That Game 35:

71 9 3
                                        

Alistaire's pov.

"Anong sabi niya? Kinausap mo ba siya ng maayos?" Tanong ko ng dumating si Eric kaso bigla namang natutop ang bibig nito at sabay tumango-tango.

"Ria..." he called. Mukhang ayokong marinig ang kanyang sasabihin.

"Hushh." Bulong ko para pigilan siyang magsalita. Ayoko, ayokong marinig ang mga iniisip ko ngayon.

"He don't deserve you" wika nito kasabay ng pagbagsak ko sa sahig.

"No... no" wika ko kasabay ng pagtayo ko at paglabas sa loob ng bahay kaso naabutan niya ako at agad napigilan umalis.

"I need to see him, probably he didn't mean it." Wika ko.

"Kathrylle" pare-pareho kaming napalingon sa tumawag saakin. Si papa.

"I'm sorry Sir, but she's Alistaire.." wika naman ni Eric.

"I'm sorry Eric, but Alistaire is Sia Kathrylle." Sabat naman ni mama. Nasalikod ko na pala siya.

Bigla namang natutop ulit ang bibig ni Eric dahil sa narinig at bahagya akong tinignan ng may mga matang pag-tatanong. Napayuko nalang ako.

----

"Are you okay now, darling?" Mahinahon na tanong ni papa. Unti-unti akong tumango pero hindi sumangayon ang mga luha ko kaya lumapit siya saakin at niyakap ako. Si mama naman nandoon sa kusina kasama si Eric at pinapaliwanag niya rito kung bakit nangyari ang mga bagay-bagay na ito.


---------

Eric's pov.

"Uminom ka muna ng juice" wika ni tita Megan. Kinuha ko naman ito pero inilapag ko lang ulit. I don't know, pero ang gulo talaga. Paano naging-? Hayst.

"Sia Kathrylle Mendez and Alistaire Fown ay iisa. Naaksedente kami dati na naging dahilan para mawala ang ala-ala niya. Hindi ko pinaalam dahil may rason ako. At hindi nagtagal naalala rin niya. At dahil doon wala na akong rason para itago sakanya at sa iba ang lahat. Pero ng malaman niya itinago niya ang lahat na siya si Sia, maging kay Xander. Alam kong may rason ang anak ko....." napasinghap ako, ganun pala. Pero- ano kaya yung rason ni Ria?

"Tita.. hindi ka po ba galit kay Xander?" Napasinghap ako. Ano ba Eric. Problema nila yun!

Ngumiti ng bahagya si Tita Megan.

"At the same time- oo, at hindi rin. Alam ko naman na mangyayari to. Dahil alam kong mahal parin ni Xander si Sia, na si Ria naman talaga" wika ni tita sabay tawa bago tumuloy sa sasabihin pa nito. "Ang gulo pero... alam kong merong rason si Xander sa ginagawa niya, pero ina parin ako. Masakit saakin na nakikita kong nagkaka-ganyan ang anak ko."

"Tita. Maraming salamat po dahil sinabi niyo saakin ang lahat ng to" wika ko naman.

"Walang anuman, pero yun lang ang mga kaya kong sabihin sayo dahil ang iba problema na namin." Saad naman ni tita sabay alis.

Sobra na ba ang mga tinanong ko? Did I crossed the boundaries?

-----

Alistaire's pov.

Ilang oras na ang lumipas, hindi parin umalis si Eric sa tabi ko. Kahit alam naming pareho na may pasok siya at may training siya, pero ipinagpaliban niya para saakin. Kahit ako na wala namang ginawa kundi ang mag-tunganga at umiyak.

That Game Started With A Lie [COMPLETED]Where stories live. Discover now