xl.viii.

3.1K 85 7
                                    

"Alam mo, walang mangyayare kung tititigan mo na lang yan."

"Fire, bata pa yan," mariin kong sambit. Fire let out a laugh at tinuro si Hughes na umiinom ng juice sa tapat namin.

"Si Hughes nga crush yong batang binabantayan niya."

Nabigla kami nang halos maibuga ni Hughes ang iniinom niya. Pareho kaming natawa ni Fire lalo na ng makita siyang namumula. Hindi ko na pinakinggan ang pang-aasar ni Fire kay Hughes, ibinaling ko na lang muli ang tingin ko sa hardin kung nasaan si Kuya Wong, ang hardinero, at si Ysabelle.

Mula nang bumisita akong muli dito sa Sta. Ana pagkatapos akong pakiusapan nina Lolo at Tito Nicholas na tulungan si Fire sa rancho ay madalas ko nang makita itong batang ito sa mansyon.

When she first saw me entering the mansyon, I think she already knows who I am. Akala ko ay anak siya ng isa sa mga maid dito, she looks young and innocent, ni hindi pumasok sa isip ko na seventeen na pala siya.

"Lolo, sino po yung batang paikot-ikot sa hardin kanina? Yung naka-dress," tanong ni Ate Carmina kay Lolo habang kumakain kami noon ng tanghalian.

Lolo's eyes lit up,"Ah! Si Ysabelle. Apo yon ni Caridad, yung kaibigan namin ng Lola niyo"

After that, Lolo shared stories on how good she cooks at kung paano niya tinutulangan si Kuya Wong na pagandahin ang hardin. Arturo Cuenca Salvador II is not easy to please, matutuwa siya sayo pero bihira niya lang ikwento ang mga bagay na nakamit mo. Those things should leave an impact on him para niya ikwento sa ibang tao. Kaya naman kaming tatlong lalakeng magpipinsan ay ginagawa ang lahat para maipagmalaki kami ni Lolo.

I worked my ass off after realizing that. Lolo was proud that my father entered the army and became a general kaya inisip kong gayahin iyon. Tutal, Dad was already training me when I was young. Inaasahan na niyang susunod ako sa mga yapak niya. Unfortunately, tinutulan iyon ni Mommy. Ayaw niyang umuwi ako ng sugatan o di kaya'y hindi na makauwi ng buhay.

I felt my mother's terror. Takot din ako but I have to be brave. Hindi ako tatagal doon kung hindi ko tatapangan. Nakumbinsi ni Mommy si Dad na wag na akong ipasok sa PMA but instead sa PNPA na lang. Hindi raw iyon magiging kasing bigat ng sa army but I will still learn.

"Good luck," Dad put his hand on my shoulder at mariin akong tinignan. His eyes speaks for himself. It's fine for him even if I won't be the best of our class but he expects me to learn and not to quit.

Umiiyak si Mommy at ang mga kapatid ko. My Ate Carmina and Ate Clara are years older than me, making them the eldest among the Salvador grandchildren. Niyakap nila akong tatlo at pinaalalahanan ng kung ano-ano bago ako pumasok sa loob.

"Mukhang madami-dami tayong plebes ngayong taon,ah" kumento ng isang lalakeng dumaan sa harap ko.

Sa pagkakaalam ko ay sa libong nag-apply upang makapasok dito ay tatlong daan lang ang tinanggap matapos ang iilang screening. I thanked my father for enrolling me in such things as taekwondo, shooting and many more extraneous activities. Alam kong magagamit ko ang mga experience na iyon dito.

"Are you ready plebes?" bulong ng babaeng cadet na naka-pulang uniporme sa linya namin. They're supposed to be serious looking pero ang isang ito ay nakangisi.

Nakarinig kami ng hudyat na simulan na ang reception rites at agad kaming pinalibutan ng mga shearer o third class men. Bawat isang plebe ay pinalilibutan ata ng apat na cadet.

"Give me sixty push ups,move!"

Ginawa ko naman agad ang utos niya habang nagbibilang.

"Nagmamadali ka ba? May lakad ka ba Salvador?"

Blue SkiesWhere stories live. Discover now