Alistaire's pov.
"Kayo ang dahilan kung bakit nagka-ganito ang lahat..." Bulyaw ni Tita Xyla sabay tulak saakin.
"Tita Xyla, wala pong kasalan si Sia at ang kapatid ko.... Sa katunayan nga si Ashley ang bumaril sa kapatid ko." Sagot ni Ate Denise at hinawakan niya ako at inalalayan.
Hanggang ngayon hindi ko parin ma-proseso ang lahat. Nag-pakamatay si Ashley.
"Hindi mag-papakamatay ang anak ko kung hindi niyo siya ginigipit na mahuli..." Nakahawak si Tita Xyla sa dibdib nito at tinabihan naman siya ng Papa ni Ashley.
"Mga Hija, umalis na kayo." Wika ni Tito sabay alalay nito kay Tita Xyla.
"Tito, ilang araw na po kaming pa-balik balik dito dahil gustong humingi ng tawad ni Sia.... hindi siya makatulog gabi gabi dahil sa nangyari.... so, please. Huwag niyo naman po kaming ipagtabuyan." Wika ni Ate Denise. Hindi ako maka-imik.... Wala akong masabi. Nahihiya ulit ako.
"Pero Denise, hindi maganda ang mag-patawad kung hindi bukal sa kalooban mo.... kaya sana huwag niyo rin kaming pilitin na mag-patawad para lang maka-tulog kayo sa gabi, dahil pare-pareho lang tayo." Naiiyak na sabi ni Tito.
"Pe-" hindi ko pinatapos si Ate Denise.
"Huwag na ate. Uwi na tayo." Wika ko.
--------
Pagka-uwi na pagka-uwi ko sa bahay agad kong na-alala ang nangyari.
"P-paano po-ng nangyari na na-ndun sa rooftop ng hospital si Ashley?" Tanong ko kay Tita Melanie. Pulang pula na ang aking ilong at mga mata sa kaka-iyak.
"H-hindi ko rin alam pero yun sana sasabihin ko n-noong araw na sinabi ko n-na gising na si Xander... alam kong naka-punta dito si Ashley sa hospital." Wika ni Tita kasabay ng pagtulo ng luha nito. I know she also feel the guilt.
"Paano niyo po nalaman, Tita?" Tanong ko at mas-lalong lumandas ang hindi na-uubus na luha saaking mga mata. Nanginginig din ang aking labi.
"Dahil dito sa sulat na iniwan niya...." Sabi ni Tita sabay abot saakin. "Hindi ko n-naman alam na maka-kayang gawin ni Ashley ang bagay n-na ganun." Wika ni Tita sabay nang pagtulo ulit ng luha niya.
--
Hindi ko sinasadyang maging maka-sarili! Hindi ko na rin alam ang gagawin ko.
Binuklat ko ang sulat na iniwan saakin ni Ashley. Ilang beses ko nang binasa ang sulat na iniwan niya para saakin.... yes, iniwanan niya ako at si Xander ng sulat.
Alistaire Fown,
Hey! Should I call you Alistaire Fown or Sia Kathrylle? Haha. Should I straight forward everything?
.
Alright. I don't know if you still going to forgive me after all I have done wrong, but I still want to say sorry. I'm also sorry because I didn't kept my promise that we made when we start to be friends, we promised that no man and no person can be able to broke us apart as a best friend. Sorry because, nag padala ako sa sakit na naramdaman ko, nag-padala ako sa bagay na hindi naman talaga naka-bubuti.
.
Do you still remember the time when You and I start to fight because of Alexander? Lagi kong sinasabi 'nun ang katagang "anong magagawa ko, eh iyon ang nararamdaman ko?" Hindi ko alam na pagkatapos nang away natin sa campus, madadala narin ang sakitan natin ng sobra-sobra. Dahil nabasa mo ito ngayon, huwag mong sisisihin ang sarili mo sa pag-kawala ko.... hindi ko na kasi talaga alam ang gagawin ko. Pasensya na sa lahat ng masamang dulot ko.
.
Si Alexander ang dahilan nang pag-aaway natin, pero siya at ikaw din ang dahilan ng pag-tigil ko sa laban na 'to. Na realize ko nung mabaril ko siya na Oo, masakit nga na makita ko kayo na mag-kasama habang masaya at ako nag-hihirap at hindi maka-ahon. Kahit gusto kong maging masaya para sainyo, iba yung nararamdaman ko sa sinasabi ng utak ko. Pero, alam mo kung ano yung pinaka-masakit? Yung part na nai-putok ko na yung baril, gusto kong itigil ang oras para ibalik yung bala 'dun sa baril dahil nar-realize ko na kapatid kita. At tumigil din ang lahat ng saluhin ni Xander ang bala para sayo, pinatunayan niyang mahal ka talaga niya. And I gotta accept that fact.
.
I'm sorry, and thank you. I'm going to say that I'm happy that I had become one of the chapters of your life. And please don't remember me as your enemy, nor remember our fight... Remember the things when we are happy so that, you won't feel any regrets or any heavy thing in your heart. Remember me as your challenge in life. At pag-natapos na ang lahat-lahat, huwag na huwag mong sisisihin ang sarili mo. It's my will. Forget the bad things. Start your life, live your life to the fullest and don't let any person or anything that might stop you from achieving your dream...
- Ashley Wright.
------
Tuloy-tuloy ang pag-patak ng luha ko ng bigla ako mapalingon sa pintuan.
"Still hurts?" Tanong ni Xander nang makalapit ito at unti-unting pinupunasan niya ang pisngi kong basang-basa dahil sa mga luha.
Tumango ako bilang sagot.
"Love, kung nasasaktan ka, huwag mo muna itong basahin... ulit." Wika ni Xander sabay badya na kukunin niya ang sulat na binigay ni Ashley, ngunit iniiwas ko ito.
"Hindi yan ang sulusyon." Wika ko. I should clear things.
Sa itsura ni Xander bakas ang pag-tatanong.
"Xander, Can you give me space and time to clarify everything?"
———— Edited: 02-22-2020
YOU ARE READING
That Game Started With A Lie [COMPLETED]
RomanceDedicated to Ms. @SarcasticPsyche [Tagalog-English] (Cliches (af) ahead, not yet edited) PLAGIARISM IS A CRIME [BOOK COVER IS NOT MINE. BOOK COVER IS CREDITED TO THE RIGHTFUL OWNER] Story by: little_clerick Date Started: June 1, 2018 Date Finished:...
![That Game Started With A Lie [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/136349979-64-k922385.jpg)