xl.ii

3.7K 95 27
                                    

I just found myself being dragged by Alfred papunta sa parking lot ng hotel. Hinubad niya ang kanyang jacket upang ipasuot sa akin and he held my shoulders as we half run.

Pinasakay niya ako sa front seat ng isa pang kotse na dala ng bodyguard ko. It is not as flashy as what I rode papunta rito sa Batangas. It's just a simple black Honda. Inayos ko na ang seatbelt ko and braced myself for a fast drive.

I am still in a state of shock hanggang sa makalayo kami sa hotel but that didn't stopped me para lumingon-lingon sa likod kung may sumusunod ba sa amin. Dalawang beses na akong pinagtangkaang kidnapin and I tell you, it's quite traumatizing. God knows what they will do to me sa oras na makuha nila ako. I may act calm pero hindi ibig sabihin non ay hindi na ako nilalamon ng anxiety.

While driving, Alfred is a little bit busy with some calls.

"Yes, sir. She's with me. Arnold and James are already taking care of it." sabi niya. He's probably talking to my Uncle.

"Okay, sir. I will tell her.." sinulyapan niya ako.

Yakap-yakap ko ang jacket na pinasuot niya sa akin kanina, he's now just wearing a white v-neck shirt and blue jeans. Hindi naman malamig, I just want to make myself feel secured and safe. I can smell his scent from his jacket. Hindi iyon matapang at masakit sa ilong, it smells like him. Fresh, masculine and addicting.

"I know a place. We can stay there until it's all clear.. Yes, sir. I will. I promise."

Nang binaba na niya ang tawag ay nagfocus na lamang siya sa pagmamaneho. Neither of us talked during the drive. Kahit kalmado na ako ay wala ako sa mood na tanungin siya kung saan kami pupunta o alamin kung anong pinag-usapan nila ng kausap niya kanina.

He's occasionally glancing at me tuwing humihinto kami sa stoplight. Seryoso pa rin ang itsura niya hanggang sa makarating kami sa isang apartment. Mula dito sa kotse ay tinignan ko ito. It's worn down at parang matagal na itong nandito sa lugar. Kapansin-pansin ang nagfi-flick na sign sa labas na 'open 24 hours'.

Before going out, he wore a black cap. Hindi ko na hinintay na pagbuksan niya pa ako ng pinto, lumabas na lang agad ako. Mabilis siyang lumapit sa aking tabi at iginiya ako papasok sa loob.

May isang matandang babae sa registrar na tinitignan kami ng maigi. Eventually, she smiled.

"Oh, hijo! Nagawi ka dito.."

Alfred and I went to her. Lumipat ang tingin sa akin ng matandang babae at lumiwanag ang mukha.

"Aba, may kasama ka. Girlfriend mo?" tanong niya. Why do they always think na girlfriend niya ako? Hindi ba pwedeng kaibigan?

I was about to open my mouth when Alfred cut me off, "Opo," then he smiled.

I was quite shocked. Not because of his answer but because he smiled! Ilang segundo yata akong natulala dahil sa ngiti niya. I had seen him smile pero iba itong ngiting iginawad niya sa matanda.

"Pwede ko po bang makuha ang susi ng kwarto ko? Dito po muna kami magpapalipas ng gabi.." he said.

Dito? Kwarto niya? May kwarto siya dito? Here in Batangas really? Bakit? Anong nangyare sa condominium unit niya noon? Wala na ba iyon? Is he living here now?

"Sige. Saglit lang.." the old lady opened a drawer, "Ito. Sayang hindi mo naabutan si Wilson. Dumayo siya dito kahapon.."

Kinuha ni Alfred ang susi at nilagay iyon sa bulsa ng pantalon niya.

Umiling siya, "Sayang matagal ko na po siyang hindi nakikita.. Una na po kami.."

"Sige sige. Pakasaya kayo.." sabi ng matanda.

Blue SkiesWhere stories live. Discover now