That Game 61:

76 11 1
                                        

Alistaire's pov.

"Hi, love." Napalingon ako kay Xander ng sabihin niya ito. Inabutan niya ako ng chuckie na kinuha ko rin naman may naka-sulat doon na 'let's date, later.'


Napalingon naman ako sa mga kasama namin. Halatang kinikilig sila. Nasa canteen kami ngayon ng hospital, at itong si Xander kanina pa tawag ng tawag saakin ng love.



"It's 2 months and counting pero kinikilig parin ako sa inyong dalawa." Sabi ni Justine.


"It's like fairytale kaya, naging sila when they are both in high-school and then nasira dahil sa nangyari, nawalan ng ala-ala si Dr. Mendez. Nag-kita ulit sila nung mag-college sila, nagka-balikan kahit di nila alam na si Ate Ria ay si Ate Sia pala. Tapos sinira ni Dr. Wright kaya nag kalayo ng 5 years and months. At nag-kabalikan ulit.... di-" hindi natuloy ni Keesha yung sasabihin niya ng batukan siya ni Cath.



"Ang daldal mo naman" sabi ni Cath. Natawa nalang ako.



"Saan mo nakalap yang mga yan, Keesha?" Tanong ni Jhing.



"Basta" sagot ni Keesha sabay tingin saamin ni Xander. "Sorry... ang daldal ko talaga" sabi nito sabay hawak sa kanyang bunganga.



"Oh By the way, I heard Dr. Wright will gonna be here a month from now." Wika naman ni Dr. Abela.



Lahat sila natigilan sa sinabi ni Ma'am Veronica, kasama na ako dun. Gulo nanaman yun eh.

----------

"Bakit hindi natin kasama si Alexia?" Tanong ko kay Xander habang paalis kami sa hospital.


"We're going on a date, remember?" Sabi nito habang nilalaro ang kamay ko.



"Right. Bakit kapag mag-dadate tayo hindi dapat kasama si Alexia?" Tanong ko.



"Hmm. It's our bonding." Sabi nito. "Tayong dalawa muna." Dugtong pa nito.



"Arte." Bulong ko. Taena kinilig ako. Fita naman parang high-schooler lang?



"Love, wait me here." Napalingon ako sa kabilang dako ng sabihin yun ni Xander. Ang bilis talaga ng tibok ng puso ko kapag tinatawag niya akong love.


"Love?" Tanong pa nito kaya Agad-agaran akong napalingon sakanya. "Wait me here." Dugtong nito habang natatawa.


"O-Okay." Sabi ko.


Ilang minuto lang ang lumipas dumating nadin siya, yung motor niya yung dala niya. Eh kaninang umaga nung sinundo niya ako, yung kotse niya yung gamit niya?... ibang klase talaga.


Lumapit ako sakanya.



"Bakit motor?" Tanong ko. Ayoko talagang sumasakay sa ganyan.


"Why? Scared? You can hug me until we got there, if you want." Naka-ngiting sabi nito. Nakaka-asar.

Bumaba siya sa motor niya sabay lapit saakin. May kinuha siya sa bulsa niya.... ha? Bakit may pinggol siya diyan sa bulsa, niya?

Kinuha niya yung pinggol na kulay violet, sabay tali sa buhok ko. Naka-lugay kasi ako.



"Para hindi bumuhag-hag yang buhok mo." Sabi nito sabay lagay saakin ng helmet.


Ahh,, yun pala yun. Hahahaha


Pagka-sakay na pagka-sakay ko hindi ko mapigilan ang mag-tanong. Iba na kasi yung motor na gamit niya ngayon sa dati nung last na nakita ko siya bago ako umalis nung ipag-buntis ko si Alexia.



"Iba na motor mo?" Tanong ko.


"Hmm."


"Nasan na yung luma?" Tanong ko


"Nasa bahay."


"Gumagana pa?" Tanong ko. Eh ano bang pake niyo? Curious ako eh.



"Hindi na..." sagot naman niya.



"Bakit hindi mo ipa-ayos?"


"Sira na kasi talaga siya, love. At ayokong palitan yung mga parts nun.... kasi kasama kitang pumili nun dati." Wika naman nito.... ahh.



"Bakit ba kasi nasira? Sorry kung matanong ako ah?" Wika ko kasabay ng paghigpit ko sa hawak sa kanya.


"It's okay. Nasira yung motor na yun because I used it to find you." Sabi nito.

"Ha?" Parang tanga lang yung sagot ko, noh?!



"I asked your father everyday where are you, but he keep on saying that my worth isn't enough for you... so I find a way to find you myself, Hinanap kita kung saan-saang lugar na pwedeng andun ka." Sabi nito.



"Eh bakit hindi mo ako nahanap? Hindi mo naisip na pwedeng nan-doon ako kila Chassie?" Tanong ko.



"Naiisip. Pinuntahan kita doon pero wala ka. Kina-usap ko pa nun si Chassie na sabihin saakin kung nasaan ka pero sabi niya hindi niya alam. That part was really hard for me though." Sabi nito.



"I'm sorry. Sana nung umalis ako bumitaw kana. Sana hindi mo na ako hinanap." Sabi ko.



"Love, don't think that way. That time I really don't think of giving up... because you're my happiness. If I give up on searching for my happiness what's the worth of my existence?" Sabi nito.





"I love you." Wika ko.



Napahigpit naman ako sa kanya ng bigla niyang ipagilid tong motor at ihinto.



Inalis niya yung helmet niya pati yung helmet ko. Laking gulat ko ng halikan niya ako. Shettt nakaka-hiya! Sabi na eh dapat talaga hindi ako nag-a-i love you sa kung saan saan.



He's now kissing me passionately.


Nang maputol ang halikan namin, ganun nalang kalawak ang ngiti niya saakin.



"W-what?" Tanong ko.



"I love you too, love." Wika nito sabay ngiting-ngiti.



"What are you smiling at?" Tanong ko... nakaka-ilang, bigla bigla nalang kaming titigil kung saan saan kasabay ng halikan namin.




"It's really rare to hear you saying those words..." hindi parin na-aalis ang ngiti sa labi niya. Marahan
hinaplos ang mukha ko.
"Hindi na talaga kita papaka-walan." He said and he kissed me on my forehead.


----- Edited: 02-22-2020

A/N: sorry for not updating for how many weeks, Busy lang po talaga. Sorry din sa short update. Hehez!

That Game Started With A Lie [COMPLETED]Where stories live. Discover now