xxxiv

3.2K 90 10
                                    


"Welcome to the Philippines!" a flightattendant said.

My guards surrounded me habang naglalakad ako papunta sa kotseng naghihintay sa akin sa labas ng airport. Sa dami ng nakapalibot sa akin ay pinagtitinginan ako.

"Artista ba yan?"

"Parang hindi naman. Baka politiko.."

"Familiar, eh. Model ata?"

"Tabi! Dadaan sila.."

Kung noong nasa London ako ay dalawa lang ang bodyguards ko, ngayon ay anim na. Uncle Klaus tightened my security.

Outside, hinawi ko ang bangs na halos takpan na ang kanang mata ko. Nilanghap ko ang mapulusyong hangin ng Pilipinas.

"I'm back.. " I said to myself.

Akala ko matatagalan pa talaga akong makabalik dito. I even thought that hindi na ako babalik. I'm happy with my life at London kahit na parang may kulang.

I am looking at Manila's busy streets when my bodyguard spoke.

"Lady Ysabelle.. Mr. Martins wants to talk to you in the empire.." wika ng isang bodyguard ko.

Imbis na sa condo ko kami didiretso ay sa kumpanya muna. Akala ko pa naman ay makakapagpahinga na ako after my fifteen hours long flight. Sinubukan kong matulog sa backseat dahil pansin kong traffic na sa kalsadang dinadaanan namin. 

Ginising na lang ako ng bodyguard ko nang makarating na kami sa kumpanya. I hastily fixed myself. Tinignan ko ang mukha ko sa salamin, mukha akong bagong gising! Nakakahiya naman kung makikita ako ng mga empleyado doon na ganito.

"Give me five minutes.." sabi ko. He closed the car's door habang sinisimulan ko nang ayusin ang itsura ko, I stared combing my hair and applied a tint on my lips. Nang okay na ay kinatok ko ang bintana ng kotse, the bodyguard immediately opened the door.

Sa pictures ko lamang nakikita ang itsura ng kumpanya namin dito sa Pilipinas. I thought it's small. Mali ako. Halos kasing laki niya yung company na meron kami sa London. I wonder how did they buy this land. Halos pareho ang istilo ng lugar na ito sa kumpanya namin sa London. Both have an array of trees outside, fiberglass windows and elegantly modern interior.

Limang bodyguards lang ang nakasama ko sa pagpasok sa loob. Ang isa ay naiwan kasama ng driver. Two of them lead the way, may dalawa naman sa magkabilang gilid ko at may isa sa likod.

Most of the people inside are looking at us or..me. Siguro ay iniisip nila kung sino ako. They actually never met me in person, siguro ay sa pictures kilala nila ako.

Nauna ang isang bodyguard na sumakay sa elevator para hintayin ako sa tamang palapag while the four remained with me.

"Excuse me.." wika ng isa kong bodyguard. "This elevator is for the executives only. Please use another one.."

Mukhang na-offend ang ibang mga empleyadong gagamit sana ng elevator na papasukan ko. Men and women glared at me while my bodyguards remained stoic. Isa-isa silang nagsialisan at pumila na lang sa ibang elevators na available.

Tamad na tamad gumamit ng hagdan? I know we have escalators here. I shook my head, disappointed with them.

Pinindot ng isa ang buton para sa ika-dalawampung palapag. Nandoon ang office ng Chief Excutive Officer.

Lumabas kami ng elevator at nakita kong naghihintay na roon ang dalawa ko pang bodyguards. I didn't bother knowing their names, actually. Minsan kasi ay nalilito ako. I tried memorizing their names pero lagi akong nagkakamali. I once called someone "Carlo" but he's actually "Patrick".

Blue SkiesWhere stories live. Discover now