That Game 56:

79 6 0
                                        

Sia's pov.

"Sia!!!" Agad napamulat ang mga mata ko ng marinig ang sigaw ni Mama.

Taranta akong napa-bangon para tignan si Mama.

Hindi na ako nag-abalang pumasok sa C.R at gawin ang morning routine ko.

Pagkalabas na pagkalabas ko agad kong nakita si Mama... kasama si Xander.

"Sia? Why are you looking like that?" Natatawang tanong saakin ni mama.

Napahawak naman ako sa buhok at mukha ko... fita naman oh! Gulo gulo na nga ang buhok ko... may muta pa ako! Ewan ko lang baka mamaya may panis na laway pala ako sa gilid ng labi ko, Mama naman eh.


"Don't worry, you're still pretty." Wika ni Xander sabay ngiti saakin at humakbang papalapit saakin at iniabot ang bouquet of roses na mabilis kong hinablot at saka napa-takbo ako sa loob ng kwarto ko.


Agad akong dumeretsyo sa banyo..


----

"Why did you run?" Tanong ni Xander ng makalabas ako. Wala na si Mama, baka pumunta siya sa kusina.


"Why are you here?" Tanong ko sakanya.

"I can't wait.." sagot naman niya.

"Oh Xander, mag meryenda ka muna." Napalingon ako kay mama na naka-ngiti.

I guess nakapag-usap na sila.

"Thank you po tita." Wika naman ni Xander.


Lumapit ako kay Mama at hinila siya palayo.


"Mama bakit niyo siya pinapasok?" Tanong ko.


"Kanina pa kita ginigising para sabihin saakin kung ano talagang nangyari... hindi ka magising kaya nung nandito siya, siya ang pinag-paliwanag ko... kaya wag ka mag-paliwanag saakin sa papa mo nalang." Wika ni mama sabay ngiti at pisil sa pisngi ko bago mag-tungo ulit sa sala.


Nang makabalik ako sa sala, nakangiti parin saakin si Xander.

"Anong ngini-ngiti mo diyan?" Tanong ko kasabay ng pag-kunot ng noo ko.

He shook his head... "Where is she?" Tanong niya.


"In her room, I think she's still asle-" hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng makaramdam ng pagyakap sa bewang ko.


"Good morning momm-" hindi naituloy ni Alexia ang sasabihin niya ng makita niya si Xander.. "Who is -" hindi ko pinatapos ang sasabihin ni Alexia.


"Siya ang Daddy mo." Wika ko sabay tingin kay Xander...

"Is this a dream?" Rinig kong bulong ni Alexia.

I look at her saka ako lumuhod sa harap niya para magka-tapat kami.

"Alexia, baby.... this is not a dream." Wika ko sakanya habang hinahaplos ang pisngi nito... agad namang lumandas ang luha niya kaya agad kong pinunasan.

Bigla ko namang naramdaman ang paglapit ni Xander saamin.

"Daddy?" Wika ni Alexia. Tumango naman si Xander sabay yakap kay Alexia.


That Game Started With A Lie [COMPLETED]Where stories live. Discover now