ii

5.8K 148 56
                                    

Pakiramdam ko ilang minuto pa akong natulala bago ko naisipang umalis sa kinatatayuan ko. Masyado na ang mga naririnig at nakikita ko. Tsaka masamang manilip!

"Aray", I accidentally hit the drawer. Napasilip uli ako sa labas at nakita ko ang paglinga ni Alfred sa paligid.

"W-why did you stop?", hinihingal na tanong ng babae.

"Nothing"

Aalis na sana ako nang biglang may sumabit sa bestida na suot ko. Kumalampag tuloy ang drawer. Ano ba naman yan, Ysabelle!

"A-Alfred. Wait. Saan ka pupunta?"

Shit. Hinila ko ang bestida ko mula sa drawer at nagmamadaling umalis ng kwarto. Nakita ko si Aling Anita na pababa na ng hagdan kaya hinabol ko siya.

"Saan ka nagpunta?"

"P-po?", hinihingal ako dahil sa pagtakbo, "Diyan lang p-po.. "

Kinakalma ko ang sarili ko habang bumababa kami ng hagdanan. I'm sure na namumula ako. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa pagtakbo o dahil sa mga nasaksihan ko.

Nakita ko sa sala ang mga Salvador na mukhang may pinag-uusapan. There's General Alfredo, the first born of Señor Arturo and Senyora Cassandra, with his wife Ma'am Cristina and children Clara and Carmina. Kulang ng isa, ang kanilang bunso na si Alfred.

On the other side is Ma'am Alexandria and her husband, Sir Thomas Prieto with their twins, Harley and Hughes and Thelma, the youngest. Sir Nicholas and his wife, Jaine are standing behind General Alfredo habang ang mga anak nilang sina Fiona at Fire ay busy sa kani-kanilang cellphone.

Gusto ko na tuloy umuwi. Kina Aling Anita na lang siguro ako magpapaalam. Nakakahiya namang sumingit pa ako sa usapan nila.

"Ysabelle.. ", narinig ko ang tawag sa akin ni Senyora Cassandra kaya ako napalingon sa kanya. Sumenyas siyang lapitan ko siya which I did. "Siya nga pala yung nagluto ng hapunan natin ngayon. Hughes, Harley, this is Ysabelle Santos. "

"Hello po", I smiled. The twins are scanning me from head to toe.

"So, you're the girl grandpa was talking about", Harley said, "Nakakaselos si Lolo, ah"

The amusement in her voice is evident. She's like the female version of Hughes. Iba lang ang kulay ng kanyang buhok. Hers is dark brown and I little bit wavy while her brother's is black.

"Anong grade mo na?", tanong ni Hughes. Mas friendly ang approach niya sa simpleng tanong na iyon. Yung kakambal niya kasi, parang mataray.

"Grade 12 po sa pasukan.. "

"Aahh. Ang bata mo pa pala. Accelerated ka ba?", he looks confused.

"Iho, she's already 18 years old. ", Senyora said as she held my shoulders.

"Wow. You look very young!", Sir Hughes smiled charmingly. Kaya pala mas gusto niya ng mga kasambahay dito. "What course are you going to take in college?"

"Umm. Psychology po siguro.. "

"Bakit iyon?", Ma'am Harley asked.

"You have a talent for cooking. Why not
culinary arts?", Sir Hughes suggested.

"Mas marami pong opportunity sa iba't-ibang field ang course na yon..", I said. Tumango naman sila.

"Alfred! Saan ka ba nanggaling? Bigla ka na lang nawala. ", Senyora asked her grandson na kakapasok palang ng mansyon. I'm sure na naestatwa ako sa kinatatayuan ko.

I saw Fire and Harley smirked. While Hughes was in animated conversation with his father. Ang mga kapatid naman niyang sina Clara at Carmina ay masama ang tingin sa pintuan. Habang si Fiona ay busy pa rin sa kanyang phone.

Blue SkiesWhere stories live. Discover now