xxiv

2.9K 95 15
                                    

Ngayong araw ang dating ni Lucas dito para sunduin ako. I readied my things again and myself. Hawak-hawak ko ang cellphone na binigay sa akin nina Senyora Cassandra. There's no doubt that they have been good to me all throughout my days there.

Hindi ko na namalayang nag-iiscroll na pala ako ng mga letratong kuha ko sa gallery. There are my pictures with Lola Caring and Nanay Josie, my friends at school and our class photo. The most recent ones were during our graduation at celebration doon sa bahay. Then my eyes got fixed on my photos with Alfred.

My stomach flipped while looking at our smiles. Images of our meeting yesterday flashed in my mind. He looked enraged, ni hindi niya ako magawang tignan. What hurts more is that he have second thoughts na paniwalaan ako!

"Ysabelle," I heard Ate Francine's multiple knocks on the door.

"Bakit po?"

"Lumabas ka dito dali!"

I hastily opened the door. Nakita kong maputla ang kanyang mukha. I sensed problems coming.

"Ganito kasi yan.. ano.. may," huminga muna siya ng malalim bago magsalita uli. "May mga pulis na papunta daw dito. As in, dito sa apartment!"

Napapikit ako. Paano nila ako nahanap agad?

"May iba atang nakakaalam na nandito ka or baka yung bruhang babae don sa registrar ang nagsumbong sa mga pulis!", panggigigil niya.

I need not to be told, kinuha ko na agad ang bag ko. Kailangan kong makaalis dito before the police comes. Pero paano si Lucas?

Ate Francine looked for something in her bag. Inabot niya sa akin ang isang lumang cellphone.

"Oh, gamitin mo yan. Sabihin mo sa susundo sayo na magkita na lang kayo doon sa may Alumni Hall. Konti lang ang tao doon. Nasaan na daw ba siya?"

"Q. Ave na daw."

She nodded, "Malapit na. Text him tapos tatakas tayo."

I was a bit shocked. Bakit pati siya? Ayokong madamay pa siya kung sakaling mahuli kami. Sapat na ang tulong na binigay niya sa akin. She chuckled ng makita ang reaction ko.

"Oy, syempre di kita pwedeng pabayaan no? Sabunutan ako ni Roxy, eh.," she smiled.

"Salamat, Ate Francine."

We immediately moved pagkatapos kong ma-text si Lucas at masabi sa kanya ang sitwasyon. Bumababa na kami sa hagdan sa likod ng apartment nang marinig namin ang sirena ng mga pulis.

"Ay, shit."

"Bakit ate?"

"Ang dami nila!," she hissed.

Kinabahan ako. Ate Francine pulled my arm at dumaan kami sa barong-barong na malapit sa apartment. Makipot at pasikot-pasikot ang dinaan namin until we just found ourselves out of there. Mukhang nakalayo na rin kami sa apartment.

"Lakarin mo lang ng diretso yon, nandoon yung hall. Mag-iingat ka, ah. Hindi ka pwedeng magpahuli."

Tumango ako. She ruffled my hair.

"Sige. Babalik na ako. Makakatikim ng sampal sa akin mamaya yung bruhang registrar doon. Ingat ka, ha"

Sabay kaming naglakad palayo sa isa't-isa. Hindi ko magawang tumingin ng diretso sa mga nasa paligid ko, thinking that anyone could recognize me. Diretso lang ang tingin ko sa kalsada hanggang sa marating ko ang hall na sinasabi ni Ate Francine.

I'm cautious every time na may naglalakad palapit sa akin.

"Excuse me."

My heart is suddenly thumping loudly in my chest! Sinusubukan kong kumalma pero wala talaga. Dahan-dahan kong nilingon ang taong nasa likod ko.

Blue SkiesWhere stories live. Discover now