That Game 45:

71 8 0
                                        

(A/N: for better reading you can listen to the song: You were mine by: dixie chicks)


Ashley's pov.

"Ashley, dahan dahan." Wika ni Brianna sabay pigil sa kamay ko na nakahawak sa tequila.


Napsinghap ako.... I want to kill her! After all those years, babalik siya?!


Tinabig ko ang kamay ni Brianna at hindi nag-paawat at ininom ko ang tequila.



"One more please." Wika ko sa bartender. Dapat di na siya bumalik! O kaya bumalik siya kung kelan kasal na kami ni Xander! Lahat ginawa ko. Halos ibigay ko ang katawan at kaluluwa ko kay Xander para mapunta siya saakin, pero kahit ganun..... kahit ibigay ko sakanya wala parin! Kayang kaya ko ibigay lahat pero, tangina lakas ng tama ni Xander sakanya!


Agad akong napatayo at nakaramdam naman agad ako ng hilo.....


"Ashley you're drunk. Let's go home." Saad ni Brianna sabay hawak sa braso ko pero agad ko rin siyang tinulak palayo saakin... kailangan ko ng libangan para makalimutan tong lahat ng to, kahit ngayong gabi lang.


Agad akong pumunta sa dance floor at nakisayaw kahit kanina nakakaramdam na ako ng pagkahilo.... nakaramdam ako ng presenya sa likod ko.... "Babe, I've been watching you all the time, you look hot as hell. Come with me and let me take you to heaven." Wika nito, agad ko rin naramdaman ang paghawak niya sa pwet ko. Tangina.


Haharap sana ako sakanya para sapakin ng makaramdam ako ng hilo, I never been like this..... ilang beses na akong nag-babar ilang beses na akong uminom ng kahit anong alak pero bakit ganito ang tama sakin ngayon?




Nakaramdam ako ng sobrang pagkaantok at kasabay nito ang paghawak ng lalaki sa iba't-ibang parte ng katawan ko.

-----

Sia's pov.


"Ms. Mendez, check this patient's x-ray na nanggaling sa ibang hospital, parang may mali eh." Agad akong napalingon kay Ma'am Veronica na may hawak na mga form.


"Sorry kung pinapagawa ko to sayo, despite of marami kang patient. Wala kasi si Ashley." Saad ulit ni ma'am Veronica kaya tumango tango nalang ako. Bakit kaya wala siya? Huy Ria! Pakealam mo naman?



"Ms. Veronica, ito na yung result ng isang patient." Napalingon ako kay Xander... why so handsome? Uyy tangena! Pinagsasabi mo Ria? Tama na ang pagiging marupok noon!


"Oh thank you Alexander. Wow, ang ganda naman ng bouquet na yan....Sige mauna na ako sainyo." Saad ni ma'am Veronica sabay alis.

Tangina ang awkward! Hanggang ngayon bakas parin sa pagiisip ko ang nangyari kelan lang.... nang tanungin niya saakin kung sino si Alexia, at bakit siya naging anak ko.... at dahil sa stupid na rason.... sinabi kong ampon ko siya pero tangina kamukhang kamukha ni Alexia si Xander buti na nga saktong pumunta sila tita Kira at sinabi niya kay Xander na ampon ko lang talaga si Alexia.... grabe si tita nagawa niya pang sabihin na, kung gusto daw ni Xander, tignan daw nito yung papers ni Alexia..... buti na nga nakuha siya sa ganun! Hindi ko na alam ang gagawin ko nun.




"Oh hi!" Sabi ko sabay baling kay Xander... "bakit pala absent yung fiancé mo?" Tanong ko sabay ngiti ng malapad.


"Wala akong fiancé." Malamig na wika nito.


"Halerrr! Fiancé mo kaya si Ashley." Taena nagmumukha akong bitter dito.


"She's not my fiancé.." saad nito sabay lapit saakin... sa tenga ko, "Kung magkakaroon ako ng fiancé, ikaw yun." Dugtong nito kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko.... sabi nila absence make your heart forget pero bakit.... tanginang to oh! Naging absence makes your heart go fonder.


Napalingon ako sakanya ng bigla niyang ilagay sa kamay ko ang bouquet.


-------

Hayyyst what a day! Agad akong napakalkal sa bag ko para hanapin ang phone ko nang matawagan ko na si manong..... gabi na eh. taena, nasaan yung phone ko?!


Saan ba ako pumunta kanina? Hala! Sa CR ko ba yun naiwan? Sa Hospital ba? Sa resto na pinuntahan ko ba? Sa mall na pinagbilhan ko ng light stick? O baka naman sa sasakyan? Sa taxi?


Shit! Napatingala ako ng makaramdam ng tubig.... uulan ata! Hala napalinga linga ako nang makakita ako ng waiting shed, agad naman akong napatakbo doon.

Malayo to sa hospital eh! Bumili kasi ako ng light stick namin ni Alexia para sa concert ng twice tapos nagpababa ako dito sa isang street para magpasundo at tangina talaga! Wala pa akong payong!


Napatingala ako ng maramdaman parin ang pagpatak ng mga ulan, puta kung minamalas ka nga naman! Sira pala tong bubong ng waiting shed eh!


Agad akong napayakap sa sarili ko at sumiksik sa gilid nang lumakas ang ulan. Ano ba! Masisira yung light stick dito sa bag ko!


*peep*

Napabaling ako ng makarinig ng busina. Agad din namang lumabas ang may-ari ng sasakyan at si tadhana nga naman! Tama ang aking hinala! Si Xander!


Agad siyang lumapit saakin at pinayungan ako.


Kinuha ko sakanya yung payong. "Sige thank you sa payong.... pwede ka nang mauna. Balik ko bukas." Wika ko, pero hindi niya ako sinumbatan kundi inalis niya yung sport coat niya sabay patong saakin, at first syempre tumatanggi ako pero in the end wala rin akong nagawa.



--------

"Bakit nag-iisa ka dun?" Napabaling ako sakanya.


"Ah naabutan kasi ako ng ulan at yun lang ang masisilungan.... ibaba mo nalang ako sa terminal." Wika ko sabay tingin sa labas.


"Ihahatid na kita sainyo. So please don't be stubborn." Sabi naman nito kaya napatikhim nalang ako.

Grabe nakaka-miss rin palang maramdaman ang ganito kalapit sakanya. Grabe yung pinagbago niya, hindi na siya yung dating childish na Xander... he's more mature right now..... maganda sana ang pagbabago kaso, mature na nga siya ngunit hindi na siya ngumingiti, kahit isang beses lang.

——Edited: 02-18-2020

That Game Started With A Lie [COMPLETED]Where stories live. Discover now