That Game 18:

63 9 0
                                        

Alistaire's pov.

Pagkarating na pagkarating namin sa Ilocos nag asikaso kami ng mga gamit namin. Parang isang mansion yung tinutuluyan namin ngayon, isa sa pagmamayari nila Brian. Kaya pala alam ni Xander kung anong oras talaga kami makakarating. Hindi kasi ako masyadong nakinig sa pinagsasabi nila that day.

Lumabas ako ng makita ang mga bituwin "ang ganda" pabulong kong bigkas.

"I told you" napalingon ako kay Xander.

Napahinga ako ng malalim. Ang lamyo ng simoy ng hangin.

"Paano mo nalaman na ngayon ang isa sa magandang araw para bantayan ang mga bituwin?" I asked.

"Lagi kong inaalam kong kelan lalabas ang mga bituwing ito" as he pointed in the 7 stars called big dipper.

"Maybe it's too common, but I really like that stars" sabi niya sabay upo kaya umupo narin ako.

I guess wala talagang nag bago saakin. I still love everything I loved before, including him.

————————

Hupp. Ang lambot ng kama. Napabaling ako sa kabilang kama yup dalawa sa isang kwarto. Si Nikka ang kasama ko, isa sa classmate ko. Nakahiga rin lang ang peg niya sabay hawak hawak ang phone nito.

Oo nga pala si mama.

Pagka-on na pagka-on ko sa phone ko andaming missed calls tapos andami ring text. Gigil lang si mama?

I called her.

"Ma, I'm fine, okay" saad ko.

"Eh bakit nakapatay yung phone mo?! Sino kasama mo kanina?" Napalayo ako ng phone ko sa tenga ko, lakas maka eruption ni mama.

"Easy mother earth. Walang nangyari saakin. Nakatulog lang ako." Sige lang magsinungaling kalang!

"Sige. Lagi mo akong tatawagan o itetext ah!"

"Sige po, I love you ma. Babye" saad ko sabay patay ng tawag.

Inaantok na ako pero makapagbukas nga ng facebook.

Ba't andaming notifications?

Agad akong pumunta roon andaming bash na mababasang nakatag saakin. A tear fall from my eye. Tang*na bihira ako mag mura pero nakakainis na eh. Grabe naman sila, jina-judge nila ako ng wala silang kaalam alam, yun yung mga taong salot sa lipunan eh.

Napa-scroll down pa ako mas lalong pang lumandas ang luha galing sa mata ko ng makita ang mga pinag-eedit nilang mga picture ko na mas pinapangit pa nila. Pangit na nga yung tao diba?! Ba't kailangan pa nilang i-edit tapos ilagay sa nakahubad na katawan. At kung ano ano ang nakalagay.

'Uyy bagay sakanya, hipon! She's now really looks like a porn star' comment ng isa.

"Hey, are you okay?" Napatingin ako kay Nikka na ngayon ay tinignan kung ano ang tinignan ko.

"Wag mo ngang tignan yang mga yan" saad niya sabay back ng phone ko saka lang ibinalik saakin.

"Don't mind them, they are just immatures" she said as she comfort me with a hug.

Hindi kami close para yakapin niya ako. Pero thankful ako na nandito siya para i-comfort ako.

————————

"Wake up"

Napadilat ako ng mata ng may narinig akong boses.

"Bilisan mo at maligo kana. Mamaya maya aalis na tayo" saad ni Nikka na parang bata na excited na excited.

I smiled before I ran to go to the bathroom.

_____________

We go to vigan heritage village. Ang ganda yung mga lumang bahay, grabe ang ganda talaga. Halos mapuno yung storage ng phone ko.

Sinunod naming pinuntahan ay sa Adventure Zone.

Wow!

"Uyy Xander, sakay tayo sa zip line" yup katabi ko siya. Ewan ko nga bakla naman na ata to, bihira na niya makasama mga barkada niya. Napalingon lingon ako, tama nga siya lahat ng barkada niya puro landian ng mga girlfriend ang ginagawa.

Si Drew naman naka holding hand kay Ashley. Good for them.

"Uyy Xander, sakay tayo" agad naman siyang namula.

"Uyy okay kalang?" Takot ba siyang sumakay?

"Ikaw nalang mag-isa mo" he said tapos walk out.

Haha I have a plan.

"Halika dito." Saad ko sabay hila sa kanya papunta sa head quarter ng zip line.

At in the end wala siyang nagawa.

"Takutin" saad ko habang hinihintay na kami na.

"Ako? Takot? In your dreams" saad nito sabay halukipkip.

"Eh bakit ayaw mong sumakay kanina, at nagpaantay kapang hila-hilain ko, ha aber?" Tanong ko kasabay ng pagtaas ng kilay ko.

"Next" napatingin kaming pareho sa nagsalita it's our turn.

Haha let's see!

—————-

Napatingin ako sa kaliwa ko. Nakapikit siya. Sabi na nga ba tong takuting batang to.

"Hindi ka pala takot ah" bulong ko sabay kuha ng picture sakanya habang pulang pula na.

Habang abala ako sa pagkuha ng pictures niya bigla siyang nag mulat ng mata. Oh my goshh! Ang gwapo niya, kahit kanina mukha siyang natatae.

"Ano ginawa mo?" Tanong nito.

"Nothing" saad ko at hindi na napigilang matawa.

"You take a pictures of mine?" He asked na parang naiinis na.

Eh di go mainis lang siya hanggang gusto niya.

Halatang hahablutin niya yung phone ko kaya

"Uyy ang ganda" saad ko sabay turo sa baba kaya napatingin siya at ayun.

"F*ck, antaas!" Napasigaw siya. Yupps naalala ko kasi may fear of heights pala siya.

——————

Pagkababa na pagkababa palang namin grabe na siya tumitig.

"Dude, kaya mo pa?" Tanong ng lumapit saamin si Rayian.

"Gago" saad naman ni Xander, galing niya talagang mag mura!

"Just because of her, nakaya mo?" Tanong naman ni Brian. Sige mag usap lang kayo wala kasi ako eh.

"Oo nga dude, hindi ka nga namin mapilit tapos nagpapilit ka kay Lia?" Sabi ni Rayian.

"Ria" pangongorekta ni Drew, habang nakapulupot parin si Ashley sakanya, na ngayon masakit na nakatitig saakin.

"Tssk" saad naman ni Xander sabay hila saakin palayo.

"Uyy ang cute mo dito" saad ko ng makalayo na kami habang tinitignan yung picture niya kanina.

"Tssk, mongoloid" sabi nito. Sabay ngiti. Tama ba? Did I see him smile? Ayeee may palibreng ngiti si mayor!

——————— Edited: 02-02-2020
(A/N):

Dami ko na palang update, hoho. Malapit na wowowowo

That Game Started With A Lie [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon