xiii

3.8K 119 8
                                    

Nagmamadali akong kumain, maligo, magbihis at mag-ayos. Baka wala ng tricycle na dumadaan ngayon dito sa kanto namin at maglakad na lang ako. Ang bagal ko pa naman maglakad!

"Lola, alis na po ako!", sabi ko sa kanya. I didn't bother to show myself dahil sa pagmamadali.

Pagkalabas ko ng gate ay tinignan ko ang magkabilang kalsada, halos kakadaan lang ng isang tricycle dito sa tapat namin. Tsk. Sayang! Habang tumatawid ako papunta sa kabilang side ng kalsada ay napatingin ako sa isang pamilyar na SUV. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong kinabahan.

Tumalikod ako at di na lang pinansin iyon. Hindi lang naman siguro siya ang may ganyang SUV dito sa Sta. Ana. Lumipas ang limang minuto o higit pa ay wala nang dumaan na tricycle. Napatingala tuloy ako sa kalangitan. If these blue skies ain't so pretty this morning, mawawala na ako sa mood. Maglalakad na nga lang ako. Bahala na.

"Ihahatid na kita..", someone spoke behind me. Alfred? Wearing just a casual attire, nakasandal siya sa gilid ng sasakyan niya. Sabi na nga ba!

"Anong ginagawa mo dito?", tanong ko. Ang aga pa, ah.

"Ihahatid ka..", he casually said na para bang hindi big deal iyon.

"Hindi na. Salamat na lang po.. "

"Bakit ba lagi mo akong tinatanggihan?", he said in a soft tone. Kung di ko lang alam na babaero to, iisipin kong seryoso siya sa tanong niya.

"Bakit ba kasi lagi mo akong inaalok?", tanong ko pabalik.

"I'm just trying to help. At ngayon, kung di ka pa papayag na ihatid kita mali-late ka na..", he said. Tinignan ko siya, a wicked grin is plastered on his face. Alam kong alam niyang hindi ko na siya matatanggihan sa puntong ito. It's just either I walk to school which is probably going to make me late for half an hour or so o sasakay ako sa kotse niya and I'll be just on time for my first subject.

Bumuntong hininga ako, "Fine. ", hindi ko na hinintay na pagbuksan niya pa ako ng pinto. I did that by myself. Sumunod naman siya agad.

"Anong oras ang uwi mo?", tanong niya pagkatapos akong sulyapan saglit.

"Hindi ko pa alam.. "

"May gagawin ka pa ba pagkatapos?"

"Oo"

Buti na lang manonood kami ng game ngayon nina Andrei pero isang oras lang naman siguro iyon.

He sighed. "Ano?"

"Bakit gusto mong malaman? "

"Susunduin kita"

Nilingon ko siya. Bakit niya ako susunduin? Pinapapunta ba ako nina Señor Arturo sa mansyon nila? Kung iyon nga, dapat ay nagtext sila o tumawag.

"Bakit?", tanong ko.

He looks like he's getting impatient. Ano? Pikon ba to? I smirked. Bahala ka diyan. Nang makarating kami sa school ay bumaba na agad ako sa kotse niya pagkatapos kong magpasalamat.

Naging usap-usapan sa school ang basketball game mamaya. Marami ang excited na mapanood iyon habang kami ni Jasmine ay tahimik lang na kumakain ng tanghalian.

"Buti pumayag kang manood mamaya. Kasi kung hindi, hindi rin ako manonood..", sabi ko sa kanya. Natigil si Jasmine sa pagkain at tinignan ako.

"Ha?", binaba niya ang mga kubyertos niya, "Ang sabi ni Cyrus, pumayag ka daw kaya ako pupunta!"

"Ano?"

Pareho kaming tumigil muna sa pagkain. Mukhang naisahan kami ng mga lokong yon, ah. Natatawa si Jasmine habang nakasimangot naman ako.

Blue SkiesWhere stories live. Discover now