(A/N: for better reading, you can listen to the song: My Happy Ending by: Avril Lavigne.)
Alistaire's pov.
Nakarating na ako sa bahay lahat lahat, nanginginig parin ako. Hindi ko alam ang una kung sasabihin, ano kayang magiging reaksyon nila? Magagalit kaya sila?
"Oh Ria, bakit balisa ka?" Tanong ni mama ng bahagya kong masagi at mahulog yung vase na nadaan ko kanina.
Agad akong napaupo sabay hawak sa vase na nabasag para ayusin. Napalingon naman ako kay mama ng lapitan niya ako at ilayo ang kamay ko sa vase na basag. Dumudugo yung kamay ko.
"Anak! Anong problema?" Tanong ni Papa na lumapit narin saamin.
"Masyado bang hectic ang schedule mo? Bukas na ang graduation mo, diba? May gagawin ka ba? Papagawa ko nalang." Wika pa ni mama sabay tayo at kuha sa bag ko.
Sh*t andoon yung pt ko. Agad akong napatayo kahit na masakit yung sugat ko sa kamay. Pero huli na ako nakalkal na ni mama yung bag ko. At ngayon hawak hawak niya yung pt na may result ng positive.
"Anak? Sa kaibigan mo to diba?" Nakangiting sagot ni mama, sabay pakita sa pt. kahit si papa kita ang gulat sa mukha nito.
"Wala akong kaibigan ma." Wika ko pa sabay luhod sa harap niya. "Ma buntis po ako." Mahinahon kong wika sabay tungo. Ayokong makita ang reaksyon nila habang sinasabi ko ito.
"Is it Alexander's child?" Wika ni papa, kahit hindi ko nakikita ang reaksyon niya alam kong naiiyak na si papa.
I slowly nodded. At ilang minutong walang naririnig kaya napataas ako ng mukha. Hinawakan ako ni papa sa kamay at hinila patayo.
"Tyrone, what are you doing?" Tanong ni mama kay papa ng hilain niya ako palabas.
"I'm gonna tell this to my Friend that his douchebag son got my daughter pregnant. So that we can settle for their wedding." Wika ni papa kay mama napatigil naman ako sa pagsunod kay papa at hinila ng bahagya ang kamay ko.
"No.... Pa! I'm begging you. he don't love me, kaya hindi ko to sasabihin sakanya, wala akong pakealam sa responsibilidad. Kaya kong bigyan ng magandang buhay ang anak ko, hindi ko siya kailangan at ang responsibilidad na kaya lang niyang ibigay." Ani ko sabay takbo kay mama. Inilagay naman ako ni mama si likod nito.
"Tyrone, she's right. So please, don't tell them about this." Wika ni mama at wala namang nasabi si papa kundi ang umalis.
------
"Ma, hindi ka galit saakin?" Tanong ko habang nilalagyan niya ng band aid ang sugat ko.
"Hindi." Mahinang wika nito. Sobrang maintindi si mama. Ang swerte, swerte ko sakanya.
"Bakit?" Tanong ko pa. She smiled.
"You're in pain, dadagdagan ko pa? Atsaka the baby is a blessing." Saad ni mama. I smiled. Yeah, my baby is absolutely a blessing, an angel.
"Mama, salamat po." Wika ko sabay yakap kay mama. Niyakap niya rin ako pabalik.
Ngunit pareho kaming napabalikwas sa pagkakayakap ng magbukas ang pinto, si papa.
"Darling, I'm sorry." Wika ni papa sabay lapit at yakap saakin. I smiled.
"I understand pa. Sorry din, kasi andaming problema ang hatid ko sainyo ni mama." Wika ko kasabay ng pagtulo ng luha ko. Ang swerte ko sa mga magulang ko, the best talaga sila!
"Hushh... No, you're not. We love you, okay? We can raise the child." Wika pa nito. Sana lahat ng mga tao diyan nararanasan ang nararanasan kong pagmamahal galing sa magulang. Dahil grabe, ang sarap sa pakiramdam ng ganito kabait ng magulang mo.
"Anak..." wika ni papa kaya napatingala ako. At ngayon nagkaroon ng mga matang nagtatanong. "Sorry for this but.... I arranged your papers and now.... You're Sia Kathrylle Mendez, again." Saad ni papa na nakapaglalag ng panga ko. Paano na?
Napatayo si mama at naiyak. "Bakit, ngayon pa? Alam kong, ngayon din alam na ni Xander yun." Saad ni mama. Napaalis naman si papa sa pagkakayakap saakin at napatayo. Napatayo narin ako.
Pare-pareho kaming napalingon kay manang ng bigla siyang dumating.
"Ma'am, Sir. Nandito po si Sir Xander." Wika ni manang
"Ma, pa. please." Wika ko bago ako napatakbo pataas, pero bago ako makapasok sa kwarto, nakita kong lumoob si Xander.
Nasa gilid ako pero hindi nakasara ang pinto para mapakinggan ko ang paguusapan nila.
"Tito Tyrone, Tita Megan. I really need to talk to Ria." Wika nito. I missed his voice. I missed seeing him. I missed everything about him. Napapatak ang luha sa pisngi ko.
"Walang Ria rito." Matigas na wika ni Papa.
"Tito, please. I badly need to talk to her." Saad pa nito. Napasinghap si papa sabay suntok kay Xander na ikinalaki ng mata ko.
"Nandito ka ba dahil nakarating na sayo na si Sia at si Ria ay iisa?" Tanong ni papa. Ang lakas ng boses ni papa ngayon, nakakatakot.
"Tito, hindi yun yung dahilan kung bakit nandito ako. I need to talk to your daughter. Please, I love her, tito. Kaya please lang po, kahit limang minuto lang." wika ni Xander. Napaupo ako sa naririnig. Nag-mamakaawa siya at ang hirap para saakin 'to.
"Hindi porke naloko mo ang anak ko, maloloko mo rin ako." Wika ni papa.
"Xander, umuwi kana. Wala rito si Sia. Kanina pa siya umalis." Sabi naman ni mama.
"Tita, naman. Kahit tatlong minuto nalang." wika ulit ni Xander. Nag-susumamo.
"Wala siya rito, nagpakalayo- layo na ang anak ko, dahil sa ginawa mo." Sabi ni mama na halata na ngayon sa boses niya na umiiyak siya.
"Then. tell me tita, where did she go?" Tanong ni Xander.
"I can't tell you." Saad ni mama. "So leave now." Sabi pa ulit ni mama.
"Hindi kaba aalis?! Manang, call the guards, at sabihin mo rin na sa susunod, wag na nilang papa-pasukin ang lalaking to." Sigaw ni papa.
--------
Now, I know what to do— I. Should. Leave.
-------- Edited: 02-17-2020
(A/N: roahhhhh! Hindi ko alam ang next update ko, dahil medyo hectic ang schedule ko mga babes. Sana maintindihan niyo, love yah!)
YOU ARE READING
That Game Started With A Lie [COMPLETED]
RomanceDedicated to Ms. @SarcasticPsyche [Tagalog-English] (Cliches (af) ahead, not yet edited) PLAGIARISM IS A CRIME [BOOK COVER IS NOT MINE. BOOK COVER IS CREDITED TO THE RIGHTFUL OWNER] Story by: little_clerick Date Started: June 1, 2018 Date Finished:...
![That Game Started With A Lie [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/136349979-64-k922385.jpg)