That Game 46:

68 7 0
                                        

(A/N: for better reading you can listen to the song: I Need You More Today.)

Sia's pov.

"Please go back to my life..." napatingin ako kay Xander.... bakit ba ang layo ng bahay namin? Ang lakas din ng ulan. "I need you." Agad akong napaiwas ng sabihin niya ang mga katagang yun.


Bakit nung kailangan ko siya, nandiyan ba siya? Nung napahiya ako sa lahat, nandiyan ba siya? Nung pinagbuntis ko at ipinanganak ko si Alexia, andiyan ba siya? Diba wala.... wala!

Lahat ginawa ko, yung 4 years na yun inisip ko na hindi na pwede ibalik, dapat pag nagkita kami wala na.... wala na akong nararamdaman sa kanya pero, tangina wala eh! Lakas din nang pagiging marupok at pagiging tanga ko pagdating sakanya. Absence makes the heart forget, pero saakin iba eh Absence makes my heart grow fonder.


Tama na nga.... oo mahal ko parin siya, pero hindi ibig sabihin na mahal ko siya kakalimutan ko ang mga nangyari dati at magiging marupok ulit.....


"Xander, just give it up. Kung anong meron saatin noon at kung anong natapos noon, hanggang doon nalang." Saad ko kasabay ng patulo ng luha ko na agad ko rin naman pinahid. "Live your life and I'll live my life too. Let's face the reality, na matagal ng tapos at hindi na yun babalik." Dugtong ko pa sabay baling sakanya at nagbigay ng mapait na ngiti.


"How could I live my life, if you're my life... yet I don't have you." Sagot naman nito sabay ngiti rin ng mapait pero hindi parin lumilingon saakin, at nakatutok parin siya sa daan.


"Mali ka Xander, na gi-guilty ka lang sa nangyari 4 years a-" hindi niya ako pinatapos sa aking sasabihin.


"Lagi nalang bang ganyan? Lagi mo nalang ina-underestimate ang pagmamahal ko sayo." Saad ni Xander, at sa hindi ko malamang dahilan bigla nalang akong nainis. Paulit ulit nalang kami sa ganito. Can't we be civil?!


"Then, what is your reason why you're coming back to my life, now?..... Ah alam ko na... Just because, nalaman mo na yung Alistaire na niloko mo, yung Alistaire na pinahiya ninyo, yung Alistaire na pinagpustahan ninyo, yung Alistaire na inuto ninyo, ay yung Ex-girlfriend mo na si Sia? Ganun ba?!" Sigaw ko kaya bigla niyang inihinto yung sasakyan sa gilid. Tangina sinasabi ko na, magsusumbatan nanaman kami dito.



"Yun ba ang iniisip mo Ria?.... Hindi kita sinusuyo ngayon dahil nalaman kong ikaw si Sia.... Mahal kita! Yun yung dahilan ko ngayon! Mas minahal kita bilang Ria at hindi Sia....." wika nito sabay hampas sa manubela. Halata ang galit sa aura niya.


Agad kong binuksan ang pintuan ng sasakyan niya at dali daling lumabas. Wala na akong pakealam kung umuulan, wala na akong pakealam kong wala akong masakyan, wala na akong pakealam kung mabasa ang lahat ng binili ko... I can afford to buy another.



Nakakailang hakbang palang ako ng biglang may humigit sa braso ko at agad kong naramdaman ang pag-lapat ng aming mga katawan ng yakapin ako ni Xander.... To be in his arm is my home but I think I should stop and just wreck this home of mine. Hindi na kami pwede.



Agad akong nag pumiglas sa kanya ngunit ang higpit ng kanyang yakap. Agad naglandas ang mga luha sa mata ko.... Umuulan parin kaya hindi halata ang pag-iyak ko ngayon....



"I'm sorry" bulong nito. Hanggang saan Ria? Hanggang saan mo kayang patawarin siya? Kasi tangina naman eh, isang sorry lang niya pinatawad mo na agad, kahit hindi pa nga siya humingi ng tawad napa-tawad mo na.


-----

Napatingin ako sa isang kanto ng bigla kaming nag turn over. Malapit na kami sa bahay.... simula kaninang mag-sumbatan kami at nung matapos siyang humingi ng tawad, hindi na kami nag-usap.


"Thank you." Wika ko ng mapag-tanto na nasa labas na pala siya at bahagyang nakahawak sa pinto ng sasakyan para makalabas ako. Kanina pa pala kami nakarating.

Ngumiti naman si Xander.... sa kanyang mga ngiti bakas parin ang pagka-lungkot. Na-mimiss ko na yung mga ngiti niyang puno ng saya.

"Gusto mong pumasok?" Tanong ko sakanya... nakakahiya naman kasi kung sasabihin kong 'sige uwi kana'.


"Hindi na. Okay na saaking nakita kitang naka-uwi ng ligtas." Saad nito. Kaya tumango nalang ako at ngumiti.



"Sige una na ako.... Ingat ka sa pag-uwi mo." Saad ko sabay bukas sa gate.


------- Edited: 02-18-2020

(A/N: hayst medyo malayo layo pa ang byahe natin papunta sa wakas, kaya kapit lang mga pare! :) )

That Game Started With A Lie [COMPLETED]Where stories live. Discover now