(A/N: for better reading you can listen to the song; Homesick. By: Dua Lipa.)
Sia's pov.
"Anak? Akala ko bukas pa ang dating mo?" Wika ni mama ng bigla nalang akong dumating sa bahay.
"Nagkaroon po ng problema eh." Sabi ko sabay upo sa couch "Ma, nasan po si-" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng biglang napalingon ako kay Alexia na bumababa sa hagdan habang sumisigaw.
"Mommy?" Wika nito sabay turo sa screen ng tablet niya. Napasilip ako rito at hindi makapaniwala sa nakita.... video namin yun ni Ashley na nag-aaway.
Agad kong hinablot sakanya ang tablet niya.
"Mommy, diba... hindi naman ikaw yun?" Ani nito habang nakatingin sa baba, naiiyak na siya.
Mas lumapit ako sakanya at niyakap siya.
"Alexia... hindi yun ang mommy mo." Wika naman ni mama. This is just a white lies kasi alam kong kahit anong paliwanag ko sakanya hindi niya maiintindihan dahil masyado pa siyang bata para mamulat sa ganitong bagay, hindi ito maganda.
----
This will gonna be a long long day. Napahinga ako ng malalim bago pumasok sa hospital...
Agad akong napangiti ng mag-simula silang bumati at ngumiti. Buti na nga at hindi ata nila nakita ang kumakalat sa social media, nung nakita ko kasi tumawag ako at ipapa-alis sana yung video kaso nalaman ko nalang na-alis na... maybe it's Ashley.
Nawala ang ngiti ko ng makaramdam ng pag-sampal.
Napahawak ako sa pisngi ko....
"How dare you to hurt my daughter?!" Wika ni Tita Xyla... mama ni Ashley. "It's really true, yung tinuring kong pangalawang anak na si Ria.... gaganituhin lang kami." Dugtong pa nito.
"Tita, hindi mo alam kung saan nag-simula." Wika ko, halos lahat ngayon ay nakatingin na saamin. Huminga ako ng malalim.
"Kailangan pa ba? Kitang kita ko." Wika pa nito...
"Xyla... tama na yan." Napabaling ako sa nag-salita. Ramdam ko ang panlalamig ng mga kamay ko, nandito yung papa ni Xander. "Ako na ang kakausap kay Sia." Wika pa nito kaya napa-buntong hininga si tita bago siya umalis.
"You're making things worse." Napayuko ako sa sinabi ni Tito.
"Tito, hindi naman po ako ang nag-simula." Ramdam ko ang pangingilid ng luha ko. Oo wala silang karapatan para sabihin kung anong dapat kong gawin kung ano dapat ang desisyon ko pero, ang hina kong tao... hindi ko alam ang gagawin ko.
"Huwag mong balaking bumalik sa buhay ng anak ko." He said as I nod. Madali akong pumayag, kahit alam kong hindi na ako masaya sa mga desisyong ginagawa ko.
"And about the engagement party of your father... pakisabi natanggap ko na ang invitation." Wika nito sabay talikod na saakin at naglakad na paalis.
Napa-taas ako ng ulo ko kasabay ng pag-patak ng mga luha galing sa mga mata ko.
"I think you need this." Napalingon ako sa nagsalita. Napangiti ako at bahagyang kinuha ang ini-aabot saakin ni Eric ang dutch mill na dala nito.
"Salamat." I whispered.
He shook his head... "Don't need to say thank you at all, I did this because I like you... at gusto ko na pag may problema ka, ako ang tutulong sayo at mang-cocomfort sayo." Sabi nito kaya napailing nalang ako at napangiti ulit.
"Pano ba yan, lagi akong may problema... eh di lagi kitang kasama?" Natatawa ako sa sinasabi ko ngayon.
He nodded as he smiled. "Exactly!" Wika nito sabay abot niya saakin ng panyo niya. I shook my head sabay labas ng panyo sa bag ko. He nodded at ibinalik nalang ulit ang panyo niya sa bulsa.
"Ahhh muntik ko ng makalimutan." Sabi nito sabay tingin saakin.
"Ang alin?" Tanong ko.
"Malapit na ang anniversary ng hospital natin... and there will be a party, so..... will you be my date?" Nakayukong tanong nito. Mahiyain ang kuya niyo.
"Sige... basta libre mo ako ng dutch mill, ulit." Wika ko sabay tap sa balikat niya at nag-simula ng mag-lakad.
"Sige! Kahit araw araw pa!" Rinig kong sigaw nito mula sa malayo.
------
Gulat akong napalingon sa pintuan ng bigla at malakas itong bumukas.
"Are you okay?" Tanong ni Xander as he check on me.
"What are talking about?" Seryosong tanong ko sakanya.
"I know that, my Dad and Tita Xyla went here." Seryosong wika rin nito. Halata sakanya ang pag-aalala.
"Xander, please. Huwag ka nang makelam saakin. Sa desisyon ko at sa lahat ng gagawin ko." Marahan kong sabi. Halata ang pagka-gulat sa brownish niyang mga mata.
"You don't need to involve yourself in all of my problems or anything na may kinilaman saakin. And Xander... I don't need your pity at all." Matigas na wika ko. Ramdam ko ang malalim na paghinga nito.
"I don't pity you, Ria. You always think that way... damn! Anong bang gusto mong gawin ko para makita mo yung gusto kong iparamdam at ipakita sayo? How many times do I have to tell you that I love you?" Wika nito kasabay ng pagpatak ng luha sa mata nito.
"Okay okay, I'll stop belittling you but, I think you did a mistake. I think it's loved not love." Ramdam ko ang panginginig ko. Hindi dapat ako maging marupok. "Because i-it's true... you love me, then. A-and I know you don't feel that way anymore." Pilit kong pinapatatag ang boses ko. I don't want to break down.
Napatawa ng mahina si Xander pero ramdam ko ang sarcasm sa pagkaka-tawa niya. Bumaling siya saakin at agad akong naramdam ng pagka-takot at excitement. The pak! Bakit ganito ang nararamdaman ko.
Humakbang siya papunta saakin kaya humakbang ako patalikod, naka-apat na hakbang pa lang ako ng maramdaman ko ang pader sa likuran.
Nang makalapit ito saakin, ganun nalang ang gulat ko ng bigla niyang idinampi ang malambot niyang labi sa labi ko.
Nanlalaki ang mata ko... habang ang utak ko ay may dalawang sinasabi, ang isa ay ang... gantihan ko ang mga halik nito at ang isa naman ay... itulak siya at huwag maging marupok.
Napa-pikit ako at handa ng gantihan ang mga halik niya ng bigla siyang tumigil kaya napabukas ako ng mata at gulat ng nakatingin pala siya saakin.
"I told you, I love you. Hindi ka parin ba naniniwala?"
——Edited: 02-21-2020
YOU ARE READING
That Game Started With A Lie [COMPLETED]
RomanceDedicated to Ms. @SarcasticPsyche [Tagalog-English] (Cliches (af) ahead, not yet edited) PLAGIARISM IS A CRIME [BOOK COVER IS NOT MINE. BOOK COVER IS CREDITED TO THE RIGHTFUL OWNER] Story by: little_clerick Date Started: June 1, 2018 Date Finished:...
![That Game Started With A Lie [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/136349979-64-k922385.jpg)