xxi

3.4K 93 17
                                    

"Hindi ba malayo iyon? ", tanong ko sa kanya. I can't stop fidgeting my hands simula kanina matapos akong pumayag na pumunta sa condo niya.

"Not really. It's just a two hour drive mula dito.."

Tumango lang ako. To brush off some indecent thoughts in my head, tinanong ko siya tungkol sa trabaho niya though I know some of it are confidential. Nakatulog ako dahil sa haba ng byahe. Naramdaman ko na lang ang isang marahang tapik sa braso nang makarating kami sa building ng kanyang condo. Medyo inaantok pa ako nang iginiya niya ako papunta sa elevator.

Until now, Alfred's hand remained at my back habang hinihintay naming makarating kami sa tamang palapag. Nahihiya akong tignan siya kahit dito sa repleksyon namin sa pinto ng elevator. The doors opened at the 20th floor. Sa nakita ko ay may 30 floors ang building na ito kung pagbabasehan ang mga buton sa elevator.

When we're at his condo's door, nag-angat ako ng tingin sa kanya pero pa-suplado siyang umiwas sa akin habang tina-type ang password niya saka ininsert ang susi.

I immediately smelled the musk and mint from his unit. Mabango, parang siya. Kahit na nakita ko na ito sa video calls namin noon, namamangha pa rin ako nang makita ko ito sa personal.

"Sa sala ka na lang muna. Magpapalit lang ako ng damit.."

Ngumiti ako at dumiretso doon. He frowned a little bit though. Oh, bakit ang sungit niya?

Dumiretso siya sa kwarto niya. I know it's his room. May tatlong kwarto dito sa unit niya. The other two are a little bit smaller than the master's bedroom pero may sariling banyo pa rin.

Pinasadahan ko ng tingin ang kanyang living area. It's sleek, clean and manly. The colors are mostly black, white, gray and silver. Medyo malaki din ang dining area para sa isang tao lang at may maliit na chandelier pa sa pinaka-gitna. Bakit kaya ganito kalaking unit ang binili niya?

"Magluluto na ako.. ", lumapit siya sa akin wearing a white v-neck shirt and gray shorts. He looks fresh. "You can watch something while I cook.."

Inabot niya sa akin ang remote pero di ko iyon kinuha.

"Pwede bang ikaw na lang ang panoorin ko?", tanong ko.

Nawala ang pagsusuplado sa kanyang mukha dahil sa tanong ko. A wicked grin flashed on his face. Ni-level niya ang mukha ni sa akin at sinandal ang kamay niyang may hawak ng remote sa sofa.

"Are you flirting with me?"

Sigurado akong namula ako nang ma-realize ko ang tanong ko sa kanya! I didn't mean to make it sound like that. Gusto ko lang talaga siyang panoorin!

"It's okay. Basta sa akin lang..", ngiti niya pa uli bago siya umalis.

Tss. Dito na nga lang ako! I opened the television and scanned the channels. Narinig ko ang paghihiwa niya ng kung ano-ano at paghugas niya ng bigas.

Pinipigilan ko ang sarili kong sulyapan siya dahil baka di ko maiwasang puntahan siya doon sa kusina. I finally suit myself on watching a korean music show.

Naka-aircon pala ang buong unit niya. Sigurado akong mahal ito. Muebles palang at furniture ay mukhang mamahalin na! I remembered Andrei said before na ang condo unit daw nila sa Manila ay may dalawang kwarto lang and the rent ranges from 40k - 80k. Maganda daw iyon at maraming amenities ang building. Paano pa kaya itong tinutuluyan ni Alfred?

Naramdaman ko ang pag-upo ni Alfred sa gilid ko kaya tinignan ko siya. Pinatong niya ang kanang braso niya sa likod ng inuupan namin.

"Pinakukuluan ko na.. ", he said. He scanned my appearance bago ngumiti.

Blue SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon