viii

3.7K 113 10
                                    

"Ysabelle, pakukuluan na lang ba ito?", tanong ni Jamila. Siya muna ang pinag-asikaso ko sa sweet and sour fish and shrimp dahil ginagawa ko ang mamon pudding.

"Oo, hinaan mo na din ang apoy.. "

Malapit nang mag-alas onse, buti na lang at itong dessert na lang ang kulang. Okay na ang fried chicken, carbonara (dahil ayaw daw magkanin nina Harley at Carmina) at chopseuy with quail eggs.

"Paki handa na ang mga kubyertos sa lamesa.. ", utos ni Aling Anita. Siguro nandyan na ang ibang mga apo ni Señor Arturo. "Ysabelle, iyang nakatakip na lang ba ang di pa luto?"

"Opo, pero patapos na rin po iyan.. "

"Sige. Maria! Kunin mo na ang mga inumin sa ref.. "

"Opo!"

Medyo busy na dito sa kusina dahil kailangan na nilang maghain sa mesa. Nakita ko ang pagdating ni Senyora sa dining area at kinausap si Aling Anita, parang mas lalo siyang nataranta pagkabalik sa kusina.

"Nako! Sa hardin daw nila gustong magsikain! Bakit di mo sinabi agad Aina? Binilinan ka daw ni Senyora.", sambit ni Aling Anita.

"Pasensya na po, nakalimutan ko.. "

"Sabihan sina Jun at Boy na kunin ang mesa at mga payong sa storage! Tulungan niyo silang magset-up doon! Mamaya na muna yang mga pagkain. ", utos niya, "Kumuha na rin kayo ng dalawang electric fan at extension.. "

Tinignan ko ang labas. Maaliwalas naman ang paligid at parang presko nga. Siguro ay susulitin nila ang simoy ng hangin dito sa Sta. Ana.

"Hay! Nakakapagod..", sabi ni Jamila. Tumulong siya sa paglilipat ng mga gamit sa labas. "Sa susunod na buwan ganito uli"

"Hmm? Bakit? Babalik uli sila?", tanong ko habang nililipat sa mangkok ang hipon at isda.

"Oo. Birthday ni Sir Alfredo. Gusto ni Senyora na dito i-celebrate dahil nandito ang halos lahat ng kakilala nila..", sabi niya. "Ilabas ko na ito, ah? Yung pudding mamaya na lang no?"

"Oo, kapag may tapos na lang na kumain sa kanila saka na lang ito ilalabas. Di pa naman tapos ito.. "

Nilinis ko ang mga kalat sa kusina. Nakita ko ang pagpunta nina Señor Arturo, Senyora Cassandra, Sir Thomas at Ma'am Alexandria Prieto. Nagsimula silang kumain nang nakumpleto sila. Kumain na rin ang ibang kasambahay sa kusina habang tinatapos ko ang pudding.

"Ysa, kain na.. ", tawag sa akin ni Kuya Wong.

Sumunod at kumuha na ng plato. Habang kumakain, pinag-uusapan nila ang magiging party ni Sir Alfredo dito sa mansyon na gaganapin sa susunod na buwan.

"Sigurado, papapuntahin ka uli dito Ysa!", sabi ni Jamila.

"Baka may pasok ka na non?", tanong ni Boy. "June 26 ang party.. "

Napatango ako. May pasok na nga ako non. Simula alas otso hanggang alas kwatro ang magiging pasok ko. Baka hindi ako makatulong.

"Paano yan? Baka hanapin ka nina Señor?", pag-aalala ni Aina.

"Baka magpa-cater sila. Sobrang dami ng mga bisita non. Hindi natin kakayanin..", sabi ni Aling Anita.

"Oo nga. Tsaka nabanggit ni Senyora na magiging engrande daw iyon. Alam niyo naman siya kung gumastos..", sabi ni Ate Mercy.

Tama sila. Senyora Cassandra likes parties so much, marami siyang pinupuntahan na party sa Manila at kahit dito sa Sta. Ana kapag may event ang ibang politiko at active din siya sa mga charity events.

Sina Ate Mercy at isa pang kasambahay ang naglabas ng pudding. Naghilamos ako sa common bathroom na meron sila sa kusina bago magpaalam kay Aling Anita.

Blue SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon