i

12K 199 72
                                    

I don't know why I'm fascinated with the skies. Pag nagmumuni-muni ako, ito lang ang tinitignan ko. Para akong nangangarap ng gising. Ewan ko nga kung ilang pangarap na ang nabuo ko rito. Mga pangarap na parang ang hirap abutin.

I never get tired looking at the skies. Most of the times, it's blue. Sometimes, it's a mix of orange and red. Blue, violet and pink. And sometimes, it's gray.

They said "sky's not the limit". There is the entire universe out there that has never been explored. Pero bakit sa mahirap na tulad ko, parang lahat ng bagay ay limitado lang?

Limitado lang ang pera. Limitado lang ang oras para sa ibang bagay dahil kailangan kong magtrabaho. Limitado lang din ang kaya kong makamit sa buhay.

"Ysabelle. Hinahanap ka ni Señor sa mansyon.. "

"Sige po. Pupuntahan ko siya"

Tumayo na ako sa damuhan ng hardin ng pamilyang pinagsisilbihan ko tuwing may oras ako.

"Ano pong kailangan niya sa akin Ate Mercy?"

"Naku. Mukhang magpapaluto para sa hapunan mamaya. Alam mo naman ang Señor, medyo mapili.. "

Dumiretso ako sa sala at nakita si Señor na nakaupo sa sofa habang nagbabasa ng dyaryo. Nilapitan ko siya. Tumigil ako ilang hakbang mula sa kinauupuan niya.

"Pinatawag niyo raw ho ako.. "

"Ah! Ysabelle! Mabuti naman at nandito ka ngayong araw. Can you please cook your specialties today? Ngayon kasi ang uwi ni Cassandra pati ng mga anak at apo ko.. "

"Opo, Señor! Pero uuwi po muna ako para magpaalam kina lola at nanay.. "

"Sige, iha. Mercyline"

"Bakit po Señor?"

"Ipahatid mo kay Jun si Ysabelle sa bahay nila at sunduin din pabalik rito.. ", utos ni Señor. Nakakahiya man ay pumayag na rin ako. Makakatipid ako sa pamasahe. Nagpasalamat ako kay Señor at umalis na.

"Ano-ano ba ang mga iluluto mo mamaya Ysabelle para maihanda na namin? ", tanong ni Ate Mercy.

"Sinigang na baboy po. Gusto nila ni Senyora ang may sabaw.. "

"Ah! Si Sir Alfredo paborito ang baka"

"Sige po. May naisip ako para diyan. Sasamahan na rin po natin ng salad tsaka dessert.."

"Anong dessert, iha?"

"Coffee jelly. Mahilig sa kape si Señor"

"Sige. Ipapahanda ko ang mga kailangan mo mamaya. Anong oras ka susunduin ni Jun?"

"Alas kwatro na lang po. "

Nang makauwi ako sa amin, sinabi ko kina Lola at Nanay ang gagawin ko mamaya sa mansyon.

"Napapansin kong gustong-gusto ni Arturo ang mga luto mo.. ", sabi ni Lola Caring.

"Pansin ko nga din, Ma. Namana mo ata sa mga magulang mo iyan. Mahilig silang magluto noon.. ", wika naman ni Nanay Josie.

Napangiti na lang ako sa mga sinabi niyang iyon. Patay na ang mga magulang ko at ang mga kasama ko na lang ngayon ay ang kaibigan nila. Walong taong gulang ako noong ipinagkatiwala nila ako kina Lola Caring, ang sabi nila may mga aasikasuhin lang silang trabaho sa ibang bansa at babalik rin sila agad.

Hindi naman marangya ang pamumuhay namin noon. Kung tutuusin, napaka-simple lang non kaya hindi kailanman pumasok sa isip ko na may trabaho ang mga magulang ko sa ibang bansa.

Dumaan ang araw, buwan at taon. Hindi sila umuwi. May natatanggap lang kaming pera na allowance ko raw para sa pag-aalaga sa akin dito nina Lola.

On my thirteenth birthday, I received an extravagant gift from them. A laptop for my schooling. Natuwa ako ron pero sumagi sa isip ko na parang hindi nila ako babalikan. It's been six years at wala man lang silang paramdam. Maliban sa allowance na natatanggap ko.

Blue SkiesWhere stories live. Discover now