x.l.i.

3.4K 100 6
                                    

Sa ilang araw na lumipas, hindi pa rin ako nasasanay sa presensya ni Alfred dito sa tabi ko. Ang bawat tingin niya at pag-alalay ay parang may binubuhay sa loob ko na matagal ko nang isinantabi. Pilit ko na lang tinatandaan na trabaho niya iyon, no feelings attached.

He is sitting on the chair in front of my table and I am always trying to calm my senses every time I work. Mabuti na lang at nache-check ko agad ang mga mali ko tuwing nag-eencode. Mas maganda yata kung sa secretary ko na lang ito ipapagawa.

"Alfred, paki bigay naman kay Ann." nilapag ko sa mesa ang apat na folder. "Tell her to encode those data then isend sa akin via e-mail."

Sinunod naman agad niya ang sinabi ko. Tinignan ko ang paglalakad niya hanggang sa makarating siya sa pinto. I thought he would go outside my office pero sumungaw lang siya saglit doon at naglakad nang muli pabalik sa upuan niya. I immediately turned my gaze on the computer screen. I opened the MS Word to type 'asryiopmx'.

I wonder if he ever gets bored sa pagbabantay sa akin. Opisina at condo lang ang pinupuntahan ko. May iilang meetings naman ako pero sa restaurant lang na malapit dito.

Sa gitna ng pagpapanggap kong may ginagawa, nagring ang aking cellphone. I saw Alfred took a glance at me then at my phone.

"Hello, Rox?"

"Hi, Ysa! May ginagawa ka ngayon?" masigla niyang tanong. Looks like she's in a good mood.

"M-Meron. Bakit?" naghesitate pa akong sabihin ang totoo.

Syempre nakakahiya naman kung sasabihin kong wala tapos nagki-click ako ng kung ano-ano dito para lang magmukha akong busy. Natapos ko na kasing gawin yung mga dapat, ayokong matambakan ako ng trabaho lalo na't nalalapit na ang kasal nina Lucas at Harley.

"Anong oras out mo? Dinner tayo rito sa apartment. Hindi na kasi tayo nagkita pagkatapos ng nangyare sa Lush. Btw, your bodyguard told me kung anong nangyare.."

"Mamayang five tapos na ako. Is Jasmine going to be there?"

"Yup! Kaming dalawa ang magluluto.. So, g na? Anong oras ka makakarating? Pwede ka namang lumabas right?"

Tinignan ko ang bodyguard kong nakikinig ng mabuti sa usapan namin ng kaibigan ko. I raised my brow and so is he. I cleared my throat before speaking at inikot ng konti pa-kaliwa ang aking swivel chair.

"Siguro by 6:30 nandiyan na ako. Should I bring something?" tanong ko.

"Wait, tanungin ko si Jas.."

Tumahimik saglit ang kabilang linya then I heard Jasmine I can buy an ice cream. Naisip ko tuloy kung sasabihin kong kasama ko si Alfred.

"A-Ano.. Roxy- "

"Sige na. Sige na. Mag-go-grocery pa kami ni Jasmine. Mamaya, ah! Bye! Love you!" she ended the call right away.

Napahilot ako sa aking sentido. Should I text her? O si Jasmine na lang? I have to let them know. Roxy will surely flip the table kapag nakita niyang kasama ko si Alfred sa apartment nila or pwede naman sigurong wag ko na lang siyang papasukin doon? But that would be rude.

"Pupunta ako mamaya kina Roxy," sabi ko nang hindi  siya tinitignan. Hinawakan ko uli ang mouse at kinlick ang larong dinownload ko rito noong nakaraan.

Wala naman siyang ibang sinabi. He is usually quiet at pakiramdam kong bored na talaga siya. I looked at him at nakitang nakapalumbaba siya habang nakatingin sa akin. My heart suddenly skipped a beat! His dark eyes is more intense now at parang kinakabisa niya ang bawat detalye sa aking mukha. For the last five years, I became confident on how I look pero sa tuwing tinitignan niya ako ng ganyan, naco-conscious ako.

Blue SkiesWhere stories live. Discover now