Alistaire's pov.
"Ahhhhhh" grabe naman itong katabi ko, lalaki ba talaga to? Omg baka yun yung sikreto niya.
Pati lang kasi pagsakay sa surf dance, takot pa. nang-aya aya siya, tapos ngayon aayain niya akong umuwi.
"Sa wakas" agad siyang umalis sa kinauupuan niya, shit natatawa ako. Kakatapos lang kasi nung sakay namin doon halos malagutan na siya ng hininga.
"Hahahahaha" ayan di ko na napigilan.
"Hoy, ano tinatawa tawa mo diyan" saad nito, halata namumula siya.
"Wala, bilisan mo sa pagsusuka at sasakay ulit tayo sa star frisbee" masayang sagot ko.
"Stop it, you look like a kid" saad naman nito.
"At least, cute" saad ko pabalik.
"Hindi lahat ng bata cute, ikaw yung batang may Down syndrome" panunuya nito.
Hmmmp! Kainis. Napatingin ako sa star frisbee. Hahahahaha I have a plan.
"Hoy saan mo ko dadalhin" kinaladkad ko lang naman siya. "Hoy hindi ako sasakay, kung gusto mong sumakay ikaw lang" saad ulit nito.
"Tumigil ka nga Xander, para kang bakla" saad ko.
And in the end, wala siyang nagawa. Nakasakay na kami at humahanda na mag start na ang ride. Hahaha itong katabi ko naman busangot ng busangot.
"Ahhh" hahahaha nag start na naman siyang sumigaw sigaw.
Hala naka 2 minuto na kami at sobrang pula na talaga niya. Mukhang pagbaba namin dito, paos na to.
Hinawakan ko yung kamay niya, kahit na ano nang isipin ng iba, baka kasi mamatay to ako pa may kasalanan.
"Kaya mo pa?" Tanong ko
"Mukha bang natatakot ako" sagod nito. Hahahaha ang cute niya talaga, nag fefeel siyang matapang sabay roll eyes. Hahaha. "Atsaka, nakakadiri" saad nito sabay alis ng kamay niya sa kamay ko. Ang arte naman nito.
——————
"Hayst" nakababa na kami lahat lahat, tapos itong lalaking to umupo ulit sa bleachers sabay tungo, nasusuka siguro. Buntis ba siya?
Saan kaya masarap kumain?
"Halika" Ha?
Sa wakas tumayo narin siya at hinihila ako, haha pagkain sana!
"Akala mo bibili ako ng pagkain? Matapos mo akong pasakayin sa mga yun?" Saad nito sabay turo sa mga rides na nasakyan namin.
"Malamang inimbita mo ako rito, dapat pakainin mo rin ako" saad ko naman sabay pamewang.
"Tsk, balyena talaga" mahinang saad nito pero sapat na para marinig ko.
"Hoy ano sabi mo?" Maang maangan ko.
"Wala, tara na nga" sagot nito sabay hila saakin sa mga tindahan ng foods.
*yum* *yum* *yum*
Daming foods.
"Dahan dahan, mabulunan ka" saad nito sabay abot ng juice saakin, bawal daw soft drink eh.
Shit, oo nga pala anong oras na?
"Hoy pangit, mukha kang natatae" saad nito habang natatawa tawa.
Agad agad akong napatingin sa phone ko, lagot baka isumbong ako ni tita kay mama 6:27 na.
"Pwedeng— umm" hindi ko maituloy.
"Oo iuuwi kita sainyo wag kang mabahala. At ako rin mag eexplain sa tita mo" saad nito. Buti na nga hayyst— ay wait.
"Paano mo nalaman na tita ko ang kasama ko sa bahay ngayon?" Tanong ko. Sino ba naman ang hindi magtataka diba?
"Ugh basta tara na" saad nito sabay tayo. Kaya napatayo narin ako.
———————
Ba't wala akong matanaw na motor dito?
Nasa parking lot na kasi kami pero wala yung motor niya.
"Shit" napatingin ako sa nagmurang si Xander, bakit? Sinundan ko kung san ang tingin nito. Sino sila?
"Dito kalang sa likod ko" saad ni Xander, I really don't get it.
"Sabi na nga ba yung motor na yun ay sayo" saad ng unang lalaking lumapit saamin sabay turo sa sira sirang motor. Bali apat sila.
"Nag kita ulit tayo Alexander" saad naman ng pangalawang lalaki.
"Oh ba't di ka makapagsalita? Takot kana kasi wala kang kasama?" Saad ulit ng unang lalaki. Ano bang pinagsasabi ng mga to?
"Girlfriend mo?" Sabay turo ng pangatlong lalaki saakin. "Bagay kayo, mukha kayong Baliktad na Beauty and the Beast" pag palatuloy nito na natatawa tawa. Gago ka pala eh parang ang gwapo mo naman!
"Stop insulting her or else you'll die" matigas na wika ni Xander. Kay Xander ba talaga galing yun? Di kapanipaniwala.
Ito ba yung mga nakakaaway ni Xander dati? My goshh totoo nga na basag ulo yung barkada nila.
"Hindi ako takot sainyo kahit ilan pa kayo" saad ni Xander sabay dura sa harap ng mga lalaking mukhang nag shashabu.
"Gago nag papatawa ka talaga" saad nung unang lalaki at akmang susuntok, na nasalo naman agad ni Xander at sumuntok narin. Habang nasa sahig ang sinuntok ni Xander lumingon siya saakin.
"Tumalikod ka" saad niya sabay paikot saakin. At sinunod ko naman.
Pagkatalikod na pagkatalikod ko marami agad akong narinig na sigawan.
—————
"Hoy anong nangyayari dito" napatingin ako sa nakatingin saamin. Mga pulis. Nakatalikod parin ako.
Agad na may humawak sa kamay ko sabay hila saakin.
Dahil sa paghila saakin napaharap na ako, si Xander pala humila saakin. Habang tumatakbo kami, napatingin ako sa mga lalaki na nakaaway niya. Shit nagawa niya yan? Halos duguan at bogbog sarado sila lahat?
Napabaling naman ako sa kamay naming mag kahawak at may scene na dumating....
"Wag niyo akong aawayin" saad ng batang babae.
"Hahaha mag sumbong kana sa magulang mo dali" Saad ng mga batang nang aaway sa kanya.
"Hoy tigilan niyo nga siya" saad naman ng batang lalaki na bagong dating.
"Hoy Xander, wag ka ngang makealam" saad ng mga batang bully.
Hinila ni Xander ang batang babae sabay takbo. Nang makalayo sila huminto na sila sa pagtakbo at binigyan ng pagkain ni Xander ang batang babae.
"Ako nga pala si Alexander, ikaw?" Tanong nito.
"Ako si Sia" sagot naman nito.
Dahil sa pagkakita ko sa mga alala napahinto ako.
Shit nakikita ko talaga ang ibang nakaraan ni Xander at ni Sia loves niya!
Edited: 02-02-2020
YOU ARE READING
That Game Started With A Lie [COMPLETED]
RomanceDedicated to Ms. @SarcasticPsyche [Tagalog-English] (Cliches (af) ahead, not yet edited) PLAGIARISM IS A CRIME [BOOK COVER IS NOT MINE. BOOK COVER IS CREDITED TO THE RIGHTFUL OWNER] Story by: little_clerick Date Started: June 1, 2018 Date Finished:...
![That Game Started With A Lie [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/136349979-64-k922385.jpg)