That Game 48:

80 6 1
                                        

(A/N: for better reading you can listen to the song: Skinny Love.)


Sia's pov.

"Let me help you." Napalingon ako kay Xander, paano siya napunta dito sa tabi ko?

Kinuha niya ang box na hawak ko na nag-lalaman ng forms ng mga patients na i-u-under go sa surgery.

"Oh, salamat." Sabi ko. Ngumiti siya at sabay na kaming nag-lakad na agad ding napahinto ng makasalubong namin si Ashley kasama si Stephanie... oh ito na nga ba iniisip ko eh.



"Hoy bakit mo kasama ang fiancé ko?" Salubong saakin ni Ashley, habang si Stephanie naman tumatango-tango. "So, it's true... ilang araw lang akong wala, ilang araw mo narin nilalandi ang fiancé ko." Bintang ni Ashley sabay tango-tango ulit ni Stephanie... gandang pag-untugin ng dalawang to eh.


"Ashley, stop it. At para malaman mo, hindi kita fiancé, never akong nag-alok ng kasal sayo." Napa-ngisi ako sa sagot ni Xander kay Ashley.... ohh ano ka ngayon? Palag! Pumalag ka!



"Whatever you say! Ikakasal parin tayo." Wika ni Ashely sabay paikot nito sa mata nito. Gandang dukutin ng mata niya, swear!


"Eh di, kahit din ano sabihin mo, hindi ako ikakasal sayo..... kung i-kakasal ako sisiguraduhin kong si Ria ang bride." Sagot ni Xander sabay lagay nito lahat ng hawak niya sa kabilang kamay niya at hinawakan ng marahan ang aking kamay.


Habang nag-lalakad kami rinig ko parin ang boses ni Ashley na na-fru-frustrate. Rinig ko rin ang boses ni Stephanie na nag-tatanong. Napangiti ako pero agad din napawi, bakit ako ngumingiti? Stop na diba, Ria? Wag ka dapat kiligin Ria, kung ano ang natapos noon, hindi na dapat ibalik.


Agad kong binawi ang kamay ko kay Xander kaya napahinto ito at tumingin saakin.


"Diba sinabi ko Xander na kung anong meron saatin noon hindi na natin pwedeng ibalik." Panimula ko sabay nauna nang maglakad.


"Wala akong sinabing ibabalik natin...." napahinto ako sa sinabi niya. Eh anong mean niya? "Pwede tayong mag-simula" Dugtong nito sabay ngiti ng malapad at inunahan ako sa paglalakad. Aba matinde!


--------

2 days passed by...

"I'm sorry for not telling this, everyone." Sabi ng isa sa mga directors namin.

Ano kaya yun? May masama bang nangyari? Baka naman hindi successful yung nangyaring surgery kahapon? O kaya may kapalpakan kaming mga Radiologist?

Napalingon ako kay Ma'am Veronica, nakangiti siya.


"Sorry for not telling this, marami kasing nangyayari at hindi namin napa-alam na mag-kakaroon tayo ng seminar in the next day. At magkakaroon din tayo ng mini party next week dahil sa successful na pag-accept ng La Union, we will be having a hospital there!" Wika ni ma'am Veronica kaya halos lahat sila nag-saya.


"But, sorry to say. Sa seminar, ito lang ang sasama." Wika ng isa sa mga directors sabay lahad nito ng papel sa harap.


Cath Leen
Dhan Sevilla
Veronica Abela
Ashley Wright
Alexander Ward
Justine Mora
Sia Kathrylle Mendez
Eric Alvarez
Jhing Padua
Keesha Chen

Aba tumatadhana nga naman. Plano mo ba talagang sirain at burahin lahat ng mga sinabi ko? Kakain ko ba ang mga sinabi ko dati? Well, hanggat kaya ko.... pipigilan ko.

--------

*knock* *knock*

"Pa?" Sagot ko ng buksan ko ang pinto ng condo ko. Oo ilang araw narin akong bumukod kila papa. Ayaw niya kasing umamin kung may kinalaman siya sa paglipat ko ng hospital at baka pag patuloy akong titira doon, baka isabutahe niya lahat eh.


Ayoko rin tumira kay mama kasi baka gumawa ulit siya ng paraan na katulad sa engagement party nila Ashley.... grrrr ayoko ulit mapunta sa sitwasyon na yun.



"Papapasukin mo ba kami o hindi?" Halata sa boses ni Tita Kira ang pagkukunwari... kagigil eh!


Ngumiti ako sakanila at pina-upo sa sofa.


"Ano pong pinunta niyo dito?" Tanong ko.


"Lolo!" Sigaw ni Alexia ng makalabas 'to sa kwarto niya sabay yakap kay papa at kay Tita Kira.


"I miss you, apo." Bati ni papa.



"I miss you too, lolo." Sagot naman ni Alexia at tumabi na sakanila sa sofa.


"Risa, pwedeng pagawa naman ako ng juice para sakanila." Sabi ko sa kasambahay namin. Tumango tango naman ito at pumunta na sa kusina.


"Bakit po kayo nandito pa?" Tanong ko.


"Ah kasi, next month na yung engagement party namin ng tita Kira mo." Wika ni papa. Kaya pala, tuwang tuwa si Tita Kira kasi malapit na siyang maging Mendez eh.


"Ahh sige po pa. Eh saan po gaganapin?" Tanong ko.


"Doon sa isa sa mga malalaking branch ng SK Restaurant." Sagot ni papa kaya napatango naman ako. Sa tutuusin maganda ngang lugar yun para sa mga occasion na bongga. Naiimagine ko palang kahit hindi na dagdagan maganda na.


--------

"Anak, pupunta ka muna kila lola mo ah." Sabi ko habang inaayos ko ang mga gamit ko na dadalhin sa seminar.

She nodded.


"Bakit wala kang imik, anak?" Tanong ko, napangiti naman ito.


"Mommy, I'm a big girl na.... matagal na akong hindi umiiyak kapag hindi kita katabi sa pagtulog sa gabi, mommy. So don't worry about me." Wika nito sabay higa sa malambot na kama at ini-ikot ikot ang sarili.



---------- Edited: 02-20-2020

(A/N: thank you, for still supporting! I love yah!)

That Game Started With A Lie [COMPLETED]Where stories live. Discover now