(A/N: for better reading you can listen to the song: I never told you! It's beautiful babe :). )
Alistaire/Sia's pov.
"Grandma... Grandpa!" Sigaw ng baby ko nang makita namin sila mama dito sa airport, sinundo kami.
Agad silang lumapit saamin.. at niyakap kaming pareho.
"Hay nako... tagal kong hindi nakita ang baby Alexia namin." Wika ni mama sabay halik sa pisngi niya.
"Anak. Bakit pala napag-isipan mong dito na kayo tumira?" Tanong ni papa. But instead na sagutin ko siya ay agad ko siyang niyakap.
"Pa, I miss you." Wika ko. Kahit ilang beses kaming nag-away ni papa dahil gusto niyang ipa-alam kay Xander ang lahat lahat... Hindi ko kayang magalit kay papa. Papa's pet ako eh!
"I miss you too, darling." wika ni papa pabalik.
Nang humiwalay ako sa pagkakayakap agad kong pinunasan ang mata ko para pigilan ang luhang gustong dumaloy.
"Ahh na-lipat po ako ng ibang hospital." Saad ko sabay ngiti ng malawak. "Ikwe-kwento ko nalang po pagka-uwi natin." Dagdag ko pa.
"Ahh sige, tamang tama kaka-uwi lang ng tita Kira mo." Wika ni papa na agad kong ikinalamig ng kamay ko. Napatingin ako kay mama at nahuling naka-tingin din siya saakin pero agad din siyang umiwas.
"Pa, paanong nandito si Tita Kira?" Tanong ko. Napangiti naman si papa.
"Napag-usapan na namin ang kasal, ilang buwan nalang." Saad ni papa. Paanong ikakasal? Eh diba?-
"Na-annul na kami ng mama mo, last month lang." Wika ni papa. Grabe! Dami ko palang hindi alam.
I nodded.. "Sige po pa, tara na. Ramdam ko na kasi yung pagod ko, atsaka baka gutom na si Alexia." Ani ko sabay tingin sa anak kong walang kamalay-malay sa nangyayari.
Agad akong napasalampak sa kama ng makarating kami dito sa bahay. Mamaya maya nandito na si Tita Kira.... at ayoko siyang makita, baka-- hindi ko mahinto ang bibig ko at masabi ko na siya talaga ang dahilan kung bakit kami na-disgrasya ni mama.
"Mommy." Napalingon agad ako sa pintuan kung saan tanaw ko si Alexia.
I smiled "Ano yun baby?" Tanong ko pa.
"Bakit di ka kumain kanina?" Tanong pa nito, napangiti naman ako. Ang caring naman ng baby ko.
Mag fo-four years old na si baby Alexia, Pero kahit ganun ang dami nang alam ng batang to.
"Baby, don't you worry about me, okay? Hindi lang talaga ako gutom." Saad ko sabay ngiti at unting kinurot sa ilong nito.
"Eh bakit hindi ka gutom mommy? Are you on diet? You're skinny mommy and still you're making yourself starve in death." Wika ng batang nasa harap ko sabay halukip-kip... hmmm ano kayang ipapalusot ko sa batang to? Ah!
"Kasi kanina baby, habang nasa byahe tayo at natutulog ka.... kumakain ako." Wika ko sabay tap sa ulo niya, and she slowly nodded at kasabay nun ang pagyakap niya saakin.
"Mommy, don't you ever let yourself get starve." Wika ng prinsesa ko at bahagyang kumalas sa pagkakayakap namin. At ako naman ang tumango tango sakanya.
"Of course, baby." Saad ko sabay halik sa pisngi niya.
-------
Agad akong napabalikwas sa pagkakahiga ng tumunog ang alarm clock ko. Hapon na pala, siguro wala narin si Tita Kira dito, sana naka-alis na siya.
Agad akong lumabas ng kwarto... nagugutom narin ako eh. Pagkababa na pagkababa ko sa hagdan ay automatic na nanlaki ang mata ko sa nakita....
Nandito pa siya.... nandito parin si Tita Kira.
"Oh Sia, gising kana pala." Napalingon ako kay papa nang mapansin ako nito. Pero agad din bumalik ang tingin ko kay Tita Kira na ngayon ay parang nabuhusan ng malamig na tubig.
Agad ko silang nilapitan para hindi mahalata ni Papa na may alam ako dahil sa totoo lang wala akong pakealam kong malaman ng bruhang ito na alam ko. Tinatago ko lang to para maging masaya si papa, at hindi dahil sakanya.
Tumayo si papa sa pagkaka-upo, at bahagyang inalis ang kamay nilang magkahawak. "Sige maiwan ko muna kayo." Wika ni papa.
Agad tumayo si Tita Kira at niyakap ako. "I miss you Kath. Look at you, ang ganda mo na lalo, lalo karing naging sexy despite of your- being a single mom." Wika nito, bait baitan, tang*na alam ko ang lahat noh! halatang may panglalait ang huli nitong sinabi. Napangiti ako at binalik ang yakap na binigay nito.
"I miss you too Tita. Atsaka tignan mo tita oh- wala ka paring pinagbago.. maganda at sexy ka parin." Saad ko na ikinangiti niya kaya mas lumapit ako sakanya at bumulong "Wala ka paring pinagbago- mang-aagaw ka parin. But look, despite of being a husband stealer for many years, nagwagi ka at di lang nagwagi malapit ka naring i-kasal." Bulong ko, at ramdam ko naman ang paghigpit ng hawak niya sa damit ko.
Bumitaw siya sa pagkakayakap namin at iniharap ako at nginitian. Mahigpit parin ang hawak niya saakin. "Ano kaya, kung malaman ni Xander na may anak kayo?" Prangkang wika nito kaya napangiti ako.
"Ano rin kaya kung malaman nila yung sikreto mo na..... ikaw ang dahilan ng ina-akala nilang pagkamatay ko. Hala attempted murder yun." I said in a humorous way. Kita ko ang paglaki ng mata nito, ramdam ko rin ang pagluwag ng hawak nito.
"Don't you worry Tita, itatago ko yun lahat as long as itatago mo rin ang sikreto ko." Wika ko sabay ngiti at alis sa mga kamay niyang nasa balikat ko at umupo. Sakto naman ang dating ni papa.
"Anyare sayo, Kira?" Tanong ni papa kay Tita Kira. Napalingon naman ito at ngumiti ng ngiting na-iilang.
She shrugged "Wala wala." Wika nito sabay upo sa tabi ko.
---- Edited: 02-17-2020
BINABASA MO ANG
That Game Started With A Lie [COMPLETED]
RomanceDedicated to Ms. @SarcasticPsyche [Tagalog-English] (Cliches (af) ahead, not yet edited) PLAGIARISM IS A CRIME [BOOK COVER IS NOT MINE. BOOK COVER IS CREDITED TO THE RIGHTFUL OWNER] Story by: little_clerick Date Started: June 1, 2018 Date Finished:...
![That Game Started With A Lie [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/136349979-64-k922385.jpg)