Alistaire's pov.
"Love, may appointment kaba bukas?" Napalingon ako kay Xander na kikipag-laro ng Video Game kay Alexia.
"Ah yeah, I have an appointment and it's a half day." Sabi ko habang inaayos ang mga pagkaing dinala niya dito.
"Love, doon nalang kayo ni Alexia sa bahay tumira..." napa-laki nang literal ang mata ko, hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala siya.
"Okay lang kami dito sa Condo ni Alexia at minsan naman umuuwi naman kami kila Mama, kaya mabuti na 'yun." Wika ko sabay lagay ng plato sa lamesa.
Lumingon ulit ako sakanya at na-alala ko yung narinig ko nung isang araw.
"Love?" Tawag nito ng makita niya akong nakatitig sakanya. "May problema ba? Tell me." Sabi nito sabay lapit saakin "May sakit kaba? You look pale. Hindi ka naman ganyan kanina. Nahilo ka ba bigla?" Tanong ni Xander sabay ng pag-lagay ng palad niya sa noo ko.
Dahan-dahan kong tinanggal ang kamay niya at hinawakan iyon.
"Love, may dapat ba akong malaman?" Tanong ko, kahit alam ko naman iyon. Gusto ko kasing sakanya manggagaling, kaya nag-hihintay ako pero parang wala siyang balak sabihin saakin.
"About what, Love?" Tanong niya pabalik saakin.
"Okay. Actually I heard you the other day, you're speaking with someone on the phone... and it sounds serious, I just thought that... what was that for?" Yumuko ako pagkatapos kong masabi 'iyon.
"Love... it's just my coach, he's still talking about... I, going on a competition." Buntong hininga nito. "Hindi ko na sinabi sayo kasi, simula nung dumating ka at si Alexia, I only want to focus on you two and reject his proposal many times." Dugtong nito.
Ini-angat ko ang ulo ko. Why would he do that? It's an opportunity! It is one of his dreams when we we're young! And yet he's giving up on it.
"Why? You should grab for that opportunity. It is your dream." Wika ko.
"Love, sa Europe yun magaganap... ayokong maihiwalay sainyo. At marami narin naman akong na-achieve na dreams ko... and my only priority, is You and Alexia." Sabi nito. Fiiiitttttaaaaa kinikilig ako!
Napa-ngiti ako. "Sinong may sabing mahihiwalay kami sayo?" Sabi ko sabay yakap. I don't really know, but this days I'm really clingy- mas clingy pa sakanya!
Niyakap niya rin ako pabalik. "Ang clingy mo love." Wika nito na halos pabulong.
"Why? You don't like?" Tanong ko sabay hiwalay.
"Of course, I like it. Kahit anong mang-meron sa'yo gusto ko lahat yun, either your flaws and the good things."sabi nito sabay halik sa noo ko.
Ohhh God! I really like whatever he says... it's just too good to hear, it makes my heart burst because of happiness in a thousand times.
Tumingkayad ako at ini-angat ang tingin sa kanya 'saka ko siya niyakap at hinalikan. It makes me look too cheesy but can you blame me? I love him.
"Mommy.... Daddy! Get a room!" Pareho naming nilingon si Alexia.
"Alexia, saan mo nalaman ang mga bagay na ganyan?" Tumatawang lumapit ako kay Alexia.
"It's just..." naka-ngiti si Alexia pero hindi niya kami sinagot pabalik.
---------
"Love, ihatid na kita." Sabi ni Xander habang papalapit ako sa kotse ko. Pupunta na kasi ako sa hospital.
"I can drive." Wika ko.
"You, Sure?" Tanong nito. Still not convinced.
"Yes. And Love, have some time with Alexia somewhere, because I know she'll gonna be bratty again when she's bored." Sabi ko sabay tingin kay Alexia na nakangiti habang nanunuod ng bagong labas na music video ng Red Velvet.
"Sige, love." Sagot naman ni Xander.
-------
"Good morning, Ms. Mendez." Wika ni Justine. Nginitian ko lang siya bilang pag-bati.
Napatigil ako ng mapag-tantong....
Naka-balik na dito sa Pilipinas si..... Ashley.
Nag simula siyang mag-lakad ng makita niya ako. Naka-ngiti siya ng pilit. Bawat hakbang niya patungo saakin ganun din ang dagundong ng puso ko na parang gusto niyang tumakbo ng mabilis paalis sa katawan ko.
Nang tumigil siya sa pag-hakbang ganun din ang pag-lapag ng kamay niya sa pisngi ko, hindi lang isa kundi dalawang beses.
"Aren't you miss me, Dear Friend?" Tanong nito kasabay ng paghila niya sa buhok ko. Ganun din ang pag-pigil kong hilain niya ang buhok ko.
"Nawala lang ako ng saglit... natigil na ang dapat na kasal namin ni Xander. Nawala lang ako saglit, ginamit mo na yung anak mong hindi naman namin alam kung si Xander ba talaga ang a-" hindi ko siya pinatapos at sinampal ko siya na dahilan para mabitawan niya ang buhok ko.
"Sumosobra kana, sa lahat ng pag-kakataon lagi kitang iniintindi. Hindi kita kayang sabihan ng mga masasakit na salita dahil lagi kong iniisip na kahit isang beses sa buhay ko naging kaibigan kita.." pagkasabing pagkasabi ko yun agad nagsi-lapit ang mga tao saamin kahit mga guardiya. Pilit kaming pinapatigil pero pareho naming kinakalas ang hawak saamin ng guardiya.
"Tapos kana, sa pag-iinarte mo?" Tumatawang tanong nito na parang walang pinapakinggan na opinyon, gusto niya opinyon niya lang. "Alam mo kung bakit ganito ang galit ko sa'yo?... Oo aaminin ko tinuring kitang kaibigan dati pero nawala yun dahil lang din sa ginawa mong pag-taksil saakin!" Sigaw niya saakin. Nakaka-hiya we're wearing a shirt na may logo ng hospital. "Hindi mo ko masisisi kong nasaktan kita dahil sinaktan mo din ako! Hindi ko sinasadya na maramdaman ito. Ilang beses ko nang inaalis ang ganitong pakiramdam pero wala, bumabalik eh!" Dugtong nito.
Pumatak ang luhang kanina pa nag-babadya.
Napalingon ako sa mga taong naka-paligid saamin at gulat ng makita na papa-lapit saamin si Xander pero hindi siya nakita ni Ashley.
"I'm sorry pero kahit gusto kong maging masaya si Xander nandun talaga sa pakiramdam ko yung ang sakit-sakit. Iniisip kong magiging masaya si Xander kasama kayo ni Alexia, pero bigla bigla nalang akong maiiyak at tila may nag-sasabi agad saakin na gumawa ng paraan para pigilan kayo." Umiiyak pero naka-ngiting wika ni Ashley.
"Ashley, tutulungan ka namin." Wika ko pero agad siyang umiling.
"Boba kaba?! Sabi ko makita ko palang kayo, ang sakit sakit na..." Sigaw niya sabay lapit sa guard kasabay ng pag-bunot nito sa baril ng guardiya. "I'm sorry pero ito lang ang paraan na nakikita ko para matigil ang nararamdaman ko." Sabi nito sabay ng pag-tutok at pagputok ng baril sa harap ko.
Nakarinig ako ng limang-sabaysabay na pagputok ng baril kaya, Napa-pikit ako at hinihintay ang balang tatama saakin pero wala. Napa-dilat ako at gulat sa nakita.
Umupo ako sa tabi ni Xander. "X-xa-nder?" Na-blablanko ako hindi ko alam ang gagawin ko. "Love?" Nanghihinang tawag ko sakanya habang patuloy na tumutulo ang mga luha galing sa mga mata ko.
Marami ang lumapit saamin. At dahil nasa hospital kami agad kaming natulungan. Humahagulgol ako kahit na may nag-aasikaso na kay Xander. Ano ba 'tong nangyari? Anong nangyayari sa buhay ko?
———Edited: 02-22-2020
YOU ARE READING
That Game Started With A Lie [COMPLETED]
RomanceDedicated to Ms. @SarcasticPsyche [Tagalog-English] (Cliches (af) ahead, not yet edited) PLAGIARISM IS A CRIME [BOOK COVER IS NOT MINE. BOOK COVER IS CREDITED TO THE RIGHTFUL OWNER] Story by: little_clerick Date Started: June 1, 2018 Date Finished:...
![That Game Started With A Lie [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/136349979-64-k922385.jpg)