That Game 27:

70 11 0
                                        

Alistaire's pov.

"Baby, what's gotten in to you?" Napatingin ako kay papa sa sinabi niya. Pumunta ako ngayon kay papa kasi weekend naman.

"Hmm-wala po" Sabi ko habang umiiling.

"You can tell me what's bothering you, cause I'm your dad. Your handsome dad" sabi ni papa kaya napangiti ako.

"Pa, can I hug you?" Tanong ko. At tumango naman ito.

Lumapit ako kay papa kasabay ng mahigpit na yakap ko sakanya.

"Pa, he said he likes me" sabi ko kaya napabalikwas si papa sa yakap saakin.

"Oh, anong problema dun? You like him, he likes you. The feeling is mutual, anong prinoproblema mo?" Sabi ni papa habang umiiling na para bang ginagawa kong complicated ang lahat.

Oo nga Ria, ano prinoproblema mo dun?

"I know what you're thinking" napalingon ako kay papa dahil sa sinabi niya.

I gave him the 'what look'

"You're thinking that he probably see you as Sia not Ria" sabi ni papa kaya namuo ang luha sa mata ko. He's right!

Kaya ayaw kong sumugal kasi, baka hindi naman talaga niya ako nagustuhan bilang Ria eh! Baka prinotektahan niya lang ako kasi kamukha ko si Sia!

"Pero anak, ikaw naman talaga si Sia ah" sabi ni papa sabay hawak sa baba nito. Kaya hinampas ko siya ng mahina.

"Papa naman eh!" Sabi ko kasabay ng pag-pout ko kaya pinisil niya ang magkabilang pisngi ko.

"Bakit ba kasi ayaw mong ipaalam kay Xander na ikaw talaga yan? Na ikaw si Sia?" Tanong ni papa.

"It's just, gusto kong mahalin niya ako bilang Ria at hindi Sia." Sabi ko, and papa nodded.

"Pero anak, you know Xander. Wala yun pakialam sa iba. Ilang years ka nun minahal nung si Sia kapa at Ilang years na nung akalain na patay kana, pero anong ginawa niya mahal ka parin nung tao. Kaya wag mo nang isipin ang lahat. Kung kayo sa huli, kayo talaga." Sabi ni papa sabay pat sa ulo ko. I smiled.

Pareho kaming napalingon ni papa sa phone ko nang may mag-text. Si Xander.

Xander:

Lets meet, I'll pick you up. :')

                         

Tumingin saakin si papa at ngumiti.

--------

"Bro" sabi ni Rayian. Yupps kasama ko sila, pagkatapos akong sunduin ni Xander sa bahay, namasyal kami tapos kumain.

"Ano bang sasabihin niyo?" Tanong ni Xander.

"Nakalimutan mo ba ngayon yung racing na magaganap." Sabi ni Brian.

"Alam namin na busy ka diyan sa girlfriend mo, pero we can't loose" sabi ni Rayian.

Narinig ko ang mahinang mura nito. Ngunit lahat kami napabaling kay Ashley ng hilain niya si Drew. Yup nandito rin siya.

--------

Ashley's pov.

"So tama pala ang nabalitaan ko, na ikaw ang nagsabi na dapat maging sila" bungad ko ng makalayo kami sakanila.

"Why Ashley? Is something wrong? Ginawa ko lang yun dahil alam kong gusto nila yung isa't is-" hindi ko siya pinatapos.

"You're wrong! Hindi magugustuhan ni Xander si Ria! Napagpustahan niyo lang siya!" Hindi ko kayang di magalit! Napabaling ako sa ibang direksyon. Akin lang siya akin lang. f*ck this life! Why I can't just have him?!

Bakit walang nagsasalita? Napalingon ako at....

"Sobra ba?" Huh? Ano pinagsasabi nitong si Drew?

"Sobrang mahal na mahal mo ba si Xander kaya ganyan ka?!" Sabi nito kasabay ng paglaki ng mga mata ko. "Ganyan mo ba siya kamahal? Kung mahal mo siya, hahayaan mo siyang maging masaya! Tang*na tagal ko ng nagtitimpi, nag bubulagbulagan na hindi totoo yung iniisip ko, na hindi mo mahal si Xander at ako ang mahal mo pero tang*na pinatunayan mo ngayon yung iniisip ko" agad akong nanginig sa mga narinig. He knew!

"Gulat ka? F*ck! Bobo lang di makakapansin na obsess ka dun sa kaibigan ko!" Dugtong pa nito. Nanuyo ang lalamunan ko.

Wala naman akong kasalanan! Sadyang mahal ko lang talaga si Xander. Anong magagawa ko kung yun yung nararamdaman ko?!

Napapunas ako sa pisngi ko ng maramdaman ang mga luha galing sa mga mata ko.

"Alam mo narin pala, then let's break-up" sabi ko na ikinangisi niya.


"Akala mo mag mamakaawa ako sayo na wag akong iwan? Tang*na napapagod din ako sayo! Hindi lang ikaw ang babae dito sa mundo" sabi nito sabay alis.

Sige! Iwan niyo ako! Magsama sama kayong lahat!

--------
Alistaire's pov.


"Baby, ako nalang sasakay kasama mo" yan! Yan ang naririnig ko sa mga higad na babae dito na aligid ng aligid kay Xander.

"Chill Ria, ikaw lang gusto niyan" napalingon ako sa tumatawang si Rayian.

Napalingon ako kay Xander na ngayon ay hindi makatingin tingin saakin na halatang namumula.

"Ikaw nalang kasi sumakay Ria. Nang hindi na mag-salubong ang kilay mo at hindi na manlisik yang mga mata mo" sabi naman ni Brian sabay tawa.

Hayst. Di naman eh!

-

In the end.... napasakay rin ako. I-pagtulakan ba naman ako!

Ang awkward! Bali nasa passenger seat ako tapos siya mag dra-drive, alangan naman ako!

Napalingon ako sa katabi ko. Nakatingin siya saakin.

"Is this okay with you? You have a trauma right? I might loose this race and not you... just tell me if you want to stop." Paalala niya saakin... pang-ilan na nga ba yan?

Bumuntong hininga ako kasabay ng pagharap kong muli sakanya. "Hayst, apat na beses ko nang sinabi sa'yo na na-overcome ko na yung fear and trauma ko... nag pa-doctor na ako." Paliwanag ko. Yes, nang bumalik lahat saakin ang memories ko... napag-desisyunan ni Mama na ipa-doctor ako.

"Alright." Tumatango-tango siya pero di din nagtagal at Tinaas niya ng bahagya ang kanyang dalawang  kamay papunta sa mukha ko sabay hawak sa magkabilang pisngi ko.

"Hindi mo bagay nakasimangot, kaya lagi kang ngumiti" sabi nito sabay banat sa pisngi ko.


"The race start in 1...." agad na pa alis ng kamay si Xander dahil sa narinig.

Mukha talaga siyang racing!

Napalingon naman ako sakanya ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.

Sa totoo lang hindi ko ramdam na ang bilis pala ng paandar niya.


"Masyado bang mabilis?" Napalingon ako kay Xander na ngayon ay nakatingin parin sa daan. At agad naman bumagal ang takbo ng sasakyan. Kaya napakunot noo ako. Hindi dapat sila matalo.


"Hindi, okay lang ako" sabi ko at saglit na bumaling saakin si Xander na halata namang di kumbinsido.

"Okay lang talaga ako. Hawak ko naman kamay mo" sabi ko sabay taas sa kamay namin. At napatango naman ito kasabay ng litaw ng nga ngiti sa labi niya.



-------- Edited: 02-09-2020

(A/N): ayieee start ko na ba?

That Game Started With A Lie [COMPLETED]Where stories live. Discover now