010 | Lost Girls

Magsimula sa umpisa
                                    

"Kung ganon anong gagawin niyo sa 'kin?" kinakabahan na tanong ng boses ni Hailey.








"Malalaman mo rin kapag dumating na ang bibili sa 'yo" sagot nung hayop na lalaki. Agad napakuyom ang kamao ko. Hindi maari! Hindi nila pwedeng ipagbili si Hailey sa kung sino lang!







Maya-maya ay biglang sumabog ang cellphone ni Gayle, agad kaming napabalikwas at tiningnan iyon, nasunog ito at hindi na gumana nang i-check iyon ni Gayle.






Napatingin naman kami kay Ash nang iminulat niya na ang mga mata niya, tiningnan niya kami ng seryoso na para bang may gusto siyang sabihin sa 'min.







"Nasa Shaddow Division ang hideout ng mga kumuha kay Hailey" wika nito na agad nakakuha ng atensyon naming lahat.








"Ano pang hinihintay natin? Tara na iligtas natin si Hailey!" wika ni Wyatt at agad na kaming lumabas ng headquarters, mabuti nalang at naglilinis sa kwarto ng mga girls ang mama ni Hailey kaya hindi niya kami napansin.






Pinaandar ko na ang van at pinaharurot sa daan patungong Shaddow Division.






Don't worry, we're saving you Hailey.

-



HAILEY

• • •


Itinulak ako ng lalaking dumukot sa 'kin papasok sa isang kwarto, agad niyang isinarado ang pinto para hindi ako makawala.




Napatingin ako sa buong silid at nakita ko ang iba pang mga babaeng nandito rin sa loob. Siguro dinukot din sila ng mga lalaking kumuha sa 'kin kanina. Mga sindikato ba ang mga lalaking 'yon?







Ito siguro ang sinabi sa 'kin kanina nung lalaki na pinagkakakitaan nila bukod sa pagnanakaw, ang pagbebenta ng mga babaeng dinudukot nila dito sa lungsod.




Human trafficking 'to ah! Maari silang makulong kapag nahuli sila ng mga pulis!



"Diyan ka muna miss, maya-maya lang ay darating na agad ang bibili sa 'yo" wika niya sakin at tuluyan nang umalis.



Lord ano ba 'tong nangyayari sa buhay ko? Sana po mahanap ako nila Skull at Wyatt.





"Ang swerte mo naman," komento ng isang babae na nandito sa loob. Ako ba ang kinakausap niya? Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa kaya na realize kong ako nga ang kinakausap niya.



Nagsalubong ang mga kilay ko. SWERTE RAW AKO? Anong swerte sa 'kin? Eh parang sinalo ko na nga lahat ng kamalasan sa mundo eh!



"Imagine, kakapasok mo pa lang dito tapos may bibili na agad sayo," dagdag nung babae. Lahat sila ay nakatingin sakin ngayon.




Kahit na! hindi pa rin maituturing na SWERTE ang pagbenta sa 'yo para pagpalipasan ng init ng katawan ng kung sinong lalaki 'no!






"Anong pinagsasabi ninyo? Makakaalis ako dito," sagot ko at tinalikuran ko sila.






"Huwag kanang umasa girl, matagal na kaming nandito at kahit kailan wala man lang nagtangkang iligtas kami. Malalaking tao ang nasa likod ng organisasyong ito at hindi sila madaling banggain," muling sambit nung babae na lubos na ikinawala ng natitirang pag-asa ko.





Baka tama siya, kailangan ko na yatang tanggapin ang mapait na kapalaran ko bilang isang sex slave sa maaring pumili sa 'kin.






"Pero 'wag kang mag-alala, malay mo mabait ang makabili sa 'yo at bigyan ka pa ng magandang buhay," wika nung isa pang babae.





Sana nga.







Sana nga mabait ang makabili sa 'kin para kahit papaano ay makakagawa ako ng paraan para takasan siya at makabalik kay mama at sa Psychic Gang.




Sa ngayon, wala akong magagawa kundi ang magdasal. Kung nasa akin lang sana ang lockpicking ability ni Kira ay kanina ko pa nabuksan ang kandado ng kulungan na 'to at nakatakas na kami dito.




Pero sa kabila ng lahat, naniniwala pa rin ako na maililigtas kami ng Psychic. Nandito parin sa loob ko ang pag-asang darating sila para iligtas ako.







"Huwag kayong mawalan ng pag-asa. Once na makalabas ako dito, gagawa ako ng paraan para makalaya din kayo," wika ko sa kanila kahit ang iba sa kanila ay hindi naniwala sa sinabi ko.








'Don't loose hope Hailey.' wika ng isip ko habang pinipilit ang sarili ko na kumalma.







Maya-maya ay biglang bumukas ang pinto, iniluwa nito ang lalaking naghatid sa 'kin kanina dito. Ang bilis naman yata niyang bumalik? Nandiyan na kaya ang taong bibili sa 'kin?





OH MY GOD, here it is..








"Miss mukhang maswerte ka talaga!" bungad nito kaya napatayo ako sa mula sa pagkakaupo ko sa malamig na semento.



"Halika na, hinihintay ka na ng bibili sa 'yo." wika nung lalaki at agad akong lumabas ng silid.




"Tuparin mo sana ang pangako mo," napalingon ako sa likod ko at nakita ko ang babaeng nakausap ko kanina. Pinilit kong ngumiti para bigyan siya ng pag-asa.





Oo, pangako 'yan. Babalik ako at ililigtas ko kayong lahat.






Dinala ako ng lalaki sa isang silid para iharap sa kung sinong taong bibili sa 'kin. Nandito ang lahat ng mga kasapi ng sindikato nila.







"Ito na ba siya?" wika ng isang lalaking naka-maskara na nasa harap ko, his voice is deep and manly enough to send chills on my spines.




Naka-tuxedo siya at talagang ang yaman niya tingnan. Pero wait? Parang pamilyar ang boses niya? Hmmm.






Kusang gumuhit sa labi ko ang isang ngiti nang ma realize kung sino ang taong bibili sa 'kin.






Sabi ko na nga ba darating sila para iligtas ako.






Hindi ako nagkakamali, it's him. I can see his manipulative eyes behind that mask. The leader of our gang is now rescuing me.




+

• yteruuuu

GENIUS IN A GANG (Defying Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon