That Game 24:

65 7 0
                                        

Alistaire's pov.

"So, hindi lang yun yung nais kong sabihin." Lahat kami napunta ang pansin kay ma'am Rebecca.

Nag bulong bulong ang mga ibang nandito. Ano nga kaya.

"So? Hmm-meron dapat tayong iprepresent sa mangyayaring program. So? Sino ang gustong mag-present?" sabi ni ma'am Rebecca kaya mas lalo silang nag bulungan.

"I think, Ria can do it" napatingin kaming lahat sa nagsalitang si Eric.

Agad na tumingin silang lahat saakin. At agad din naman akong umiling.

"Ma'am, wag niyo po akong isali diyan" natatawang tanggi ko.

"Ma'am, kung ano pong gusto niyong mangyari basta't ang representative natin si Ria, gagawin kong lahat" sabi naman ni Eric. Gago ba siya?! Walang papalakpak sakin kung magkakaroon ako ng intermission.


"Don't you believe in yourself?" Bulong nito saakin. "Kung wala, mag tiwala ka saakin dahil alam kong kaya mo" sabi uli nito.

"Okay" saad ni Ma'am Rebecca. Kaya halos lahat sila nag aangalan na.

Kasalanan to ni Eric eh!

----------

Hanep! Wala na akong halos lakas. Malaman mo ba naman na ikaw na nga ang sasali halos pa-praktesin nila ako ng walang break dahil next week na daw! Hayop! Buti na nga yung exo concert malayo pa! Tapos ngayon mag-cucut pa ako ng classe ko para lang sa operation na sinasabi ni Eric.

"Alistaire" napalingon ako sa tumawag saakin. Isa pa to eh! Siya ang nagtulak saakin sa kahirapan na to eh!

Lumapit siya saakin. "Let's go" sabi nito. Ipupunta niya raw ako sa derma! Diba! Ipupunta niya din daw ako sa salon, bahala siya!

Nasa loob na ako ng sasakyan niya pero hindi parin ako umiimik.

Ano na kayang nangyari kay Xander? Buong umaga ko siyang hindi nakita eh. Uyy walang malisya ah!

"Ba't antahimik mo?" Napalingon ako kay Eric.

"Nakakainis ka kasi, dahil sayo nandito ako sa sitwasyon na to" sabi ko kaya naman natawa siya. Ang cute nung tawa niya pramis!

"Bakit ba hindi ka kasi naniniwala sa sarili mo? I know you're pretty, trust me." sabi nito. Omg! Nag drudrugs ba to?

"Haha baliw ka ba? there's no hidden beauty, nakakita ka ba ng pandak diyan na nagsasabing may hidden height sila?" Sabi ko na mas ikinatawa niya. Kanina pa to tawa ng tawa ah! Ginagawa niya ba akong clown?

Ahy si papa pala. Agad kong kinuha yung phone ko sa bag ko at tinawagan si papa para sabihing hindi ako makakapunta ngayon.

------------

Alexander's pov.

Bakit ba sa tuwing may lakad ang barkada namin kasama tong Ashley na to? Come to think of it, alam kong gusto niya ako pero nandito yung boyfriend niya.

Napatingin ako sakanya, hindi ba siya naiilang? Na kasama niya yung boyfriend niya pero ako yung tinititigan niya?

"I'll go first." sabi ko sabay tayo. Hindi ko kayang makasama yun, puputok na ata ang ulo ko.


"Ang KJ mo na talaga Xander. Di parin ba kayo nag babati ni Drew?" Hindi ko pinansin yung sinabi ni Rayian at umalis na tuluyan.



"Hey" napahinto  ako sa paglalakad. "Iniiwasan mo ba ako?" Napalingon ako. Tang*na nagawa mo pang mag tanong.

"What do you think?" Sabi ko sabay lapit kay Ashley.

"Kung sinisisi mo pa rin ako sa mga nangyari kay Ria nun, sinasabi ko sayo wala akong kinalaman dun. Can't we be civil?" Sabi nito kaya napangisi ako.

"Be civil? I'm trying to be civil with you, pero ang kulit mo. If I say I don't like you, I don't like you" mahinang bulong ko. Paalis na sana ako ng may maalala ako. "By the way, don't talk about what happen to Ria" sabi ko at mas lumapit pa. "you're making yourself look defensive " saad ko at tuluyan ng humakbang palayo sakanya.

"Is that Ria" napahinto ako nang magsalita si Ashley.

Nilingon ko siya at tinignan kong saan siya nakatingin.

"Look, it's not only you who fell for that innocent yet seductive part of Ria, kahit si Eric... oh. Kaya tumigil kana, Xander... para kay Ria lahat kayong lalaki pare-pareho at-"

"Stop it!" Sabi ko kasabay ng paghawak ko ng mahigpit sa braso niya.

"Don't say something like that" wika ko. Ngunit napasunod ako sa kanya ng biglang pumunta siya sa direksyon nila Ria.

Bull sh*t

-------

Alistaire's pov.

"Ms. Uhmm- nag susuklay ka manlang ba?" Tanong ni kuya este ate! Ah ewan. Basta yung nag aayos sa buhok ko.

"We have money for that" sabi naman ni Eric na ngayon ay nag babasa ng magazine. Hindi ba siya nagugutom? Kanina pa ako nagugutom eh!

After many many years natapos  rin.

Hayst.

"Tara na" saad ni Eric pagkatapos niyang mag bayad.

"Saan?" Tanong ko.

"Sa derma" saad naman nito.

"Ahm- 3 na kaya ng hapon. Di ba pwedeng kumain muna?" Tanong ko.

Napangiti ito at agad na pinisil ang ilong ko. "Okay, okay." Grabe bess, maka-pisil 'to kala mo sobrabg close namin ah!

"Aray ko naman!" Sabi ko.

"Eric? Ria?" Napalingon kaming pareho. Bakit nandito si Ashley? At kasama niya si Xander?!

"Are you two, dating?" Malapad na ngiti ni Ashley.



---------- Edited: 02-09-2020

(A/N): CONGRATULATIONS CATRIONA GRAY! For winning the crown! We love you!

That Game Started With A Lie [COMPLETED]Where stories live. Discover now