vi

4.2K 141 42
                                    

After our conversation sa greenhouse, bumalik akong mag-isa sa mansyon. Napag-desisyonan nina Lola at Senyora na doon na kami magdinner sa bahay namin.

"Bakit hindi na lang dito?", tanong ni Senyor.

"Bakit hindi doon?", mataray na tanong pabalik ni Senyora. "Sumama ka na lang."

"Oo nga, Arturo. Matagal-tagal ka ng di lumalabas ng mansyon. Ano ba naman yung simpleng kakain ka lang ng hapunan sa bahay.. ", dagdag ni Lola.

"Ipagluluto pa naman daw tayo nina Josie at Ysabelle. ", sinusubukang kumbinsihin ni Senyora ang kanyang asawa.

Señor Arturo sighed. Alam niyang hindi siya titigilan ng dalawa hangga't di siya sumasama. He knows na pinagtutulungan siya.

"Mercy, paki tawag si Jun. Magpapahatid kami papunta kina Caridad.. ", utos ni Senyora.

Pero bago pa makaalis si Ate Mercy ay dumating si Alfred.

"Ako na lang po ang maghahatid sa inyo doon. Busy po si Mang Jun.. ", he volunteered.

Sinubukan kong hindi magreact sa sinabi niya. I can sense that he's looking at me. Inabala ko ang sarili ko sa pagtingin sa mga letratong nasa frame. Anong busy si Mang Jun? Paano siya magiging busy? Eh, nasa kusina lang siya kanina at nakikipag-kwentuhan sa mga kasama niya.

"Sige, iho!", Senyora clapped na para bang tuwang-tuwa sa sinabi ng kanyang apo.

"Doon ka na rin maghapunan, ha?", anyaya pa ni Lola! Nilingon ko sila and I immediately caught Alfred's attention.

Wag kang papayag.

He smiled. "Sige po, Lola.. "

Aba naman. Tumikhim ako at humalukipkip.

Nagpaalam siya na mag-aayos lang muna, ganon din sina Senyora kaya kaming dalawa lang ni Lola Caring ang naiwan sa sala.

"Mabait naman pala itong isang apo ni Arturo, no?", tanong ni Lola.

"Opo"

"Gwapo rin di ba?"

"Opo"

"Tingin mo maginoo?"

"Opo"

"Hmmm. Naiinis ka sa kanya?"

"Op.. Po?", nilingon ko si Lola?

"Nakita ko ang masama mong titig sa kanya, Ysabelle. "

"Kailan po?", sinusubukan kong i-deny. Obvious ba yung ginawa ko kanina?

"Sus. Ikaw na bata ka. Kitang-kita ko ang titig mo sa kanya. Tsaka oo ka lang ng oo. Halatang ayaw mong siyang pag-usapan.."

"Imagination mo lang po yon, Lola.."

"Edi, naga-gwapuhan ka nga sa kanya?", naningkit ang mga mata niya habang tinatanong ako. Hinuhuli niya ako.

"Opo. Lahat po ng apo nina Senyora Cassandra eh gwapo at magaganda.. "

Hindi siya kuntento sa sagot ko at alam kong gusto niya pang magtanong uli pero di na niya ginawa dahil bumaba na ang mga Salvador mula sa hagdan.

"Tara na.. ", maligayang sabi ni Senyora Cassandra. Nakasunod lamang si Señor Arturo sa kanila patungo sa labas habang si Alfred naman ay mukhang hinihintay akong kumilos.

Hindi naman ako mataray talaga pero di ko maiwasang pagtaasan siya ng kilay.

"Ano?"

"Wala..", sumenyas siyang mauna na ako sa paglalakad. Señor Arturo was seated at the passenger's seat habang kaming mga babae naman ang sa likod.

Blue SkiesWhere stories live. Discover now