xvi

3.4K 102 39
                                    

Ilang buwan na lang at malapit na ang graduation namin. Excited ako na kinakabahan. Pareho kami ni Jasmine na natanggap sa unibersidad na gusto namin sa Manila! Nakakuha din kami ng scholarship kaya medyo magiging magaan na ang problema namin sa pera.

Nag-offer ang ate ni Jasmine na si Ate Francine, kaklase noon ni Roxy sa ibang subjects, na doon kami tumuloy sa dorm kung nasaan siya. Lumipat na naman kasi siya ng school at may bakanteng kwarto pa para sa akin kaya mas maganda daw kung sama-sama kami doon.

Nanay Josie and Lola Caring are happy for me when I broke the news to them.

"Ang galing-galing mo talaga! Kung buhay pa sina Elisse at Mateo, siguradong matutuwa iyon!", sabay yakap sa akin ni Lola.

My parents Elisse Ysdee and Mateo Santos would be so proud, I know. Kahit na saglit ko lang silang nakasama, I felt their love for me. At sa kahit anong gawin ko, alam kong susuportahan nila ako.

"Nasabi mo na ba kay Alfred?", tanong ni Nanay Josie na nagpatigil sa akin. Tinignan niya ako ng maigi. "Wag mo ng itago sa amin Ysabelle, halata naman, eh. Kahit yung mga kapitbahay natin ay napapansin din.."

Alfred's been visiting me frequently matapos ang promotion niya. Binigyan muna siya ng magagaan na trabaho at bakasyon kaya may oras siya. Hindi pa masabi kung kailan siya sasabak uli sa mga misyon.

"Opo. Ano.. Bibisita daw po uli siya dito sa Sabado..", nahihiya kong sinabi. Yinakap lang uli ako ni Lola Caring.

"Hayy. Nagdadalaga ka na! Akala ko ay wala ka talagang balak pumasok sa isang relasyon--"

"Lola! Wala pong kaming relasyon ni Alfred!", heto na naman kami, "Magkaibigan lang po kami.."

Tumawa si Nanay Josie habang si Lola Caring naman ay parang hindi inintindi ang sinabi ko. It's true! Wala kaming relasyon.

"Hatid sundo ka, sinasamahan kang mamalengke kahit konti lang naman ang bibilhin, dinadalaw ka dito kapag may oras at may mga dala pa..", Lola Caring said, "Pakiramdam ko ay nililigawan ka niya.."

Namula ang mga pisngi ko. Hindi ko magawang tumingin kay Lola. Sa totoo lang ay pati ang mga kaibigan ko, lalong-lalo na sina Roxy at Jasmine, ay ganyan din ang sinabi.

"Teh, yung totoo? Yakap lang talaga?", suri sa akin ni Roxy habang namamalengke ako.

"O-Oo! Ikaw, wag mo ng bigyan ng malisya.."

Ngumisi si Roxy at nagtaas ng kilay, "Hindi mo ako maloloko, girl. Ano pa?"

"H-Holding hands..", bulong ko.

Biglang pumalapak ng dalawang beses si Roxy at nagheadbang. Partida nasa palengke kami at ganito ang asal niya.

"Puta!! Hahahahahaha! There's more pa no?", tumawa siya ng malakas. Kung di ko lang kaibigan to, iniwan ko na siya dito. Napailing ako at yumuko.

Sa ilang beses naming pagkikita, iba't-iba ang ginagawa namin. After school, sa tuwing nandyan siya para sunduin ako ay kumakain kami sa fast food at restaurants dito sa Sta. Ana. We usually go to places that I have never visited.

"Saan tayo pupunta?", tanong ko sa kanya. He's driving to the city part of Sta. Ana. Nandito ang iilang commercial buildings, plaza, bazaar at mga kainan.

"Sa The Fourth. May ramen house don, gusto mo ba yon?", he looked at me.

"Ahmm.. ", tumango ako ng marahan, "Oo. Hindi ko pa natitikman yon. Parang Lucky Me yon di ba? Noodles.."

Tumawa siya habang tumatango, "Yes, and  don't worry about the money. Ako ng bahala don.."

Napatingin ako sa kanya. Sa ilang beses na paglabas namin ay laging siya yung nagbabayad.

Blue SkiesTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang