That Game 28:

55 8 0
                                        

Alistaire's pov.

*yawn* *yawn*

Yes! It's Sunday!

"Ria, anjaan si Xander" napalingon ako kay tita.

Anong ginagawa niya dito? Ang aga aga eh!

"Tita, nasaan po si mama?" Tanong ko.


"Ah kakaalis lang niya." Sabi naman ni tita.

"Ah sige po. Thank you po tita" sabi ko kasabay ng pag-alis ni tita.

-----

"Ang aga naman" wika ko agad ng makalabas ako sa bahay.

"Gusto kasi kitang makita agad" sabi naman nito.

:o ang corny ng taong to!

Napangiti naman ako.

"Ano ngini-ngiti mo diyan? Hindi ka naniniwala?" Sabi ni Xander na ngayon ay Magkasalubong na ang kilay.

"Tignan mo naman kasi, sinong maniniwala na si Xander ang corny na" wika ko kasabay ng pagpipigil ko ng tawa. Na ngayon ay naka poker face parin si Xander.

Ano kayang binabalak nito. Agad naman itong napalapit saakin kasabay rin ng paghakbang ko patalikod.

Pareho namang nanlaki ang mga mata ko ng bigla niya akong hinawakan sa mukha at halikan sa noo.

*Dugdug* anyare? Anong ginawa niya?

"Halika na, mamaya ka na kiligin" agad naman akong napalingon sa confident na confident na si Xander habang nakahawak ito sa pintuan ng sasakyan.

------

"San mo gustong pumunta?" Tanong ni Xander.

"Sine?" sagot ko naman. At binagyan naman ako ni Xander ng weird na look. Ano iniisip nito?

"Ano pong gusto niyong panuorin?" Sabi ng babaeng nag titinda ng ticket. Ano iniisip ng puffer fish na babaeng to?!

"Miss, may problema kaba saakin?" Tanong ni puffer fish. Umiling ako at ngumiti.

"Ah wala." Sabi ko sabay lapit kay Xander "Babe, ayoko ng romance ah" sabi ko kasabay ng ngiti ko doon sa babae na halatang gusto akong balatan ng buhay. "Bibili lang ako nang pagkain" dugtong ko sabay alis.

Hahaha bahala ka diyang manggigil saakin puffer fish!

-------

"Tara" sabi ko matapos akong bumili ng pagkain at makita sa entrance si Xander.

"Ano papanuorin natin?" Tanong ko.

"Annabelle, home coming." sabi naman ni Xander kasabay ng paglaki ng mata ko.

"Really?" Tanong ko sabay ng unting talon.

He nodded. Kasabay ng paglitaw ng mga ngiti sa labi niya.

"Anong nginingiti mo diyan?" Tanong ko. Agad naman niyang pinisil yung ilong ko.


"Ang cute mo kasi" komento niya. At napangiti narin ako. "Especially when you're jealous" dugtong nito kasabay ng paghawak niya sa kamay ko.

Anyare? Anyare?

Pagkaloob na pagkaloob palang namin, andami ng tao. Sabi kasi nila maganda daw talaga.

------

"You love the story that much?" Kaasar! Kanina pa siya daldal ng daldal. Kaninang nagsimula yung panuod, nagsasalita na siya tas hanggang ngayon! Grrrr!

"Gus-" di ko na siya pinatapos, at agad ko siyang tinignan.


"Ooops. I'm sorry" sabi nito sabay tawa. Nagawa niya pang tumawa kapag di ako nakapagpigil, ay ewan ko lang!


"Manahimik kana kasi!" Mahinang sabi ko pero halata na galit na.


Tumawa lang ulit ito sabay pisil sa pisngi ko. "You're really cute" Goshh grabe naman. Wag niyo na siyang pangitiin tinutunaw niya si hart hart eh.

"Bahala ka nga diyan" sabi ko sabay tingin sa panuod kaso wha.... wrong move. Nakaramdam nalang ako na may humawak sa braso ko sabay hila. Napapikit ako, at kasabay nun ang pakiramdam ng parang may butterflies sa tiyan ko. Kainis naman kasi eh, I love horror movies pero grabi kakagulat, sobra!


Siguro wala naman na noh. Napamulat na ako ng mata at mas nagulat sa nakita. Magka-dikit ang aming mga noo. First time ko to eh!

Agad akong napahiwalay ng imulat rin niya ang kanyang mga mata.

Ngumiti siya.....

"Hoy, hindi ko ginusto yun ah" depensa ko agad.

"I didn't say a thing" sabi naman nito.

"Sinungaling" bulong ko sabay tingin sa screen.

Siguro napapaisip kayo na.... bakit nga ba ayaw kong ipaalam kay Xander at sa iba na ako talaga si Sia.... alam kong iniisip niyo na ang babaw ng rason ko, hindi lang naman yun eh. Ang totoo niyan, nung maalala ko lahat, napagalaman ko na alam ko pala na si Tita Kira pala ang nag pa-sagasa saamin. Si Tita Kira? Siya yung kaibigan ni mama na-. Tinuring ko nang pangalawang mama si Tita kaya ang hirap isipin na siya pala. At ito lang ang alam kong paraan dahil masaya si papa sakanya, at para maligtas ko rin ang sarili ko at si mama sakanya. Tang*na sakit lan-

Hala! Napalaki naman ang mga mata ko. Hinila ako ni Xander paharap sakanya.

"Why are you crying?" Seryosong tanong ni Xander kaya para naman akong binuhusan ng malamig na tubig. Paano niya nalaman na umiiyak ako?

"Wala. Nakakaiyak kaya" palusot ko naman sabay turo doon sa screen.

"You're lying." Sabi ni Xander sabay punas sa mga luhang galing sa mata ko. "Pero naiintindihan ko kung hindi mo sasabihin saakin dahil hindi kapa handa pero andito ako para makinig sayo kung handa kana." Sabi ulit ni Xander sabay ngiti.


------ Edited: 02-09-2020

That Game Started With A Lie [COMPLETED]Where stories live. Discover now