"Yeah! Walang problema" sagot naman ni Skull at iniwas ang tingin sa'kin. Parang wala na rin siyang nagawa.





"Teka, tapatin ninyo nga ako. Bakit gusto niyong makasama ang anak ko?" biglang singit ni mama kaya nagsitawanan sila Benj at Tori.






Patay.





"Ah, eh tita......" napakapa si Wyatt ng isasagot kay Mama.






"Tita kasi ano, gusto lang nilang mas makilala pa si Hailey. Kasi po diba bago pa lang po si Hailey sa grupo-" Tori trailed as if she's making a reasonable excuse.






"I think wala naman na pong ibang dahilan bukod do'n tita" pagpapaliwanag ni Tori kay mama at sa tingin ko naman ay napaniwala niya ito.






Napansin ko ang biglang pagkindat ni Tori kay Wyatt. Teka!! Anong ibig sabihin no'n? pinag-kakaisahan yata ako ng mga 'to ah.







Can someone explain to me what is happening right now? I'm totally confused from what is happening!







"Oh ano pang hinihintay ninyo? Lumakad na kayo, nagugutom na 'ko," wika ni Benj habang hinihimas ang tiyan niya, kahit kailan talaga 'tong si Benj, hindi mabuhay ng walang pagkain.






Agad na kaming naghanda, isinukbit ko na ang backpack ko at lumabas na kaming tatlo ng Headquarters. Nag-suot kami ng face mask para hindi kami makilala.






"Enjoy guys!!" sigaw ni Gayle na nasa pinto kasama ang iba pang miyembro.





HUH? Enjoy? Bakit may kailangan ba kaming i-enjoy? Baka nga mapahamak pa kami sa lakad na 'to eh!






Tahimik naming nilakad ang daan patungong bayan, hindi na kami nag-van dahil paniguradong may mga taong namukhaan ang sasakyan namin noong sumugod kami sa hospital para kunin si Mama, naibalita na rin kasi kami sa mga pahayagan dito sa lungsod.






So we're instant celebrity now.







"Just act normally" utos ni Skull habang nakikipagsisiksikan kami sa mga taong nandito sa bayan, ang daming tao kaya imposibleng may makapansin samin.








Ito kasi ang sentro ng lungsod, kaya araw-araw binabaha ng mga tao. Maraming mga nagne-negosyo, at mga taong abala para sa kung ano-ano pang mga bagay.




Pinagmasdan ko ang mga matatayog na building at establishments. Patuloy na pinapaunlad ng pamahalaan itong bayan at ang White Division pero hindi nila nakikita ang kalagayan ng mga taong nasa Black Division. Talagang makikita mo ang diskriminasyon sa mga taong mahihirap.





Maya-maya ay may biglang humawak sa kaliwang kamay ko, "Tara dun tayo" wika ni Skull at hinila ako papasok sa isang daan. Napansin ni Wyatt ang ginawa ni Skull kaya kaagad niya akong inakbayan




Ang bigat ng braso niya!







Hawak ni Skull ang kamay ko at nakaakbay naman sakin si Wyatt. Ang awkward! Agad kong tinanggal ang kamay ko sa pagkakahawak ni Skull at dumistansya ako ng kaunti kay Wyatt kaya napabitaw siya sa pagkakaakbay niya sa 'kin.




Ang wierd nila ngayon! Err!





Nauna akong pumasok sa department store para makapamalengke na, iniwan ko ang dalawang mokong na kasama ko. Ang wierd kasi ng mga ikinikilos nila eh. Ano ba kasing meron? nalilito na ako.








I'm a genius. Hindi sa nagyayabang ako. Technically, kaya kong sagutin ang lahat ng mga tanong na ibabato sa 'kin, but this case is different.





Ngayon lang ako nagkaroon ng tanong sa utak ko na hindi ko masagot sagot. Damn it!!






Agad akong kumuha ng cart sa gilid at itinulak ko ito sa section ng mga canned goods. Pumili ako ng mga masasarap na produkto at inilagay ko ito sa loob. Hindi ko na alam kung nasaan sila Wyatt at Skull, nauna kasi akong pumasok tapos medyo malawak pa itong department store kaya hindi ko na sila makita.







Nang mapuno ang cart ko ay agad na akong nagpunta sa counter para antayin sina Skull at Wyatt. Ano bang mga pinamili nila? Ang tagal naman.







Maya-maya ay napapitlag ako nang may biglang nagpaputok ng baril. Nabasag ang salaming pintuan ng department store at pumasok sa loob ang isang lalaking may suot na bonnet at black top.






Nataranta ang lahat ng mga tao dito sa loob, may mga taong napasigaw at nanginig sa takot dahil sa lalaking nagpaputok ng baril. Holdaper ba ang mga 'to? Sh*t! Bakit ba parang magnet ako ng kamalasan?







Naglakad siya papunta dito sa counter, tinutukan niya ng baril ang cashier habang patuloy na lumalapit.







May mga iba pang lalaking pumasok sa department store na sa tingin ko ay mga kasamahan niya.







"Tabi!" siniko ako ng lalaki at tumalsik ako sa gilid. Sh*t! Ang lakas niya!







Nilalagay niya sa bag niya ang mga pera sa counter. Habang tinutukan naman ng isang lalaki ang cashier ng baril sa ulo para hindi ito pumalag.







Kainis! Asan naba kasi sila Skull at Wyatt?






Sa gitna ng paghy-hysterical ko ay biglang naglaglagan ang mga paninda sa mga kinalalagyan nito.





Yumanig ang buong department store kaya agad natigilan yung mga magnanakaw at napatingin sa dalawang lalaking naglalakad patungo sa direksyon nila.



Nakapamulsa ang mga ito, at lahat ng mga nadadaanan nilang products ay nalalaglag sa lapag.



Kusang gumuhit ang pagkamangha sa mukha ko.




Damn! Ang astig nilang tingnan!


-
If you're enjoying this story, pls consider to follow me. It means a lot. Ty!

• yteruuuu

GENIUS IN A GANG (Defying Trilogy #1)Where stories live. Discover now