kamay, at napabuntong-hinga na aking nakita na wala pa ring laman ang kaniyang pulsuhan. Hindi ko iyon pinansin at inilapit ang kaniyang kamay sa aking labi, ngunit kaagad niya itong hinila mula sa aking pagkakahawak. Naramdaman ko naman ang pamumuo ng mga luha sa gilid ng aking mga mata habang tinititigan si Isabella na pilit na hindi tumingin sa akin ng diretso.

"I know you can't remember anything. But surely, you can remember this, and will come to remember more."  

~

"What's this?" tanong ko kay Natalia na kanina pa hindi mapigil sa kaniyang pagngiti.

"Open it, Simong!" Nagagalak nitong sambit. Napatawa na lamang ako dahil sa kaniyang kakulitan. Kinurot-kurot ko naman ang kaniyang pisngi sapagkat hindi ko na mapigilan ang tukso ng kaniyang kariktan. Sumimangot naman si Natalia, sabay kuha sa aking kamay na nasa kaniyang pisngi.

"Open it." sambit niya muli, at itinuro ang aking hawak na munting marangyang lukbot na gawa sa puti na telang satin kung kaya't kumikintab ito sa ilalim ng buwan.

"Tell me what's inside first." pilit ko sa kaniya.

"Maximo!"

Napatawa na lang ako kay Natalia na ngayon ay malapit na muling mainis sa akin. Nginuso ko ang aking labi sa kaniya, at kaagad na kumunot ang kaniyang noo at sumimangot muli. Napatawa na lamang ako kay Natalia. Hinapay ko ang aking ulo sa kanan habang hinihintay ang kaniyang pagpapasiya. Iginulong lamang ni Natalia ang kaniyang mga mata, at humakbang papalapit sa akin. Todo naman akong napangisi nang tumamyad si Natalia sa kaniyang mga paa upang ako'y maabot. Inilapit ko sa kaniya ang aking mukha, at binigyan niya ako ng isang matamis na halik sa aking pisngi.

Mi Querido, EspérameWhere stories live. Discover now