Ashley's pov.
Now I know. Kaya naman pala lapit ng lapit si Xander kay Ria ay dahil napagpustahan siya. Right, mapapanatag na ako na hindi talaga gusto ni Xander si Ria, wait no! Wala naman talaga mag kakagusto kay Ria noh!
———————————
Alistaire's pov.
Napamulat ako ng makarinig ng napaka-lakas na tugtug.
Hummp. Sana maganda ang araw na to saakin. Because it's my birthday. Hahaha happy birthday saakin.
By the way.. sino nag papatugtog ng Tempo ng Exo?
Bumalikwas ako mula sa kama at pumasok sa banyo. Malas naman mas maganda sana kung walang pasok ngayong birthday ko.
Pagkalabas ko ng banyo agad narin akong bumaba.
"Happy birthday anak" saad ni mama. Napangiti ako. Si mama pala nag papatugtog ng Tempo eh.
Napatingin ako ng may iabot siya saaking box.
"Ano to mama?" Tanong ko. Ano kayang nasa loob?
"Malamang box" sabi ni mama sabay ng pagikot ng mata niya.
"Pilosopo ka mama" sabi ko sabay ng pagsilay ng napakalaki na ngiti sa mukha ko.
"Buksan mo na" wika ni mama sabay ngiti.
Pagkabukas ko, di ko maiwasang maiyak.
Light stick ng Exo Ver. 3.0
Pinag iipunan ko eh. Hindi naman ganito ka-supportive si mama. Pero ngayon.
Napayakap ako kay mama.
"Thank you ma." Saad ko sabay alis sa pagkakayakap ko sakanya.
"Pero-" sabi ko na nag-pakunot ng noo ni mama.
"Pero ano?" Tanong ni mama.
"Dapat sinobrahan mo na ma, dapat may pa concert ticket narin" sabi ko sabay ngiti.
"Aba, abuso ka" sabi naman ni mama sabay tawa at hampas saakin. Kita mo, grabe talaga si Mama!
"Sige na kain kana para makapasok ka na" bawi ni mama sabay hila saakin sa lamesa.
"Mag hahanda ako mamaya. I-invite mo si Ashley ah" oo nga pala, di alam ni mama na hindi na kami friend ni Ashley.
"Ah sige. Tayo nalang dalawa. Kaya mo namang ubusin eh" napasimangot ako sa sinabi ni mama. Ako? Kaya kong umubos ng madami? Talaga lang ah!
"Yang nguso mo ang haba. Sige na, kain na" anyaya ni mama kaya umupo na ako at kumain.
——————————
"Okay class... Dismissed" yan talaga ang paburito ko sa lahat ng sinasabi ng prof everyday.
"Uyy pangit" yan nanaman siya. Ano nanaman ba Xander? "Kain tayo" dugtong niya. Ba't ba ang gutumin nito? Ano kayang nilalang ang nasa tiyan niya?
Napabaling kaming lahat ng may nag sisigawan at nag tatakbuhan
"Nakita mo ba bie? Ang gwapo talaga ni Eric at di lang gwapo ang galing na nga mag basketball may talent pa" -isa sa mga kaklase ko
"Of course, freshman palang tayo sinusubay bayan ko na yan. Gwapong papable" saad naman ng kausap nito.
Eric Alvarez, neurology department. Yups gwapo siya ang hot para siyang isang korean celebrity.
"Anong meron?" Tanong ng bagong dating.
"Nanalo kasi sila kahapon. Nayon may pa concert si baby" -isa sa mga kaklase ko.
"Ma silip nga" sabi ko at nag lakad na papunta sa maraming tao.
"Hoy pangit san ka pupunta" pagtawag naman ni Xander. Hmmp bahala siya diyan.
Ang galing pala talaga kumanta ni Eric! Nakakainis lang ang ingay eh.
Kinakanta niya yung She will be loved
"Ang galing" I murmured
"Yan ba ang batayan ng magaling sayo?" Sabi naman ng nakasunod na si Xander. Ano bang lahi nitong abno na to? Andami niyang issue sa buhay!
Bumaling ako sa abno kong katabi.
"Oo, bakit?!" Sabi ko. Na halos hindi marinig dahil sa lakas ng sigawan.
Makakita ka ba naman ng lalaking matalino, gwapo, magaling kumanta, sporty, di ka ba kikiligin? Aba oo na! Kahit din ako eh!
"Tskk! Kahit laban pa kami ngayon. Ano bang gusto niya? Racing kami? O bugbugan?" Tanong nito.
Tumingin ako sakanya, yung napakasakit!
"Diyan ka magaling eh." Sabi ko naman at umalis. Kasabay rin ng pagtapos ng kanta.
Habang nag lalakad ako bigla nanaman sumulpot si Abno sa harap ko. Ewan ko kung bakit abno tawag ko sakanya, tinatawag niya kasi akong pangit eh!
"Uyy pangit, galit ka ba?" Tanong nito.
Ba't ang kulit niya? Masungit tong lalaking to eh, bakit ang kulit niya ngayon?
Imbis na pansinin ko siya tinignan ko lang siya at umiwas para makalakad na.
"Uyy" tawag niya na agad din nakahabol.
Hindi naman ako galit sakanya. Okay lang din na di niya alam birthday ko.
Napalingon ako ng maramdaman ang kamay niyang humawak sa braso ko.
"Hmm- paano ko ba sasabihin to" He murmured.
"Happy birthday. Bahala na kung ano isipin mo, kung isipin mong stalker ako, bahala ka" sabi ni Xander na ikinagulat ko.
Hindi ako makasagot sa sinabi niya.
"Ahem- sorry. Birthday na birthday mo iniinis kita" sabi ulit nito. Napangiti ako. Ang cute niya, lalo ng mag sorry siya.
"Umm- basta- happy birthday nalang uli" sabi niya sabay lagay sa palad ko ang isang maliit na envelope
Ano kaya to?
Agad kong binuksan kung ano laman ng envelope.
Omg!
Napahawak ako sa bunganga ko.
"I just thought you'll like it, kung yung iba jewellery ang binigigay nil-" hindi ko na siya pinatapos.
"I don't like it, I love it" sabi ko sabay yakap sakanya.
"Opps sorry" saad ko ulit.
"Pero sino kasama ko?" Tanong ko.
Grabe Ria ah! Binigyan ka lang ng exo concert ticket, naging madaldal at mabait kana!
"Ako?" Patanong na wika nito nang nakangiti sabay pakita ng concert ticket niya.
Napangiti ako lalo! Sasamahan niya ako! Eh ayaw niyang pumupunta sa madaming tao.
Tapos VVIP pa binili niyang concert ticket!
"Xander! Tama na landian tara na may training daw tayo ngayon" pareho kaming napalingon ni Xander sa nag salita. Sila Brian (kasama rin si Ashley na todo simangot na ngayon).
Shet nakakahiya! Nakita ba nila lahat?
"Sige una na ako" sabi ni Xander bago umalis sa harap ko.
——————————- Edited: 02-06-2020
(A/N):
Ayeah! Malapit na sa mismong ———— secret!
YOU ARE READING
That Game Started With A Lie [COMPLETED]
RomanceDedicated to Ms. @SarcasticPsyche [Tagalog-English] (Cliches (af) ahead, not yet edited) PLAGIARISM IS A CRIME [BOOK COVER IS NOT MINE. BOOK COVER IS CREDITED TO THE RIGHTFUL OWNER] Story by: little_clerick Date Started: June 1, 2018 Date Finished:...
![That Game Started With A Lie [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/136349979-64-k922385.jpg)