xxxv

3.1K 79 23
                                    

"I have a car.."

"Kasama natin mga bodyguards mo?" tanong ni Roxy na parang nilulukot ang mukha.

This is quite surprising. Akala ko pa naman matutuwa siya dahil may mga kasama akong lalake. Three of them are actually good-looking.

"Oo, eh. Pero sa ibang kotse naman sila. Convoy na lang ganon.." sabi ko.

"Saan sila tutuloy sa Sta. Ana? Pwede kaya kina Lola Caring?" Jasmine asked. Pwede naman siguro basta ipapaalam ko. Kailangan ko ring sabihin sa kanila kung bakit nadagdagan ang bodyguards ko.

Simula nang nakapagtrabaho na ako, hindi na kami gaanong nakakapag-usap nina Nanay Josie pati ng mga kaibigan ko. Bukod sa magkaibang oras sa London at Pilipinas, I got engaged in my volunteer works for people with special needs and orphans.

As for our company's corporate social responsibility, naisip kong mag-give back sa sector na iyon. Sinisigurado kong pati ang kumpanya namin dito sa Pilipinas ay ganoon rin. Sa katunayan ay malapit nang matapos ang pinapagawa naming mental health facility and rehabilitation center.

"Sasabihan ko sila. I-inform mo na rin sina Cyrus, Jas.." sabi ko kay Jasmine. Tumango naman siya. "I have to go. May mga aaralin pa akong data and reports.."

Biglang nalungkot si Jasmine at tinignan ako na parang ayaw niya pa akong umalis while Roxy is just staring at her.

"Haynako. Ayusin niyo yang ayaw niyong dalawa. We'll see each other on Sunday morning. Dadaanan ko na lang kayo rito, okay? "

Hinatid nila ako hanggang sa labas ng apartment. I hugged them before I go. Pinagbuksan agad ako ng pinto ng aking bodyguard. Nang makapasok ay kumaway muli ako sa kanilang dalawa. I saw how sad Jasmine is. Hinawakan ni Roxy ang kanyang siko, hinawi iyon ni Jasmine bago nagmartsa pabalik sa loob. Naiwan si Roxy sa labas na tumingala muna bago sumunod.

I learned how to observe, understand and interpret people's behaviour. Hindi naman maikakailang may problema nga dalawa but there's something different. Hindi iyon basta away lang dahil nagkakainisan sila. There's something deep.

Kung hindi na nila matiis ang isa't-isa, bakit hindi na lang sila maghiwalay? If things don't work out how much you try, bakit di na lang nila itigil iyon at lumayo sa isa't-isa? Space can give them time to think.

I want to laugh at myself. Bakit ganito ako mag-isip? As if namang couple ang dalawa.

It was past nine nang matawagan ko si Nanay Josie na nasa Pilipinas na ako at bibisita ako ng Sta. Ana kasama nina Roxy at mga bodyguards ko.

"Ilan sila?"

"Pito po ata kasama iyong driver.." I told her

"Nako! Ang dami naman! Bakit ganyan kadami?" she asked.

Huminga muna ako ng malalim bago ikwento sa kanya ang nangyare.

"Dios ko! Buti na lang at nasaklolohan ka agad! Kung hindi baka.. " I heard her heaved a sigh. "Kailangan mo nang mag-ingat, ha? Ihahanda ko na ang kwarto ko, dito na lang sila sa taas. May aircon naman dito. Sana magkasya sila.."

"Sige po, nay. Salamat.."

"Sige sige. Matulog ka na. Paniguradong marami kang ta-trabahuhin. Mag-iingat ka lagi Ysabelle.."

"Opo. Ingat rin po kayo ni Lola.."

Kinabukasan ay naging abala ako sa pag-aaral ng mga dapat kong malaman sa kumpanya namin dito. Lucas came para ibigay sa akin ang mga papeles na dapat kong pirmahan.

"I have an efficient secretary. Siya na rin ang bahala sayo pagkaalis ko.." Lucas said before sipping his coffee.

"Okay. Nakahanap ka na ba ng pwedeng yaya?"

Blue SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon