013 | Wyatt's Move

Magsimula sa umpisa
                                    

Hindi ko namalayan ang oras, nakatulog na pala ako nang mahimbing. Maya-maya ay nagising ako dahil sa isang kanta na narinig ko.








Napabangon ako para alamin kung saan nanggagaling yung boses na 'yon. Nagpupungas ako ng mata nang magpunta sa balcony. Natanaw ko sa ibaba si Wyatt na may hawak na gitara. Kasama nito si Benj at Caleb na mga back up singers niya. Anong ginagawa ng mga 'to?






Nagsipuntahan din sila Kira, Tori, Ash at Gayle dito sa balcony at agad naman silang kinilig sa nakikita nila.


"Oh em geeee! He's serenading someone ackk!" wika ni Ash at tiningan ako nang nakakaloko.



ANURAW? nanghaharana si Wyatt?

Kanino naman?


Wyatt cleared his voice when his eyes finally met with mine. A smile formed in his lips.


"Sana magustuhan mo ang awiting ito, Hailey." wika ni Wyatt at tuluyan na ngang nagwala itong mga kasama ko dahil sa kilig.



Eh? Kakanta siya para sa 'kin?


Awtomatikong nag-init ang mga pisngi ko nang marealize ko ang mga nangyayari. Wyatt is going to serenade me?

Oh my, bakit?


Biglang nag-start yung pag-strum ni Wyatt sa gitara niya at nagsimula siyang kumanta.



"I can't write one song, That's not about you"



"Can't drink without thinking about you"




"Is it to late to tell you that,




Everything means nothing if I can't have you"




"I'm so sorry that my timings off"




"But I can't move on if we're still gonna talk"




"Is it wrong for me to not want half"




"I want all of you"





"All the strings attached"




Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, direkta siyang nakatingin sa mga mata ko habang ipinapagpatuloy ang pagkanta. Bigla akong natauhan ng hilain ni Gayle at Tori ang mga kamay ko at pagtulungan nila ako papunta sa ibaba.





Itinulak nila ako kay Wyatt at napapunta ako sa kanya. Patuloy parin si Wyatt sa pagkanta habang kinikilig sina Tori, Ash, Gayle at Kira sa nakikita nila.




Bwisit! Humanda kayo sa 'kin mamaya kapag natapos 'to!!






Maya-maya ay biglang lumabas si mama. Nanlaki ang mga mata ko nang makita niya kung ano ang nangyayari. Patay na!





"Anong nangyayari?" wika ni mama nang makalabas siya.





Tumigil si Wyatt sa pagkanta at nagsalita. "Tita, gusto ko po sanang hingiin ang permiso niyo. May gusto po ako sa anak ninyo, at malinis po ang intensyon ko sa kanya." biglang naghiyawan sila Tori at Gayle sa sinabi ni Wyatt.

Oh my god! Ang tapang niya.



Pero teka? Tama ba ang narinig ko, may gusto rin sa 'kin si Wyatt?



"Gusto ko po sana siyang ligawan." bigla akong natigilan sa huling sinabi ni Wyatt. Ano raw? Si Wyatt? Manliligaw sakin? Huhu lord I can't!

Dalawa ng lalaki ang umamin sakin ngayong araw, what should I do?



Kinakabahan kaming lahat sa magiging reaksyon ni mama pero biglang nabawi ito ng magsalita siya "Teka hijo- bakit ako ang tinatanong mo? Hindi ba dapat sa anak ko ikaw nagpapaalam?"


"Alam ninyo, walang problema sakin ang mga ganyan. Normal lang 'yan sa edad ninyo, pero sana alamin niyo ang mga bagay na mas prayoridad niyo." sagot ni mama na ikinagulat ko. Si mama pumayag na ligawan ako ni Wyatt? Hindi na ako makahinga.






"Yun oh!! wala namang palang problema sa mama ni Hailey eh! Tanungin mo na si Hailey kung payag siya bilis!" wika naman ni Caleb na nasa tabi ni Wyatt at tinapik ang balikat nito.





Napatingin si Wyatt sa mga mata ko, seryoso niyang iniinspeksyon ang reaksyon ko.




"Pwede bang manligaw Hailey?" tanong niya at biglang naghiyawan ang lahat.






"Oo na agad!! Wohhhh" sigaw ni Kira sa likod ko, aba may itinatago rin palang harot 'tong babaeng 'to?




Hindi ko alam ang sasabihin ko. Naguguluhan ako. Napatingin ako sa likod ko at nahagip ng mga mata ko si Skull na nakasandal sa pinto, his hands are inside of his pocket. Seryoso siyang nakatingin sa dereksyon ko.

Maya-maya ay bigla rin siyang umalis. Kumirot ang puso ko sa ginawa niya. Nagseselos ba siya?




"Wyatt-" I paused, thinking the right words to say.


"Just give me time to think." wika ko at agad na umalis.




Ayoko ng ganito!

Ayokong may nasasaktan ako!

Ayokong naiipit sa isang malaking desisyon.

Ayokong magkamali at mas lalong ayokong masaktan.

Hindi ko na alam ngayon kung sino sa kanilang dalawa ang pipiliin ko.


Bumalik ako sa kwarto namin at sumalampak ako sa kama, kaagad akong nagtakip ng kumot. Pinilit ko ang sarili kong matulog.

I hate this feeling.

I'm thorned between these hard choices.

yteruuuu

GENIUS IN A GANG (Defying Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon