That Game 51:

66 9 0
                                        

(A/N: for better reading you can listen to the song, Gravity!)

Sia's pov.

"It's so beautiful." Wika ko sabay tingin sa bituwin. Nasa labas ako ngayon ng ta'al vista hotel. Tinitignan ko ang mga bituwin, oo aaminin ko kahit hindi ganun kadami ang bituwin ngayon, kung sa iba hindi maganda, para-saakin pare-parehas parin silang maganda..... pare-pareho lang silang kumikinang.


"Yes, it's so beautiful." Napalingon ako sa nag-salita. Si Eric, umupo ito sa tabi ko.... ino-offer niya saakin ang bote na nag-lalaman ng juice.


Napangiti ako at kinuha sakanya ang juice. Ibinuka ko ang aking bibig na agad rin' isinara, hindi ko alam ang sasabihin ko... sakanya.


"Can't we go back to what we are?" Tanong nito kaya napalingon ako sakanya.


"As Friends?" I asked, alam kong may gusto siya saakin hindi ako manhid para hindi yun mahalata at maramdaman..... I don't know why, I just can't love him katulad ng pag-mamahal niya saakin.


He's a man, a real man! Because a real man, knows how to respect, especially woman.... even if that woman is fat, skinny, pretty, ugly, virgin or not, because all woman deserves it! He's also faithful and those things make me feel more guilty for not giving the love he deserve...... pero ganun talaga eh, hindi ko talaga kaya. There's nothing wrong with him nasaakin lang talaga ang pagkakamali. He don't deserve me, he deserves better.

"Ang sakit naman ng friends na yan." Ani nito sabay ngiti, kahit na ngumiti siya halata ang pait sa mga mata niya....


"Yun naman ang meron tayo noon eh." Sagot ko, kahit masakit para saakin na sabihin to sakanya, kailangan ko... para matauhan siya na hindi ako, hindi ako ang para sakanya.


"Oh, mas masakit nanaman yan, But it's okay... I just want to be in your life again, kahit kaibigan mo muna." Sabi nito sabay tayo saka umalis.... what's with "muna?" Don't tell me, hindi parin siya sumusuko?



Napatingin ako sa langit, why can't I just have an ordinary life? yung hindi ganito na ang gulo gulo... kainis eh!


"Hoyy!" Hindi ako lumingon ng marinig ang katagang yan. Si Ashley lang yan eh, naghahanap nanaman ng away.

Napadaing ako ng maramdaman ang kanyang matutulis na kuko sa aking braso... pinilit niyang itayo ako at napatayo ako dahil ang sakit ng pagkakabaon ng kuko nito. Kahit medyo namamaga padin ang ankle ko pinilit kong hindi ipahalata.


Tamad ko siyang hinarap.

"Ano na naman problema mo?" Tanong ko, agad niyang hinablot ang buhok ko kaya napa-daing ako.


"Ikaw! Ikaw ang problema ko!" Sagot nito sabay akma ng pagsamapal sa pisngi ko pero agad kong nasalo ang kamay niya.


"Sumo-sobra kana." Wika ko sabay malakas na inalis ko ang pagkakahawak sa kamay niya.


"Ako sumusobra? Eh ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Flirting with my fiancé?!" Sabi nito at napa-punas sa pisngi nito ng pumatak ang luha. Seeing her hurt, makes me feel the guilt in every piece of me, and I f*cking hate it!


"Akala mo makukuha mo ako sa iyak iyak na yan?" Tanong ko, Hindi ko dapat ipakita sakanya na nahihirapan akong makita siyang nasasaktan. Dahil kung saka-sakaling makita niya ang awa sa aking mga mata, magkakaroon siya ng pagasang kaya kong ibigay ang lahat ng gusto niya, na kapag bumalik saakin si Xander..... sasabihin ko na bumalik nalang 'to kay Ashley...... kaya hindi dapat!



"Ang sama mo! Sarili mo lang ang iniisip mo!" Bulyaw nito saakin.



Natawa ako ng mahina... "At saakin mo talaga sinasabi ang mga katagang yan? Mahiya ka naman Ashley! Kinalimutan mo ba ang mga ginawa mo saakin 5 years ago, at ngayon hihingiin mo saakin ang awa?" Nasapo ko ang noo ko... this is too much, ibinabalik ko lang ang sakit na naramdaman ko dati... pero parang ako pa mas lalo ang nasasaktan sa ginagawa ko.


"Aha! Sinasabi ko na, hindi ka maka-move on sa nangyari dati... at ganun din sa Selfish mo na pagmamahal kay Xander!" Sigaw nito.


"Whatever you say... I'll go now." Wika ko sabay talikod sakanya. Nakakadalawang hakbang palang ako palayo sakanya ng makaramdam ako ng paghila nito sa buhok ko.



"Ano ba!" Sigaw ko rito.


"Want a hell? I'll give it to you." Saad nito sabay hila pa ng mas mahigpit sa buhok ko kaya hindi ko maiwasang mapa-sigaw.


Hinawakan ko ang kamay nito sabay kurot para mabitawan niya ang buhok ko, walang sampung segundo, binatawan niya rin ang buhok ko pero... nang bitawan niya ito agad niya akong binigyan ng mag-asawang sampal.

Napadaing ako sa sakit. Tinulak niya ako at agad niya ako dinaganan ng kayang mga hita para hindi ako makabangon. Pinaulanan niya ako ng mga sampal. Tangina ang sakit! Napalaki ang mga mata ko nang bahagya niya kunin ang stilettos niya... f*ck!

Napa-pikit ako ng marahan niyang itaas ito habang tumatawa.

Napabukas ako ng mata ng wala akong maramdamang pagdapo ng stilettos niya at makaramdam na wala na ang bigat sa tiyan ko.  And there he's standing........ habang nakahawak sa braso ni Ashley...


He saved me again.


"Xander, let me explain. It's not what you think." Wika ni Ashley. Habang ako naman ay nakatingin sa mga taong naka-paligid saamin. Nakita ko sila Ma'am Veronica na malungkot ang mukha saakin.


"How can you f*cking explain this? I've seen it with my own eyes... so what you gonna do? Lie again?" Galit na wika ni Xander. Nakakatakot siya.


Mahinahon akong napatayo tulong ng mga kasamahan namin.


"It's not my fault" giit ni Ashley. She's obsess! And it's scary!


"Then who? My woman? You think I'm going to believe you? F*ck, you hurt her... it makes me lost my mind to even think of not hurting you!" Sigaw ni Xander sabay bitaw sa braso ni Ashley na dahilan para mahulog ito sa lupa...

Agad lumapit saakin si Xander..

"Are you, okay?" He said in his soft voice... gumaan agad ang pakiramdam ko. I nodded. "I don't think so." Wika nito sabay buhat saakin, katulad ng dati pang bride ang buhat niya saakin.

"You're blushing" wika ni Xander kaya napatingin ako sakanya. Napahawak ako sa pisngi ko at ramdam ko ang init.


"Hindi ah. Sa sampal lang to ni Ashley noh!" Giit ko.


"Ugh! That woman!" Galit na wika nito. Napangiti nalang ako.... taena bakit ako ngumingiti? Nasampal at nasabunutan na nga ako, ngumingiti parin ako! Baliw lang?!


——Edited: 02-21-2020

That Game Started With A Lie [COMPLETED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang