xxii

3K 81 13
                                    

"Congratulations graduates!"

Sabay-sabay kaming naghiyawan at ang iba ay winagayway ang kanilang suot na cap. Matapos ang serimonyas ay kanya-kanyang kuha ng litrato ang bawat estudyante kasama ng mga kaibigan, kapamilya o guro.

"Syempre, magpapa-picture ako dito kasama ng valedictorian natin!," sabi ni Marish. "Ysabelle Nicene G. Santos, valedictorian!"

Tumawa ako at nagpose katabi niya. Sumunod naman sina Jojo at Andrei sa amin habang si Cyrus ay kasama ni Jasmine na naglalakad papunta sa kinaroroonan naming apat.

"Alam mo, pinopormahan niyang si Cy si bestie mo..," bulong sa akin ni Marish.

I have an inkling that he does. Madalas ko ding mapansin ang tingin niya kay Jasmine pati na ang pag-alalay sa kanya sa tuwing may group activities kami. I just don't think that Jasmine feels the same way on him, parang may kakaiba lang sa kinikilos niya.

"Group picture tayo dali!," anyaya ni Jojo.

Kumapit sa braso ko si Jasmine habang nasa tabi niya si Cyrus. Si Andrei naman ay nasa kanang banda ko, he actually graduated with honors same with Jasmine. Sayang nga lang dahil pasok sana for salutatorian ang grades ni Jasmine but our school have a policy about transfer students na hindi pwedeng makapasok sa top 3 ang transferees unless they have stayed in the school for 4 years.

"Congrats," wika ni Andrei. I smiled genuinely.

"Congrats din"

"Tama na yan, Andrei! Mamaya ka na mag-I love you kay, Ysa!", one of our classmates said. Tumawa naman sina Jojo at Marish who are crouching down at the middle of us.

Nagpa-picture din kami kasama ang mga teacher namin at syempre, pamilya. Lola Caring's eyes are still watery dahil sa pag-iyak niya kanina while I was delivering my valedictorian speech.

"Sobrang proud ako sayo!," yakap sa akin ni Lola. Alam kong malungkot pa rin siya dahil sa nangyare kay Senor Arturo but nevertheless, she's happy for me.

Kasama nila ngayon si Lucas na nag-abot sa akin ng isang boquet ng bulaklak. He took our photo nang umakyat ako sa stage kasama sina Nanay Josie kanina.

"I'm so proud of you," bulong ni Lucas sa akin. That made me smile. I wish my parents can see this.

Habang naglalakad kami papunta sa kotse niya ay pinakita niya sa akin ang message nina Uncle Klaus at Auntie Elizabeth.

"We're so proud of you Ysabelle! I bought you some clothes and shoes, see!," pinakita ni Auntie ang mga paper bag na hawak niya. Most are from YSL and Chanel. Mukhang alam ko na kung kanino nagmana si Lucas pagdating sa pamimili.

Mayroong handaan sa bahay, tinotoo nga ni Lucas na magpapa-cater siya. While we were here at school ay si Ate Verna muna ang pinag-asikaso doon ni Nanay Josie.

May kanya-kanyang lakad ang mga kaibigan ko dito kaya ang iba lang ang makakapunta sa bahay namin. But Marish made sure that we should celebrate together bago daw kami magsi-alisan para magcollege.

"Taray naman ng valedictorian!"

"Roxy!"

Tumakbo siya sa akin at niyakap ako. She scanned my clothes at kinuha ang diploma ko.

"Picture tayo dali! Suot mo yang medal mo, " utos niya. Roxy came here with her parents and Tita Vangie, who makes dresses for me.

"Congratulations, Ysa!," bati niya. "Bagong dress. Sayang hindi ko naihabol ito. Gusto ko sanang ito ang isuot mo, eh.."

Nagpasalamat ako at tinanggap ang dala niyang paper bag.

"Evangelio! Akala ko di ka makakapunta," Nanay Josie exclaimed. Nagulat tuloy si Tita Vangie.

Blue SkiesWhere stories live. Discover now