Alistaire's pov.
"I'm sorry Chassie, I really can't go.." wika ko kasabay ng pagtulo ng luha ko.
Kasal niya ngayon eh.
"It's alright, ate.... I got the gifts you sent, thank you! Pupunta kami diyan sa hospital bukas a-" hindi ko siya pinatapos.
"It's alright, hindi na kailangan Chassie. Nung isang araw lang pumunta kayo dito eh. Kasal mo ngayon, hindi pa ako naka-punta, sorry talaga." Sabi ko na tuloy parin ang pag-iyak ko.
"Mahalaga ang kasal saakin ate pero alam kong na-fefeel guilty ka at mas importante yan ngayon kasi 3 araw na simula ng mabaril si Kuya Xander na dapat ikaw, ate huwag mo muna akong isipin..." paliwanag ni Chassie sa kabilang linya. Katatapos lang ng kasal niya at patuloy parin sila sa pagsasaya pero ako parin ang iniisip niya.
"Sorr-" hindi niya ako pinatapos.
"Okay lang ate, alagaan mo nang mabuti si kuya Xander at si Alexia ate ah. We can bonding kapag nagising at naka-recover na si kuya..." sabi nito kasabay nang pagtingin ko sa nasa harap kong si Xander, na hanggang ngayon hindi parin gumigising. Naging successful ang pag-alis ng 5 bala.
Napalingon ako sa pintuan ng marinig ang medyo mahihinang pag-uusap sa labas ng pintuan.
"Chassie, mamaya nalang."
"Sige ate." Kakasabi palang nito ay in-end ko na yung tawag para masilip at makarinig yung nag-uusap sa labas ng kuwarto. Sino kaya yun? Papasok kaya siya dito?
Agad iniluwa ng pinto si Ate Denise, si Zyro, at Tita Melanie, Sila kaya yung nag-uusap sa labas?
"Sorry kung medyo na-late kami hija." Sabi ni tita Melanie kasabay ng paglakad niya ng diretsyo saakin at ng makalapit siya agad siyang naki-pagbesso.
"Okay lang po Tita." Sagot ko at tumango naman si Tita Melanie.
Agad din napukaw ang tingin ko ng ini-angat ni Zyro ang mga dala niyang prutas kaya tumango ako at inabot. "Thank you." Sabi ko kasabay ng paglapag ko sa lamesa
"You, Alright?" Panimula ni ate Denise saakin habang may lungkot sa mukha nito. Halata siguro sa mukha kong wala pa akong tulog.
"Okay lang ako ate." Sagot ko at ngumiti siya ng mapait.
"Kasama din pala namin ang Tito Mico mo." Wika ni Tita at agad akong napalingon sa pinto.
Medyo gulat ako kasi ilang araw na nung mabaril ni Ashley si Xander pero ngayon lang siya dumating.
Napatingin ako kay Tito Mico. Medyo na-iilang na nahihiya ako dahil ako ang dahilan kung bakit nabaril si Xander.
"Uhmm Tita, labas po muna ako." Sabi ko pero hindi pa ako nakakalabas ng mag-salita si Tito Mico.
"Hindi na kailangan Sia. Huwag ka nang umalis, mabilis lang kami dito." Sabi nito. Kinabahan naman ako dun! Akala ko aawayin ako at palalayasin ako dito at pagbabawalan nanaman akong makita muli si Xander, buti nalang hindi!
"Sige po." Wika ko at agad din akong bumalik sa upuan ko kanina, sa tabi ni Xander.
"Ipapalipat ko si Xander sa Hospital namin dahil hanggang nayon hindi pa din nahuhuli si Ashley." Wika ulit ni Tito Mico. Waittttt, di ko talaga kayang pigilan yung heart ko na huwag matakot... nakakatakot kasi talaga yung Papa ni Xander!
"Yun nga po ang ikinakatakot ko para kay Alexia.." wika ko kasi yun talaga yung iniisip ko. Kahit medyo nahihiya ako kailangan kong sabihin ang mga bagay na ganito para sa kapakanan ng anak ko.
Tumango naman sila ni Tita Melanie. "Sa bahay muna si Alexia." Sabi ni Tita at sinang-ayunan ko naman.
"Huwag kang mabahala Sia, patuloy parin naming pinahahanap si Ashley." Wika ni Tito Mico at tumango naman ako.
"Salamat po, hindi lang dahil sa ginusto niyong mahuli si Ashley... salamat po sa pag-aalala niyo kay Xander kahit sinuway namin kayo, Tito." Sabi ko sabay tungo. Nahihiya ako.
"Xander is still his son." Natatawang sabat ni Zyro kaya tinignan siya ng pinsan niyang si Ate Denise ng masama kaya agad din siyang napatigil sa pagtawa.
"Kahit suwayin ako ng anak ko, anak ko parin siya. And now kuhang kuha ko na kung bakit ayaw niyang makasal kay Ashley. Sorry hija sa mga bagay na nangyari... at Salamat sa hindi pag-iwan sa anak ko." Sabi ni Tito Mico kasabay ng pag-pat niya sa balikat ko.
Napataas ang tingin ko... agad akong napa-ngiti nang makitang naka-ngiti si Tito Mico. Tumayo siya na tila ba handa ng umalis, ganun din si Tita Melanie, Ate Denise at Zyro.
"Salamat po." Wika ko sabay yakap kay Tito. "Andami pong gulo ang dinulot namin sainyo, nagagalit po kayo pero napapatawad niyo parin po kami." Wika ko kasabay ng pag-kalas ko sa yakap namin at pagpunas ng luha ko sa pisngi.
"Magulang kami, hija. Kaya dapat kapag dumating sa punto na mag-karoon ng kasalanan si Alexia, mapatawad mo parin sana siya kahit gaano kalaki ang kasalanan niya... dahil magulang ka, mapag-tatanto mo sa huli na isa sa pinaka-magandang pangyayari sa buhay natin ang makita nating maging masaya ang anak natin at guilt-free. Sobrang gaan nun sa loob, at magiging masaya ka narin." Wika ni Tito.
"Hon, I never thought you would say those words..." naka-ngiting wika ni Tita Melanie.
"Tita.... Thank you po.." ani ko sabay lapit kay Tita kasabay ng pagyakap ko sakanya.
"No problem, Darling." Sagot ni Tita sabay yakap rin saakin. "Huwag karing mag-aalala kay Alexia, aalagaan namin siya ng mabuti.." dugtong nito kasabay nang pagkalas ng yakap namin.
Tumango ako bilang sagot sa sinabi ni Tita Melanie.
"Sige Hija, una na kami... aayusin pa namin ang paglipat ng hospital ni Xander." Wika ni Tito Mico.
-----Edited: 02-22-2020
(A/N: heyyoooo! Kapit lang diyan ahh lapit na nang pagtatapos!
YOU ARE READING
That Game Started With A Lie [COMPLETED]
RomanceDedicated to Ms. @SarcasticPsyche [Tagalog-English] (Cliches (af) ahead, not yet edited) PLAGIARISM IS A CRIME [BOOK COVER IS NOT MINE. BOOK COVER IS CREDITED TO THE RIGHTFUL OWNER] Story by: little_clerick Date Started: June 1, 2018 Date Finished:...
![That Game Started With A Lie [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/136349979-64-k922385.jpg)