xl.v.

3.3K 92 28
                                    

Nanginginig ang mga kamay ko habang naghihilamos ng mukha. Halos manghina ako sa sinabi ni Boy. Bakit ako gustong patayin ni Jamila? Anong ginawa ko sa kanya? I've been a good friend to her kaya wala akong maisip na dahilan para gawin niya iyon sa akin. First was framing me to an attempted murder and burning the mansion at ngayon ito? What could be the reason? There would always be a reason behind everything.

"Ysabelle?"

"R-Rayn!" agad kong pinunasan ang mukha ko gamit ang mga tissue.

She scanned my face through my reflection in the mirror, "Ayos ka lang? Mukhang balisa ka."

"I'm okay. Medyo pagod lang.." sagot ko.

Tumango naman siya kahit na parang hindi siya naniniwala sa sinabi ko at nilabas ang lipstick. She applied some on her lips. Kapansin-pansin ang magandang tindig niya. She looks firm and strong for a girl pero hindi nawawala ang femininity niya. She seems amazing.

"What?"

"H-Ha?"

She smiled, "Kanina mo pa ako tinitignan.."

"Ang ganda mo lang. No wonder Hughes is smitten with you"

"Talaga? I don't think so. He's just being polite to me."

Nawala ang ngiti sa kanyang mukha. I thought they're in good terms or maybe more than that. Hughes is kind of sweet to her at parang ganon din siya. I see how their eyes twinkle with admiration whenever they look at each other. Just like how Alfred looks at me..

"Talaga?" tanong ko.

"Yup. Alfred is the one who's smitten"

He seems like it. Yumuko ako ng konti at nilagay ang hibla ng buhok ko sa likod ng aking tenga.

"Alam mo, akala ko si Andrea ang girlfriend niya. That woman had been following him around."

Sinubukan kong magmukhang hindi interisado sa sinasabi niya. Nilabas ko ang compact powder ko at naglagay ng pulbo sa aking mukha.

"When I was working with Alfred, hindi ko naisip na may babae siyang nagugustuhan. Wala kasi siyang sinasabi, eh. Then, Andrea just tags along kaya we assumed that girlfriend niya iyon." sabi niya.

"Anong trabaho mo? Pulis ka rin ba?" tanong ko habang nilalabas ang lipstick ko. She stilled for a moment.

"I'm working in a law firm. May mga kaso lang akong na-handle noon na tinarabaho ni Alfred." nang matapos siya ay sinuot niya ang chain ng kanyang bag, "And I know about your case.."

Natigilan ako roon.

Hinarap niya ako habang isinasandal ang tagiliran niya sa marble sink,"Nakita ko yung lalakeng kumausap sayo kanina. You should tell Alfred about it," she almost whispered.

"Babala lang naman iyon"

"Kahit na. You're not just going to risk you life here, Ysa. Pati ang kay Alfred. Tell him kung anong sinabi sayo ng lalakeng iyon, it would finishing your case fast."

My heart clenched dahil sa sinabi niya. That thing never occurred to me. Hindi ko naisip na pati nga pala ang buhay ni Alfred ay pwedeng manganib. I always thought that ako lang ang nanganganib. Ako lang ang dapat na iligtas. Ako lang naman kasi ang pakay nila.

But Alfred and my bodyguards are with me. Sa oras na nagkaharap sila at ang mga sindikato, there's a huge chance that maaari silang masaktan. Ang mga peklat at sugat sa katawan ni Alfred ay pwede pang madagdagan. Bakit ba kasi tinanggap niya pa ang trabahong ito?

Wait. Is it possible that Jamila is involved with the syndicate?

Rayn accompanied me to my table. Hindi lang trabaho ang pinag-usapan namin, we also talked about our hobbies and well, her relationship about Hughes.

Blue SkiesWhere stories live. Discover now